PIYESA 47

1 0 0
                                    

Hindi maipagkakailang isa siya sa minamaliit ng lipunan.

"Anong mapapala mo r'yan?"

Isa 'yon sa mga tanong na kahit anong pilit niyang ipaliwanag sa mga tao, walang sino man ang magbibigay ng oras upang unawain ang mga sinasabi niya.
Kahit na isang kusing ng salita, walang nagbalak na pakinggan ang hinaing niya. Tahimik ang kanyang mundo.
Wala siyang inuusig na kahit sino.
Ngunit bakit tila lahat ng mga matang mapanghusga at praktikalan ang laban sa buhay ay napapansin ang kanyang presensiya?

Nais lamang ng manunula(t) ang sumulat at tumula.
Mundo niya ang literatura at hindi ang pera.

-AlagadNgPluma

Ang Muling Pagbuhos ng Tinta (Isang Daang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon