Alex POV
Ako ang nakatoka ngayon kay reign na magbantay sa ospital kaya maaga akong gumising at umalis dahil baka kailangan na ring umuwi ni Joaquin marahil ay hinahanap na ito ng asawa niya
Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari hindi pa kami nagkaayos bago nangyari ang aksidente na ito kaya lalong mabigat ang loob ko pero naisip ko na tama si hans hindi na dapat kami magsisihan dapat ang gawin namin ay magpakatatag para kay reign
Pagdating ko sa kwarto ni reign nakita ko na kagigising lamang ni joaquin doon siya sa sofa natulog naeextend naman kasi ito at nagagawang malaking kama noong makita ko iyon ay nainggit ako kay reign don't get me wrong hindi ito yung inggit na gusto ko mapunta yung sa kaniya sa akin naiiggit ako na sana katulad niya ako ganun lang kasi nakikita ko na mahal talaga siya ni joaquin dahil hindi ito magtitiis ng ganito kung hindi niya ito mahal pero sa maling panahon at oras nga lamang sila nagmahalan dahil nakatali na si joaquin kaya sayang ang pagmamahalana nila
"Joaaquin sige na magpahinga kana ako ng bahala rito mamaya naman ay nandito na rin sila hans at mukhang hindi ka naman nakatulog ng maayos" sabi ko rito
"Sige uuwi na muna ako pero bago iyon ay lilinisan ko muna si reign nagpabili ako sa driver ko kagabi ng damit na maaari niyang isuot ngayon" sabi nito tumango na lamang ako bilang sagot
"Ang alam ko ay dadaan muna sila hans sa condo ni reign upang kumuha ng ibang damit niya" sabi kong muli rito at baka kumuha rin siya ng damit sa condo nito magkadoble doble pa
Hindi na siya sumagot pa at nilinisan na niya si reign nakaupo lamang ako rito sa sofa at pinapanuod sila wala naman kasing akong magawa ayoko naman manuod ng tv at baka maburyo lang ako sa mga news sa tv ngayon
"Alam mo ba matagal ko ng sinasabi sa kaniya na bumili na siya ng sarili niyang bahay kahit doon sa tabi ng bahay ni hans pero ayaw niya sabi niya ay magisa lang naman daw siya kaya ok na raw siya doon" biglang kwento ni joaquin sa akin siguro ay para mabasag ang katahimikan
"Alam mo naman yang si reign kuripot atsaka ayaw ng masyadong magastos" biro ko rito
"Sinasabi na nga namin na umuwi na lamang siya sa kanila dahil magisa nga lang siya sa condo pero ayaw daw niya dahil daw...." dagdag ko pa pero agad na pinutol ni joaquin
"Dahil sa akin sigurado kasing pag umuwi siya ay hindi na kami makakapagkita dahil nandoon ang kuya niya at magagalit ito sa aming pareho sa pinaggagawa namin" sabi niya at hindi na lamang ako kumibo dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko
Pagkatapos na linisan ni Joaquin si Reign ay nagpaalam na itong uuwi dahil kanina pa raw nagtetext ang asawa niya nagiwan naman siya ng pera pambili raw kung maykailangan dito sa ospital pagbukas ko ng sobre ay nagulat ako dahil 100,000 sinabi ko nga sa kaniya na wag na at parang napakalaki naman ng pera na ito sabi niya pera raw nila ni reign iyon dahil nagiipon daw siya para kay reign kaya wala ng akong nagawa kung hindi kunin ito mukhang hindi rin naman papayag si Joaquin na hindi ko ito kunin.
Mga ilang oras din akong nanood ng tv at ibinalita na rin ang aksidenteng nangyari kay reign at isang oras pa lamang ang nakakalipas noong ibinalita ito ay daang daang fruit basket na ang kanina pa dumadating dito
" Reign " tawag ko sa kaniya sabay upo sa tabi niya
" Sorry ahh kung lagi akong pasaway at lagi na lamang tayong nagaaway" kausap ko sa kaniya kahit alam kong hindi siya sasagot
" Alam kung minsan gusto mo na akong sukuan at nakakapagsabi ka ng masasakit na salita inaaamin ko nasasaktan ako madalas sa mga sinasabi mo dahil pakiramdam ko ay lagi na lamang akong mali at ikaw na inaasahan kong kakampi ko ay hindi ako kinakampihan pero alam ko namang kaya mo iyong ginagawa ay dahil gusto mong iparealize sa akin ang mga mali ko " pagpapatuloy ko alam kong kung gising siya ay binatukan na ako ni reign dahil sa mga pinagsasabi ko
Sasabihin nito na "matagal ko naman ng sinasabi sa iyo lahat ng iyan pero hindi ka nakikinig tingnan mo kung ano nangyari sa iyo nagkabula ba ang sinabi ko" natawa ako ng bahagya ng maimagine ang boses ni reign habang sinasabi ang mga salitang iyon para na akong tanga rito
Habang patuloy sa pagkausap at pagiyak sa tabi ni reign ay may kumatok sa pinto baka isa nanaman ito sa mga delivery ng prutas pero pagbukas ko ay si hans at chris pala kaya agad akong tumalikod para hindi nila mahalata ang pagiyak ko
"Umiiyak kaba alex " tanong sa akin ni hans pagpasok
"Hindi napuwing lang ako nga pala anong gagawi natin sa mga prutas na ito ang dami na" pagiiba ko sa usapan sabay turo sa mga basket ng prutas
"Yung iba siguro ay itabi natin para paggising ni reign ay may kakain siyang prutas yung iba ay ipadala natin sa ampunan na sinusuportahan ni reign" sabi ni hans
"Sige ipapakuha ko na lamang ito sa driver niya at ipapaayos ko samahan mo nga ako chris sa baba para matawagan ko ito wala kasing signal dito" aya ko kay chris
Pagbaba namin a dumiretso kami sa garden doon kasi malakas ang signal at maganda ang view doon
"Grabe pala no ang dami palang nakakakilala kay reign" sabi ni chris pagkaupo namin
"Kilala talaga ang pamilya ni reign hindi pa man siya designer ay marami ng nakakakilala sa kaniya kilala siyang bilang paboritong apo ng yumaong Don Lorenzo Buencamino kahit alam nila ang gender identity ni Reign ay mahal na mahal nila ito kaya siguradong kung buhay ang Don Lorenzo at nangyari ito siguradong nasa ibang bansa na si reign ngayon dahil doon ipapagamot ito" kwento ko
"Paano nga pala kayo nagkakilala ni reign" tanong sa akin
"Magkaibigan na sila ni hans noong nagkakilala kami sa isang party yun ng isang senador bagong mistress pa lamang ako ni kenneth noon at sila naman ni joaquin ay magiisang taon palang si hans naman ay hindi pa nakikilala si vince noon" sagot ko sa tanong niya
Sa tanong niya na iyon ay napakadaming bumalik na ala-ala sa akin lao na yung kung paano kami nagkatagpong tatlo natulala na lamang ako at isinalaysay kay chris ang detalyadong kwento kung paano kami nagkakilakilala
*_*
Vote|Comment
BINABASA MO ANG
The Mistresses Code ( bxb)
Ficțiune generalăHanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig. Handa kabang maging pangalawa at makihati para sa taong iyong minamahal. Higit sa lahat handa kabang matuto para maging pinakamagaling na kabit.