Chapter 18

2.7K 91 1
                                    

Our handsome and cute Senator Joaquin 😍😍

Reign POV

Nandito pa rin kami sa mall at hindi pa umuuwi nagpapalipas lang din ako ng oras dahil hindi na ako uuwi at ididretso na ako sa dinner date namin ni Joaquin

"Mga friend alam niyo ba parang nakita ko si kenneth kanina" sabi ko sa dalawa na nanunuod ng kung anu-ano sa phone nila

"oh ehh bakit hindi mo sinabi kay alex kanina pero sabagay ok na rin yun kasi knowing alex pagnakita niya si senator magwawala iyon at gagawa ng gulo" sagot naman ni hans

"Bakit ganun ba kawar freak si alex" tanong ni hans

"eto one time noong hindi pa si senator ang partner ni alex at ang boyfriend niya ay talagang single alam mo ba na sinugod namin yun sa mall dahil lang nakita niya sa social media na may nagpicture na may kasamang iba edi kami naman itong supportive friends sinamahan namin kahit hindi naman alam kung bakit ba naman sisigurin yu lalaki dahil ipinaliwanag niya sa amin noong nakasugod na kami at napahiya ikaw na magdugtong ng kwento reign bilis bilis" kwento nito dahil abalang abala ito sa ginagawa sa phone niya

"edi ayon na nga sinugod namin yung guys sa mall nakita namin siya sa isang cafe talagang walang preno si alex noon at talagang pumasok kami sa cafe ng walang sabi sabi at sinabunutan niya yung girl at dahil patago lang ang relasyon nila noon kahit single yung lalaki pagkatapos nalaman laman namin na kapatid pala iyon noong guy and then boom nabalitaan na lang namin na hiwalay na sila kinabukasan" dugtong ko sa kwento ni hans

"Inshort hindi siya nagiisip ng mabuti bago siya kumilos masyado siyang affected sa mga bagay bagay sa paligid niya pero kahit ganun naman iyon eh mahal na mahal namin iyon at ayaw namin siya nakikita na nasasaktan kaya in the end kahit na mali siya minsan ehh taguyod pa rin ang pagsupport namin" sabi naman ni hans na nagpatango kay chris

Actually totoo naman yung sinabi ni hans nayoon na kashit na minsan kontra kami sa mga ginagawa ni alex ay sa huli nasa likod pa rin niya kami at nakaalalay dahil kami na lamang ang kaibigan ni alex at mahal na mahal namin yun at iyon naman talaga ang isa sa mga essence ng pagiging kaibigan diba yung magsasabi sayo kung kelan ka dapat tumigil kasi mali na pero may katigasan din kasi ang ulo ni alex at talagang naman hindi ito nakikinig ng madalas

"pero kasi parang nakita ko na may kasama itong babae at siguradon akong hindi ito yung asawa niya" sabi ko sa kanila na nagpababa sa mga phone nila

"ano ibig sabihin may bago si senator" sabi ni chris

"Shit hindi ito pwedeng malaman ni alex dahil siguradong malaking gulo ito" sabi naman ni hans

"kaya dapat nating ihanda si alex sa mga possibleng mangyari dahil siguradong masasaktan siya at kikilos nanaman iyon ng hindi nagiisip" payo ko sa kanilang dalawa 

Kaya nagplano ko kami kung paano sasabihin kay alex ang lahat at paano siya papayuhan sa mga dapat niyang gawin inabot din siguro kami ng mga dalawang oras bago namin napagdesisyunan na umuwi pero ako ay dumeresto na sa restaurant na tinext ni Joaquin sa akin 

"Good evening po sir" bati sa akin ng waiter pagpasok ko sa restaurant

"Good evening din reservation for Senator Joaquin Demetrio" sagot ko naman dito

"Ahh Mr. Hans Saavedra po... Dito po tayo kanina pa po kayo inaantay ni Senator" sabi naman noong waiter sabay guide sa akin actually gwapo yung waiter pwede na hahahha

Habang naglalakad ay napaisip nga ako dahil usually hindi naman ako dinadala ni Joaquin dito sa favorite restaurant niya dahil madalas sila dito ng asawa niya pero well siguro sinabi niya na may kameeting lang siya at ako iyon

"Thank you" pasalamat ko roon sa waiter sabay ngiti

"Makangiti ka naman doon sa waiter akala mo naman ang laki ng naiambag niya sa buhay mo" salubong sa akin ni Joaquin

"Nagpasalamat lang ako kasi hinatid ako noong waiter atsaka may nagpasalamat ba na nakasimangot" tanong ko rito sabay beso sa kanya

"Beso? Boyfriend moko Reign hindi mo ako kaibigan" reklamo niya anong gusto niyang gawin ko ifrench kiss ko siya rito ng makita kami ng buong bayan

"Anong gusto mo ang daming tao sa labas oh" sabi ko sa kaniya kasi kung ako lang ang tatanungin kahit na magsex pa kami rito ok lang kung kami lang ang tao pero for the record ang daming tao sa labas nandito lang kami sa parang room pero clear yung harap

Nagulat ako noong pumunta siya roon sa may parang pinto at ibinaba niya lahat ng blinds atsaka lumapit sa akin

"oh ayan ok na wala ng makakakita" sabi nito kaya naman ginawa ko na lamang ang gusto niya at hinalikan siya sa labi pero mabilis lang

" I miss you I really do" sabi niya sabay hapit sa akin para hindi ako makalayo

"I miss you too pero teka ang sweet mo ata ngayon tell me what do you need ang dress for your wife or mother kelan ko kailangan para naman magawa ko na" pangaasar ko rito

" Nakakatampo ka naman minsan na nga lang tayo magkita tapos ganyan ka pa parang hindi mo na ako mahal ehh" sabi niya na parang bata sabay upo sa upuan niya

"SENATOR JOAQUIN DEMETRIO UMAYOS KA NGA"sabi ko rito sabay tawa paano para siyang batang inagawan ng laruan sa pagmumukha niya ngayon

"Ewan ko sayo hon bahala ka nga may gusto ka bang kainin na pagkain tell me para maipaluto ko" sabi niya

"Kahit ano ikaw ng mamili diba favorite restaurant mo ito so alam mo kung ano ang masarap dito kaya ikaw na ang umorder" sabi ko sa kaniya

"Sige masuusnod mahal na reyna siguraduhin mo lang na kakain ka ng marami tingnan mo nga iyang katawan mo baka sabihin ng mga tao hindi ka pinapakain ng boyfriend mo" sabi niya

"Excuse me mister senator for your information alam ng mga tao ay single ako kaya wag kang ano" pangaasar ko sa kaniya sabay dila

"Blahh blahhh what ever" pangaasar din niya sabay alis para tawagin yung waiter at umorder

Habang kumakain ay nagkwentuhan lamang kami at nagtawanan na parang tunay na magboyfriend at hindi yung sabit lang minsan nga napapaisip ako mahal kaya talaga ako ni Joaquin o sadyang di lang siya kuntento sa asawa niya kaya pinakikisamahan niya ako pero kahit ano roon bahala na hindi ngayon ang oras at lugar para isipin iyon masisira lamang ang gabi ko

Pagkatapos namin kumain ay nagvolunteer si Joaquin na siya ang maghahtid sa akin at paunahin ko na raw ang driver ko dahil kasama ko ang driver ko mula sa mall kanina hanggang dito nakakapanibago talaga si bugok ngayon ano kaya nakain nito

Mga ilang minuto rin ang itinagal ng biyahe oras pa nga ata dahil medyo malayo din ang bahay ko sa restaurant na kinainan namin

"I have a great night Joaquin salamat" sabi ko sa kaniya bago ako bumaba

"Parang may nakakalimutan ka" sabi niya sabay nguso at lama ko na kung anong hinihingi niya

"Ano ba joaquin parang ang harot mo ata ngayon ganyan ba ang senator na ibinoto ng taong bayan" harot ko rito 

"Bahala ka nga ayaw na lang sabihin kung ayaw niya may pataotaong bayan pang nalalaman siguro may iba kana hano tell me sino yung lalaki" tanong nito sa seryosong tono kaya naman agad akong lumapit rito para bigyan ito ng halik sa labi at baka topakin pa ito mabalitaan ko na lang sa tv na badtrip to sa senate meeting bukas

"eto naman binibiro lang ehh sige na at baka hinahanap ka na ng asawa mo" sabay baba ng sasakyan at kaway dito hindi muna ako pumasok habang hindi nakakalayo ang sasakyan niya dahil alam kong nakatingin pa rin yan hanggang nagyon at pag pumasok ako agad magtetext nanam yan mamaya na excited ako pumasok at may kikitain ako sa loob

Hay naku Joaquin kung ganyan ka ng ganyan hindi ko alam kung kakayanin ko yung araw na kailangan natin maghiwalay dahil alam na ng buong mundo ang namamagitan sa atin pero alam ko naman ang limitasyon ko kaya kailangan kong kayanin

CODE 4: BILANG ISANG MISTRESS DAPAT ALAM MONG HINDI PERMANENTE ANG LAHAT

*_*

Vote|Comment 

The Mistresses Code ( bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon