Chapter 31

2.5K 86 4
                                    

Reign POV

"Joaquin.... Joaquin...." mahinang sabi ko sa paos at tuyong lalamunan

Dahan Dahan kong idinilat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay napakabigat nito para akong natulog ng napakatagal ang bumungad sa akin ay isang puting kisame

Inilibot ko ang aking mga mata nakita ko na nasa opsital pala ako ang tangi ko lamang natatandaan ay ibinangga ko ang sasakyan ko sa pader para hindi ko masagasaan ang tricycle. Pinilit kong tumayo dahil wala akong kasama sa loob ng kwarto siguro ay nasa labas sila at sigurado akong sila hans, chris, at alex ang nagbantay sa akin kailangan ko silang tanungin kung ilag araw na ba ako  rito.

Pababa na sana ako sa aking kama noong mapansin ko na may puting sobre na nakaipit sa aking unan kaya agad ko itong kinuha at base sa initial na nasa sobre ay kay joaquin ito galing pero laking pagtataka noong nakita ko na bukas na ito pero baka rin naman hindi talaga isinara ni joaquin

Pagkakuha ng sulat ay agad ko itong binuksan pero bago ko basahin ay inamoy ko muna ang papel dahil napakabango nito

Mahal kong Reign,

Hon hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan ang sulat na ito dahil hindi naman ako yung klase ng tao na mahilig sa ganitong sulat sulat pero eto lang yung nakita kong paraan para aminin ko sa iyo ang lahat dahil natatakot akong makita ang reaksyon mo pagnakita mo ito

Alam ko na by the time na mabasa mo ang sulat na ito ay gising kana mula sa aksidente na nangyari sayo sorry kasi dahil sa akin ay naaksidente ka at napahamak sabi ko pa naman ay poprotektahan kita dahil ikaw lang ang kaisaisang tao na minahal ko 

Tama ka ng basa hon ikaw lang at wala ng iba pa noong una pa lamang kitang nakita noong inaya ako ng kuya mo sa inyo ay nakuha mo na agad ang atensyon ko hanggang sa paguwi ay hindi ko makalimutan ang mukha mong tumatawa at nakangiti hindi nga lang ata atensyon ko ang nakuha mo pati ata ang puso ko

Nagdaan ang mga araw ay naisip ko na ligawan ka pero pesteng pagkakataon nga naman dahil nalaman ko na may plano pala ang mga magulang ko na ipakasal ako sa anak ng isang senador para makatulong sa pagtakbo ko alam mo na noong sinabi sa akin yun ay ikaw agad ang naisip ko dahil paano ka magiging akin kung maitatali na ako

Nagpakasal ako ng labag sa akin kalooban nakita ko pa nga kita noon sa kasal ko dahil bestman ko ang kuya mo that time gusto kitang hilahin at itanan na pero hindi ko magawa dahil siguradong masusuntok ako ni daddy at ng kuya mo 

Kaya noong muli tayong nagkita laking pasalamat ko noon at kahit labag sa loob ko na gawin kitang mistress dahil hindi mo deserve yun ginawa ko dahil hanggang noon at ngayon ikaw pa rin ang mahal ko sinubukan ko namang mahalin si divine pero wala eh sayo talaga tinamaan

Alam ng parents ko ang tungkol sa atin dahil bago isulat ang letter na ito at noong naaksidente ka narealize ko na ikaw talaga ang mahal ko at dapat ipaglaban kita kaya umamin ako sa kanila nagalit sila pero sa huli ay tinaggap din nila ang lahat  dahil sabi ko ay magpapakamatay ako alam ko nakakunot na ang noo mo habang binabasa mo ito wag kana magalit hon 

Isa pa alam mo ba rin ba kung bakit hanggang ngayon wala pa kaming anak dahil desisyon ko iyon kahit na minsan ay nagbibigay ng motibo si divine ay hindi ko pinapatulan dahil gusto ko na ikaw lang ang kasama kong bumuo ng pamilya na ikaw ang magdala ng mga magiging anak ko hahaha kidding aside hon wala na akong ibang minahal sa buhay ko kung hindi ikaw lamang at wala na akong papangarapin pa na makasama sa habang buhay kung hindi ikaw lang

Mahal na mahal kita reign at hindi ako magsasawang sabihin iyon

Ang iyong gwapong boyfriend Joaquin :)

The Mistresses Code ( bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon