PIYESA 76

0 0 0
                                    

Kababaihan kabaliktaran ng kalalakihan
Katandaan kabaliktaran ng kabataan 
Saang pwesto ba nabibilang ang ating karapatan?
Alam mo ba ang iyong tatapatan?
Magsimula tayo sa mga asignatura
Kung saan sa paaralan unang nakikita
Unahin natin ang matimatika
Kung saan mga numero ang nangunguna
Na kasing dami ng mga bata
Mga batang ang nais lang ay guminhawa
Ngunit bakit ang hirap maibigay ng pormula?
Teka,teka! Ano bang pormula ng ginhawa?
Eto ba yung..
Pagbabanat ng buto sa murang gulang plus sweldo sa amo multiply by bigay sa amang lasenggero divided by sampal sa inang sugarol minus edukasyon
Parang hindi naman ata tugma?

-AlagadNgPluma

Ang Muling Pagbuhos ng Tinta (Isang Daang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon