CHAPTER 8

23 2 1
                                    

Katelyn's POV

Lahat ng ito gusto ko.Balang araw magagawa at magagawa ko rin ang mga ganitong bagay

Nakatingin ako ngayon sa mga gamit ni ate daiane.Grabe wala akong masabi,nakakapunta na sya ng ibang bansa para lang mameet yung idol nya

Nakakainggit lang hehe

Pero alam kong magagawa ko rin yung mga ganitong bagay ,magkaroon ng napakaraming collection ng lightstick,magkaroon ng pagkakataon na mameet yung iniidolo ko at balang araw magkakaroon din ako ng maraming collection katulad sa kanya tulad ng mga albums at merch.

Not now,but soon

Parang ayoko na tuloy umuwi gusto ko nang tumira dito!

"Tara iuuwi na kita"yaya sa akin ni ate daiane.papunta na sana kami sa kotse nya ng may tumawag sa kanya"ganun ba?...sige papunta na ako"sabi nya at humarap saakindoon ka nalang sa pinsan ko sumakay"at saka tinawag yung pinsan kuno nya daw

Nung una ay nagulat pa sya ng makita ako pero inaya agad nya ako sa sasakyan nya

Lihim akong napangiti dahil doon.hayy...mukhang nakikiayon saakin ang tadhana ah?

heto ako ngayon hinahatid ni eveward pauwi sakay ng kotse nyang ferrari *0*

At eto pa beshies banat sya ng banat gets nyo?sa madaling salita nagpi-pick up line sya tulad nito.....

"Hindi ka pa napapagod kakatakbo?"tanong nya

Tanga neto,syempre hindi nasa sasakyan tayo e.bobohan pa naten hindi ako convince

"Nasa sasa--"bago pa ako makapangpilosopo pinutol na nya yung sasabihin ko

"Takbo ka kasi ng takbo sa isip ko"pagpapatuloy nya

Oh diba?eto pa

"Ako ang cone at ikaw yung ice cream,perfect match tayo" wink*

Akala ko kotse to?bakit parang nagiging maisan sa sobrang ka cornihan nitong katabi ko

Tawa kayo...joke yun

Paminsan talaga nakakalimutan kong idol ko sya ibang iba kase yung expectation ko sa kanya e hindi ko inaasahan na ganyan pala sya haha pero okay lang lab ko parin sya....

Nandito na kami sa tapat ng bahay kaya nagpaalam na ako sa kanya

"Good night ingat ka,salamat"pagpapalayas ko sa kanya

"Sige goodnight din"

Ang cool nya sanang tignan dun sa part na pinaharurot nya yung kotse

At eto ang ending ng lola nyo nalanghap lahat ng usok mula sa sasakyan ng animal

Yawa!

Pagpasok ko ay sumalubong sakin ang kilay ni mama

Oo kilay talaga mas mataas pa sa bahay e

"Sabi ko bago mag hapunan"mataray nyang sabi--Grabe ah?"oh sya kumain ka na doon sa kusina adobong manok ng paa ang ulam"

Waaaa paborito ko!

Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng plato at kanin at sinimulan nang lantakan yung adobo

Syempre paborito ko yun e!

"Mukhang nag enjoy ka doon ah?"sabi nya habang tinitignan ako habang kumakain

"Magkwento ka nga"utos ba yon?

Tinapos ko muna yung kinakain ko bago ikwento kay mama yung ginawa ko sa bahay nila ate daiane,alam ni mama na nag fa-fangirl ako at support namn sya doon.at tsaka yung kwento ko sa kanya hindi ko sinama yung banatan-thing na yan baka anong isipin ni mama.

Ma-issue pa naman

Tama ka jan self

Pagkatapos ng chikahan namin ni mama ay pumasok na ako sa kwarto namin pag pasok ko ay nakahiga si kuya,nag m-ml siguro.Yung higaan namin ay double deck kaya ako yung sa baba at sya yung sa taas

Pumunta na ako ng banyo para maligo at magtoothbrush narin

Kakatapos ko lang magtoothbrush ay may narinig akong kalabog galing sa pinto

Jusko!may multo ata!

"KAT!BILISAN MO NATATAE NA AKO!"sigaw ni kuya

tss

Kala ko kung ano,maka sigaw naman to!

"LALABAS NA DALEE!"muli nyang sigaw

"Eto na!"sigaw ko rin

Paglabas ko nagpapa-padyak sya habang hawak yung cellphone nya.taeng-tae na nakuha paring mag cellphone

Ang cute nya!

Good job!

Kinabig nya ako at tumakbo papasok sa banyo sabag upo sa trono at naglaro ulit

Aray ko te!

Wala na akong nagawa pumunta nalang ako sa higaan ko at nag wattpad,paminsan din ay nag f-fb

Iniiscroll ko ang news feed ko ng biglang may mag message saakin

From:09*********
Hi,its me eveward your one and only ^_^

Hanu daw your one and only?hahahahahah MY ONE AND ONLY?!

Hahahah sabi mo oh edi sige your my one and only

Anue be pereng tenge nemen

To:09*********
Hi,katkat din to

Sent!

Wala akong masabi e

Pinalitan ko yung name nya sa messages ko

From:eveward💜
Kumain ka na?

Pa fall ka po

Kaso luma na yan te

To:eveward
Kanina pa ikaw?

Sent!

From:eveward
Oo,pwede ka ba next week?sa sabado?

Teka?

Nagyayaya ba syang makipag date?

Hahahahaa

Masakit mag assume

Bakit ba self?wala tayong meeting ngayon manahimik ka jan

Sabi ko nga tss

To:eveward
Sure,magpapaalam lang ako kay mama

From:eveward
Sige,tulog na ako.good night,sweet dreams.dream of me:*

DREAM OF ME DAW HAHAHAHAHA

TO:EVEWARD
Sige,good night din

Hayyyy

"hoy,bakit nakangiti ka?"sabi ni kuya na kakalabas lang ng banyo

Ang tagal naman nito

"May nabasa lang ako sa wattpad na nakakakilig"pagpapalusot ko sa kanya,maissue din yan no

Napa-ahh nalang sya,mukang napaniwala ko naman sya

Bumalik na ako sa pag wawattpad mukhang hindi ako makakatulog e

Pero habang nagbavasa ay bigla nalang bumigat ang mata ko mukhang gusto na nyang matulog,kaya pinatay ko na yung cellphone ko at natulog na

Hindi ko alam pero ang saya saya ko


Author's note:pasensya na po kung ngayon lang nakapag update nawala kasi bigla yung sinulat/tinaype kong chapter 8 kaya inulit ko nalang hindi ko ata nasave heheh sorry ho ulit

Babawi ako sa next chap.

Love you

~💙

fangirl'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon