PIYESA 63

0 0 0
                                    

Kung noon, "Hindi na ako makangiti."
Ngayon, "Hindi ako walang kwenta. Ako ay may silbi."
Dahil sa dami ng taong niyuyurakan ang pagkatao mo't hindi kayang maniwala sa kakayahan mo
Ikaw ang mas kayang makapagsabi ng totoo
Dahil ang mga tao ay replika ng mundong nagtanim ng mga hurado
Ikaw ang siyang mas nakakikilala sa sarili mo.
Ikaw ang siyang huhubog ng buhay mo
Hindi ang mga salitang binabato sa 'yo ng mga tao


-AlagadNgPluma

Ang Muling Pagbuhos ng Tinta (Isang Daang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon