PIYESA 46

0 0 0
                                    

Hindi kasing pula ng rosas ang mga labi niya.
Hindi siya maputi at makinis gaya ng labanos.
Hindi kumikinang ang mga mata niya na kagaya ng mga bituin sa t'wing sasapit ang gabi.
Hindi tumatagal ang bango ng damit niya na gaya ng halimuyak ng talulot ng bulaklak.
Hindi siya yung tipo ng binibining mapapahabol ka ng tingin kapag ito'y dumaraan.
Isa lamang siya sa mga mariposang nagtatago sa loob ng hardin.
Nagnanais ng katahimikan.
Nais niyang damhin ang kaginhawaang dulot ng sariwang hangin.
Mas nanaisin niyang uminom ng kape habang nagbabasa ng kanyang paboritong libro.
Kaya't kung siya ang iyong mamahalin, unawain mo sanang wala itong nais na hilingin kundi ang makasama ka sa katahimikan na kung saan ay sabay kayong hahalakhak sa mga nakakatuwang kwento na inyong nasilayan.
Handa siyang alayan ka ng tula.
Siya ang binibining walang ibang gusto kung hindi ang maunawaan na ang kanyang mundo ay nababalot ng literatura at pangakong ikaw ang siyang kanyang unang magiging paksa sa bawat tulang kanyang malilikha.

-AlagadNgPluma

Ang Muling Pagbuhos ng Tinta (Isang Daang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon