Hans Marie Sierra sa Multimedia
Reign POV
Linggo ng umaga ngayon at nandito kami sa byahe para sunduin sa airport si Chris yung mistress ni Howard hanggang ngayon di ako makapaniwala na ang Howard na yun ay may kabit din kung tutuusin total package na si Sen. Dela Merced pero well hindi ko alam ang kwento kaya kaya di ko na rin muna pakikialaman
Nandito kami ngayon sa gitna ng traffic dahil alam mo naman sa pilipinas traffic na lang ata ang Hindi nagbabago
"Ano kayang itsura nya no at anong klaseng babae kaya sya " tanong sa akin ni Hans
Nagpasama ako kay Hans dahil ayoko naman magisa sunduin yung Chris at dahil free naman si Hans sinamahan niya ako wala naman ata ginagawa sa buhay tong lalaki nato ehh
"Malay ko di ko pa din naman siya nakikita sinabi lang sa akin ni Joaquin yung pangalan niya at konti inpormasyon tungkol sa kanya" sabi ko habang nakatuon sa dinadaanan namin
"Nga pala naprint mo ba yung pinapagawa ko sayong pangalan nya para naman makilala nya tayo" tanong ko kay hans
"Ay oo nadyan sa likod ipataas mo nalang mamaya Kay manong driver para makita nya tayo agad ayoko din masyado magtagal sa airport " sabi niya na ikinairap ko sa kanya
"Napakaarte nito akala mo naman kagandahan" sabi ko sabay tawa sa kanya
Mga ilang sandali pa ay nakarating na kami sa airport mga ilang minuto na kaming nandito ngunit wala pa rin
"Itaas mo ng mabuti Angelo para makita nya agad tayo" sabi ko kay Angelo na driver ko
Mga ilang minuto rin ang inintay namin bago may lumapit sa aming cute nalalaki siguro kasamahan ito ni Chris para hindi agad siya makilala ibigsabihin ganun kalaki ang pagkatao ng babae na ito para itago ng ganito
"What can we do for your?" tanong ko sa lalaking nasa harap namin
"Amm ako pa yung nasa banner.. " sabi niya na talagang nakapagpagulat sa akin
Hindi ako makapaniwala na yung inaakala kong kanit na babae ni howard ay lalaki rin pala wala kasi sa itsura nito na magkakaroon siya ng ganitong klase ng kabit. Pero sabagay bakit nga si Joaquin lalaking lalaki rin ang itsura nakita mo naman kung sino ang kabit. nakit nga ba hindi ko naisip na kaya sa akin humingi ng tulong si Joaquin at si howard ay dahil kapareho ko ang kabit niyo.
"Ahh sorry I thought.." sabi ko na bigla niyang pinutol
" Na babae ang kabit ni howard.." dugtong naman ni Hans na ikinapalo ko hindi ko na nga sinabi para di siya maoffend tapos itong gaga na to sinabi pa
" Sorry we don't mean to offend you di lang talaga namin akalain na si howard ay magkakaroon ng you know gay na kabit" pagpapaliwanag ni hans
" Ok lang po ako rin naman po noong una ehh hindi ako makapaniwala na papatulan niya ako" sabi niya na medyo nahihiya
"Don't be noong sinabi mo nga na ikaw ang mistress ni howard actually hindi naman ako nagulat na ikaw ang pinili niya because your pretty for a guy I mean ang ibang features mo ay pangbabae talaga malambot kung baga" sabi ko sa kanya
" Shall we.. tara na at medyo pinagtitinginan nila tayo baka mamaya may makarinig pa ng usapan natin" aya ni hans kaya lumakad na kami sa sasakyan at bumyahe pauwi
Habang nasa sasakyan ay tahimik lang kaming lahat halos walang nagsasalita siguro dahil kinakapa pa namin ang isa't isa. Kaya ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
" Nga pala Chris bukas ay susunduin kita may puputahan tayo" Sabi ko sa kanya dahil balak kong ipakilala siya sa mga kaibigan ko
" Atsaka nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sayo ako nga pala si Reign Buencamino mistress of Senator Demetrio" sabi ko na nakita kong ikinagulat niya syempre sino ba namang magaakala na iyong lalaking lalaking itsura ni Joaquin na iyon lalaki rin pala ang hanap kung tutuusin nasa asawa naman na niya ang lahat
"Ako naman si Hans Marie Sierra. Hans na lang" pakilala naman ni hans
" Ako naman po si Chris Palma taga-mindoro po" pakilala naman niya
"Wag kang mahiya Chris kami ang makakasama mo rito sa maynila kumbaga kami ang makakaramay mo rito" sabi ni hans upang malawa ang akward atmosphere sa pagitan namin
" Pasensya na po medyo nahihiya lang po talaga kasi po parang ang sosyal niyo pong dalawa hindi akong bagay na dumikit sa inyong dalawa" sabi niya
" Don't be honey soon magiging ganito ka rin" sabi ni hans na ikinatango ko
Mga ilang sandali pa ay nakaating na kami sa building ng condo na binili na howard para kay Chris nagpatulong na lamang kami sa mga guard dito upang dalin ang mga gamit niya sa taas hindi rin naman ganun karami ang dala niyang gamit. Hindi na rin bumaba si Hans sa sasakyan at umalis na siya sapagkat may pupuntahan pa siya
Nakita ko na pagpasok namin sa condo ay manghang mangha si Chris sa nakikita niya halatang hindi siya sanay sa ganitong buhay pero dapat na siyang masanay dahil simula ng pinasok na niya ito mahihirapan na siyang kumawala.
" Sakin pong lahat ito" tanong na siya sa akin
"Oo binili niya itong lahat para sayo at yung kotse sa baba sa iyo rin iyon pero sabi sa akin ni Joaquin hindi ka pa naman daw sanay magmaneho kaya non sense din" Sabi ko
" Sige po salamat po..." sabi niya
"Reign na lang" pagdudugtong ko
" Sige po salamat Reign tatawagan ko lang si Howard para sabihing nandito na ako" sabi niya nakinontra ko
" Hindi pwede... Hindi mo siya pwedeng tawagan" medyo napalakas na sabi ko sa kanya
" Bakit hindi ko siya pwedeng tawagan" tanong niya na medyo galit na rin
" Dahil siguradong kasama niya ang asawa niya kaya hindi mo siya pwedeng tawagan" saad ko sa kanya
" Lagi naman niyang kasama ang asawa niya" pagmamaktol niya
" That's the point... lagi niyang kasama ang asawa niya kaya hindi mo siya pwedeng tawagan basta basta" pagtuturo ko sa kaniya pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa kwarto niya.
Pagpasok niya ay umalis na ako at tinawagan si Joaquin dahil sigurado naman akong nasa office pa yun ng ganitong oras
" Hon nadala ko na si Chris sa condo sabihin mo na lamang kay howard na ok na" sabi ko
" Sige salamat " sabi niya sabay baba ng tawag hayss sanay na ako na madalas ganito ang conversation namin na halos tumatagal lang ng segundo. Kahit na minsan gusto ko siyang kausapin ng matagal.
CODE 1: TANDAAN MISTRESS KA AT HINDI KA ASAWA KAYA HINDI KA PWEDENG TUMAWAG BASTA LALO NA AT MALAKING TAO ANG PARTNER MO.
*_*
BINABASA MO ANG
The Mistresses Code ( bxb)
General FictionHanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig. Handa kabang maging pangalawa at makihati para sa taong iyong minamahal. Higit sa lahat handa kabang matuto para maging pinakamagaling na kabit.