Chapter 22

2.5K 91 2
                                    

Chris Palma 😗😇

Chris POV

Maaga ko nagising ngayon dahil ngayon ang anniversary ni Howard at ng asawa niya at pupunta kami ni alex doon alam kong malaking sampal itong gagawin ko pero hindi ko alam siguro ganito talaga pagmahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat kahit masakit

Hindi na namin sinabi kay Hans na pupunta kami dahil siguradong pipigilan nya lang kami at magsasabi iyon kay Reign

8 am daw ang start ng party kaya gumagayak na kami ni alex gising na rin kasi siya hindi ko ng alam kung anong oras na natulog yung isa na yun iniwan ko na kasi siya kagabi na umiinom hindi pa rin kasi siya nagkwekwento tungkol sa mga nangyari sa kaniya nahihiya rin naman akong magtanong at mangamusta kaya hinayaan ko na lang siya

"Tara na Chris" aya sa akin ni Alex napakabilis naman kasing gumayak nito nagsasapatos pa ako

"Wait lang eto na" sabi ko pagkatapos ay nagsapatos na ako ng mabilis at tumakbo patungo sa kanya

Paglabas namin ay napakainit ng panahon kaya medyo pinawisan ako nakaformal pa naman kami eto kasi yung motif ng party

"Hindi tayo magpapakita kay Howard ha titingnan mo lamang siya" bilin sa akin ni Alex para hindi kami mapahuli at pagalitan ni Reign

"Oo titingnan ko lamang siya" sabi ko

Malapit lang ang hotel na paggagagnapan ng party dito sa condo ko kaya mabilis lang din kaming nakarating

"Ang daming tao alex hano" sabi ko rito habang iniikot ang mata ko sa venue ng party magarbo ito at ang daming bulaklak halatang mayaman at makapangyarihan ang naghost ng party

"Syempre alam mo naman si Senator Dela Merced hindi papakabog iyon" sabi niya mukhang kasi napasopistikada ni Senator Dela Merced hindi ko nga maimagine ang magiging reaction niya pagnakilala niya ako bilang kabit ni Howard

Mga ilang minuto pa ay nagsimula na rin ang party at lumabas na rin ang magasawang Dela Merced talaga namang napakagwapo ni Howard sa damit niya ganun din naman ang kanyang asawa napakaganda nito

Nandito lamang kami sa diko na kaupo para hindi kami mapansin ni Howard pero sila ay nakikita pa rin namin

Ilang oras din ang itinagal ng program bago sila nagpakain at lumapit sa mga bisita

"Tara na Chris lumalapit na sila sa mga bisita baka makita tayo ni Howard " sabi ni alex sa akin pero hindi ko siya pinansin dahil sobrang tutok na tutok ang mata ko kay Howard

Nagulat ako ng biglang tumingin siya rito sa gawi namin at nakita niya kami kaya agad akong tumayo dahil mukhang lalapit siya rito

"Tara na alex mukhang nakita tayo ni Howard papalapit siya rito tara na" aya ko kay alex

Dali dali naman tumayo ito at mabilis kaming lumabas dahil baka abutan kami nito

"Muntik na tayo roon Chris halika na at umuwi na tayo baka lumabas pa rito si howard at habulin tayo" sabi ni alex kaya umuwi na agad kami

Pagakyat namin ay agad na naupo kami sa sala dahil nakakapagod ang ginawa naming pagtakas pero habang nagpapahinga ay biglang may kumatok ng malakas sa pintuan kaya agad akong lumapit dito pero medyo kinakabahan ako kasi baka mamaya si howard ito dahil medyo pagalit ang pagkatok

Nanginginig kong hinawakan ang door knob upang buksan ang pinto paghawak ko dahan dahan ko itong binuksan at laking gulat ko ng si reign ang nasa harap ng pintuan

Noong nakita niya ako ay tinabig niya ang pinto upang nakapasok at galit na galit na kinausap kami ni alex

"Oh reign napaaga ata uwi ninyo" salubong ni alex sa kaniya na todo ngiti pa pero ako natatakot na

"Hindi ba kayo nagiisip bakit kayo nagpunta sa party ni Howard paano kung makita kayo ni Senator Beatrice edi sira ng lahat lahat" galit na galit na sigaw nito na halos lumabas na lahat ng ugat nito sa leeg

"Ano bang pinagsasabi sabi mo" maangmaangan ni alex

"Nakita kayo ni Howard noong party kaya agad niyang tinawagan si joaquiny tungkol dito agad na nagaya si Joaquin dahil baka raw pati siya ay madamay sa mga katangahan ginagawa ninyo" kwento niya nakonsensiya naman ako dahil sa kagagawan namin ay nasira ang bakasyon nila

"Ikaw Chris diba ilang beses ko naman na sinabi sa iyo na magintay ka lamang at makikipagkita sayo si howard pero hindi ko alam kung hindi mo lang ba mapigilan yang kati mo kaya lagi kang nagsusumiksik" duro nito sa akin

Bigla na lamang nagsitulo ang mga luha sa aking mata siguro ay nabigla ako sa sinabi ni Reign at the same time ay sobra pa lang sakit pagisinampal sayo ang katotohanan
Nakita ko na nagulat si Alex at para hindi na lumaki ang gulo ay agad akong pumasok sa kwarto

Pagpasok ko ay wala pa rin tigil ang gulo ng luha ko agad akong nahiga sa kama at umiyak ng umiyak kaya narinig ko na nagsisigawan sa labas sina alex at reign habang umiiyak ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Alex POV

Nagulat ako sa sinabi ni Reign kay Chris alam ko na galit siya dahil nagambala ang bakasyon nila at mukhang nagaway pa sila pero hindi naman niya dapat sinabi iyon kay Chris

"Ano kaba reign bakit mo iyon sinabi sa kanya" sigaw ko sa kanya

"Bakit tama lang iyon para magising siya dahil sobra na siya ginagatungan mo pa" galit na sigaw din nito

"At akala mo ba hindi ko rin alam ang nagyari sa iyo alam ko iyon kaya wag mo kami idamay sa pagkamisrable mo" sabi niya medyo nagulat ako na alam niya ang tungkol sa nangyari sa akin pero sobra na talaga itong si reign

"Miserable oo miserable ako pero atleast ako totoo ako sa sarili ko pero ikaw akala mo ikaw pa rin ang pinakamagaling na kabit sa lahat" sabi ko

"Bakit hindi ba ako naman talaga bakit?? Kasi it works ako lang ang nagtagal sa partner ko for a long time Hindi ba magaling ang tawag doon"

Pagkatapos sabihin yun ni Reign ay umalis na siya at di ko namalayan na tumulo na lamang ang luha ko hindi ako umiiyak dahil nasasaktan ako umiiyak ako dahil naiingit ako kay Reign dahil totoo naman yung sinabi niya na siya lang ang may pinakamatagal na partner

Pagkatapos kung tumigil sa pagiyak ay inayos ko ang gamit sa guest room ni Chris at umalis na ako pauwi sa condo ko hindi na ako nagpaalam kay Chris dahil alam kong hindi rin naman siya sasagot nagiwan na lang ako ng note sa kwarto na umuwi na ako para hindi siya magalala

Hindi ko alam kung hanggang saan magtatagal ang pagtatalo namin na ito pero isa lamang ang alam mahal ko sila bilang kaibigan ko at hindi magbabago yun

*_*

Vote|Comment

The Mistresses Code ( bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon