PIYESA 33

1 0 0
                                    

Ayokong aksayahin ang bawat araw na natatanaw ko ang umaga, ang titigan ang kinang ng buwan at mga bituin nang kasama ka sa t'wing sasapit ang kailaliman ng gabi.
Nais kong dampian ng bawat patak ng kape ang aking mga labi sa t'wing ako'y magpapahinga kasama ang paghaplos ng hangin sa aking katawan habang ika'y nakangiti sa akin na para bang ito ang nagsisilbi kong matamis na asukal.
Nais kong tanawin ang magandang dalampasigan sa dapit hapon habang ako'y iyong yakap mula sa aking likuran na para bang ako lang ang ninanais ng mga bisig mong painitin sa t'wing gusto ko ng komportableng sandalan.


-AlagadNgPluma

Ang Muling Pagbuhos ng Tinta (Isang Daang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon