PIYESA 72

0 0 0
                                    

Bakit nga ba ako magpapadala sa pagkabagabag
Kung pwede namang sumabay ako sa agos ng tinta
Tintang alam kong balang araw
Ay muli akong makasusulat ng isang obra
Obrang magpapaalala sa akin
Na sa kabila ng araw
Ng araw ng paglimot ko sa pagsulat at pagtutula
Ay patuloy paring isinisigaw ng puso ko na "Ituloy mo."
Na sa bawat araw na tila ba nilimot na ako ng sarili kong talento
Ay ipapaalala nito na may pag-asa ako sa larangang ito


-AlagadNgPluma

Ang Muling Pagbuhos ng Tinta (Isang Daang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon