PIYESA 71

0 0 0
                                    

Ika'y may lisensya
Itinuring na bayani dahil propesyunal ka
Ngunit bakit di mo gamitin ng tama
Ang edukasyong iyong nakuha
Hindi ba't dapat alam mo ang mali sa tama?
Hinayaang dumanak ang dugo
Kay gulo na ng mundo
At isa ka pang dadagdag sa mga suliraning ito
Gagawa ng istorya
Paiikutin ang masa
"Nasa katungkulan ako, dapat maligtas ako."
Ano ba namang meron sa isang ito?


-AlagadNgPluma

Ang Muling Pagbuhos ng Tinta (Isang Daang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon