Alex POV
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaiisip sa kawalangyaan na ginawa ni kenneth sa akin alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan magrant dahil yung tunay na asawa ng tahimik tapos ako putak ng putak pero fu*k masisi mo ba ako para niyang nilalaro yung isa pang laro ganun yung pakiramdam ko
Kaya ngayon ko itutuloy yung balak ko na sugudin siya roon sa bahay nila mahuli na kung mahuhuli ng asawa niya pero wala akong pakialam bahala siya
Nagintay lang ako ng mga tanhali bago pumunta sa kanila dahil sigurado ako na nandoon yun ng tanghali dahil lunch time at may posibilidad na wala rin ang asawa niya sapagkat alanganing araw ngayon lunes
Kalahating minuto lamang ang binyahe ko bago ako nakarating sa bahay nila dahil malapit lang naman ito sa condo ko kaya pagkarating ko ay dali dali ako bumaba at kumatok sa gate nila malaki rin kasi ang bahay ng hayop
"Kenneth hayop ka lumabas ka diyan" sigaw ko kaya agad akong nilapitan ng guard
"Sir wala po si Senator Kenneth dito" sabi niya
"Hindi ako naniniwala ilabas mo yung hayop mong aamo... Kenneth lumabas ka diyan" sigaw ko pa rin at kalampag sa gate nila
" Sir wala nga po si Senator Kenneth maniwala po kayo" paguulit ng guard
"Hindi nga ako naniniwala hayop siya lumabas ka diyan" pagwawala ko bibitbitin na sana ako ng guard palayo pero pinigil isya ng asawa ni kenneth
"Bitiwan mo siya Ben ako ng bahala sa kaniya iwan mo na kami" sabi nito
"Totoo ang sabi ni ben wala rito si kenneth nasa senado pa siya pumasok ka muna" dagdag pa nito pagalis ng guard
Pagpasok namin ay nakita ko ang malaking painting ng magasawang gatmaitan kasama ang dalawa nilang anak
"Alam ko na kilala mo naman na ako pero magpapakilala pa rin ako ako nga pala si Celine... Mrs Celine Gatmaitan asawa legal na asawa ni Senator Kenneth" sabi nito pagkaraan ay inaya ako sa sala
"Alam ko rin kung bakit ka nandito dahil nalaman mo na may bagong kabit si kenneth hindi ba nakita mo siya sa mall" sabi nito na ikinagulat ko dahil paano niya nalaman ang lahat
"Wag ka ng magtaka alam ko lahat actually alam ko rin na may nangyari sa inyo sa paborito niyang restaurant noong kumain kami kasabwat mo pa nga yung chris hindi ba yung food vlogger" dagdag pa niya
"Hindi na bago ito kay kenneth simula nung naging magasawa kami six years ago nambabae na siya boyfriend ko pa nga lang ata siya nambabae na ata iyon at hindi na rin ako nagulat na lalaki ka dahil hindi naman ikaw ang una" dagdag pa nito
"Pero bakit nakakayanan mo?" di ko maiwasang tanong
"Dahil mahal ko siya dahil sa pamilya ko ayaw ko kasi na lumaki ang mga bata na may broken family gusto ko na hanggang mag-asawa sila ay buo ang pamilya nila hanggat dito umuuwi si kenneth at hanggang ako ang inuuwian niyang asawa kakayanin ko at hindi ako magrereklamo" sagot niya
"Hin|di kaba nasasaktan" tanong ko ulit sa kaniya
"Nasasaktan syempre gabi gabi kong tinatanong sa sarili ko ano bang kulang sa akin para gawin niya ito sa akin pero naiisip ko rin na siguro nature na niya talaga iyon at kailangan kong tanggapin iyon dahil nangako ako sa Panginoon na mamahalin ko siya habang buhay" sagot ulit niya
Mararamdaman mo sa bawat sagot niya na napakatibay niyang babae dahil kahit na nasasaktan ay kinakaya niya ang lahat para sa pagmamahal niya at sa pamilya niya
Pagkatapos namin magusap ay agad akong umalis at umuwi sa bahay noong una ang balak ko sana pagkasugod ko sa bahay ni kenneth ay magbabar ako pero kinatamaran ako na nais ko lamang magisa ngayong gabi habang nakahiga rito sa kama ko ay tumunog ang phone ko ng tingnan ko ito ay nagtext si kenneth at nakikipagkita pero hindi ko ito sinagot patuloy lamang ang pagtunog nito hanggang sa tumawag na siya pero hindi ko pa rin sinasagot
Nagiisip ako binabalikan ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko kung bakit nga ba ako humantong sa ganitong buhay siguro kailangan ko lamang ituon ang sarili ko sa ibang bagay sakto at pinapasamahan ni reign si chris sa mga susunod na araw dahil aalis siya malilibang ako
*_*
Short update :)
Vote|Comment
BINABASA MO ANG
The Mistresses Code ( bxb)
General FictionHanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig. Handa kabang maging pangalawa at makihati para sa taong iyong minamahal. Higit sa lahat handa kabang matuto para maging pinakamagaling na kabit.