Chris POV
Nandito kami ngayon sa byahe papuntang airport ihahatid kasi namin si Alex kasama rin namin ang mga boyfriend namin malay ko ba sa mga ito bakit ayaw paiwan
Si Alex ay nakaupo sa tabi ng driver sa likod naman nila ay si Reign At Joaquin katabi sina Hans at Aaron. Kami naman ni Carlos ay sa likod
van nila Reign ang sinasakyan namin ngayonIlang oras din ang naging byahe bago kami nakarating sa airport alam nyo naman dito sa pilipinas traffic
Habang papasok sa airport ay biglang nagflashback sa akin ang lahat ng pangyayari sa buhay ko rito sa maynila rito rin iyon nagsimula sa airport na ito noong sinundo ako ni reign at nakilala ko sila and the rest is history
Hindi naging madali para sa akin ang lahat noong una dahil hindi madaling maging isang kabit lalo na ng kilalang tao pero nakayanan ko iyon sa tulong ng aking mga kaibigan at sa huli natagpuan namin ang taong talagang magmamahal sa amin ng buong buo at marami rin akong natutunan hindi lamang sa mga pinagdaan ko sa buhay pati na rin sa mga pinagdaan ng mga kaibigan ko ay marami rin
Kay Reign na pinatunayan na kailangan mo lamang talaga na maghintay ng tamang panahon at kung para talaga sa iyo ay para sa iyo kahit gaano pa katagal magiging sa iyo rin sa huli basta kailangan mo lamang maghintay
Kay Hans na ipinarealize sa atin na minsan akala natin yung pagibig na meron tayo iyon na iyon wala na tayong magagawa kung hindi tanggapin na lamang pero hindi natin alam na may mas makilala tayo na better at hindi tayo sasaktan
Kay alex na ipinadama sa atin na minsan talaga ay bubulagin tayo ng pagmamahal na hahamakin natin ang lahat para rito na akala natin na ang pagmamahal ay makikita lamang sa anyo na may partner ka pero ang pagmamahal din pala ay makikita sa mga taong nakapaligid sa atin
At syempre sa kwento ko na itinuro sa atin na minsan may mga taong dadaan sa buhay mo para turuan ka na maging matatag at malakas pero hindi pa pala sila ang para sa iyo kung baga ginamit lamang sila para ihanda ka sa taong para sa iyo talaga para magnakita mo na ang nakatadhana sa iyo handa kana at buo kana para rito
"Magiingat ka roon yung mga bilin namin sa iyo wag mo kakalimutan " iyak na sabi ni Hans na nagpabalik ng wisyo ko galing sa pagiisip inaalo naman siya ni Aaron
"Dadalawin ka na lamang namin doon hindi ko pa alam kung kelan basta magugulat ka na lamang kakatok kami sa iyong pintuan " sabi naman ni Reign
"Pero wag kayo magsasama ng boyfriend ahh para naman malaya tayo " sabi ni alex sabay tawa tinignan naman ng masama ni Joaquin si reign at iniintay kung ano ang isasagot nito
"Sure no problem " sagot ni reign na nakapagpasimangot kay joaquin
"Hon naman alam mo naman na di ako nakakatulog pagwala ka sa tabi ko" tampong sabi ni Joaquin kay Reign pero nakatanggap lamang ito ng irap kay Reign kaya natawa kaming lahat
"Hay naku aalis na nga ako at baka langgamin pa ako sa kasweetan ninyo bye see you soon mga kapatid " paalam ni alex at pumasok na siya sa loob ng airport
Hindi kami umalis hanggat nakikita namin ang huling hibla ng buhok niya mamimiss namin siya sobra
Ng makita namin na nakapasok na siya ng tuluyan ay lumakad na rin kami palabas
"Reign hindi na kami sasabay sa inyo nandiyan na rin ang sasakyan ni Aaron pupunta kasi kami ng baguio anniversary ng parents niya doon na kami didiretso" paalam ni Hans tumango lamang si reign bilang sagot kanina ko pa napapansin na parang masama ang pakiramdam ni reign siguro ay dinaramdam din niya ang pagalis ni alex
"Kami rin ni chris hindi na kami sasabay ipinadala ko na rin ang sasakyan ko" sabi nitong katabi ko tapos naalala ko na ngayon nga pala ang punta namin sa Cebu dahil may aayusin siya sa isa sa mga negosyo niya roon at gusto niya ay kasama niya ako tumango lang ulit si reign bilang tugon
Mga ilang sandali pa bago kami makalabas ng airport nagulat kami ng biglang nagtatakbo si reign papuntang cr kaya agad namin siyang sinundan ni Hans sumunod rin naman sa amin yung tatlo
Pagpasok ay nakita namin na nakasubsob si reign sa sink at suka ng suka kaya agad namin siyang inalalayan ni Hans
"What happen reign masama ba ang pakiramdam mo tell us anong nararamdaman mo" alalang tanong ni Hans
"I'm pregnant " sabi nito na ikinabigla namin lahat
"What hon ? " Gulat na tanong ni Joaquin so I assume hindi pa niya alam
"Buntis ako" ulit pa nito
"Kelan at saka paano" tanong ko
"Nagpacheck up ako kahapon after natin magbonding kala hans dahil mabigat ang pakiramdam ko and the doctor said I'm pregnant meron daw akong kondisyon na kayang magdala ng bata even though lalaki ako" paliwanag ni reign
"God magiging daddy na ako" sigaw ni Joaquin sabay yakap kay Reign at ang kaninang malamyang mukha ni reign ay medyo sumigla na ng kaunti ngayon
"Congrats sa inyong dalawa" bati namin sa kanila magiging isang buong pamilya na sila
"My gosh magiging ninang na ako" sabi naman ni Hans
Inalalayan naman ni Joaquin ang asawa niya palabas ng cr at lumakad na kaming muli na nakangiti lahat
What a blessing 😇😀
Code #5 : Magintay ka lang darating din ang lahat ng para sa iyo
WAKAS.....
BINABASA MO ANG
The Mistresses Code ( bxb)
General FictionHanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig. Handa kabang maging pangalawa at makihati para sa taong iyong minamahal. Higit sa lahat handa kabang matuto para maging pinakamagaling na kabit.