CHAPTER 19

22 2 0
                                    

Katelyn's POV

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si mama na nakaayos at mukhang may pupuntahan may dala din syang maleta sa gilid nya

"Oh?ma?san ang punta nyo?"tanong ko pagkapasok ko ng bahay

"Halika at umupo muna"sabi nya at sabay kami umupo sa sofa"k-kinakailangan ko kasing sumunod sa papa mo sa ibang bansa para mag trabaho.huwag kang mag-alala dahil magkasama naman kami ni papa mo doon, bibisitahin kayo ng tita mo dito dalawang beses sa isang linggo para ma-check ang kalagayan nyo,alam ko naman na hindi ka papabayan ni eveward at...kian"ow....bakit sya alam nyang darating ang lalaking yon?

Nakita kong papunta saamin ang kapatid ko at pagkarating nya sa sofa ay agad syang umupo

"Ma sigurado na ba kayo jan?"tanong nya bakas din sa boses nya ang kalungkutan kahit sa mukha nya

Kahit ako nalulungkot din,hindi ako sanay na wala si mama sa bahay kapag nawala sya wala nang gigising saakin sa umaga wala nang magluluto ng masarap kahit marunong naman akong magluto,hindi ko nga lang alam kung masarap,

"Pinagkakatiwalaan ko kayo alam nyo na ang dapat at hindi dapat gawin"sabi ni mama na nagpahinto sa iniisip ko"panatilihin nyong malinis ang bahay at palaging naka-lock kapag matutulog o kaya naman ay aalis palagi akong tatawag sa inyo wag kayong magpapasaway ha?"tanong nya kaya kahit hindi parin nag-sink in saakin yung mga nang yayari tumango parin ako"oras na para umalis ako"tumayo sya at hinalikan kami sa ulo naramdaman ko ang pag patak ng luha nya sa ulo ko

Malungkot ako,gusto kong umiyak pero bakit ayaw makisama ng mga mata ko?......siguro dahil masaya ako para sa kanya? Ewan...

"Mag-iingat ka doon ma,kapag kailangan mo kami tumawag ka lang"narinig kong sabi ng kapatid ko kaya tumago si mama at niyakap kaming muli

"Balik ka kaagad ah?"sabi ko sa kanya at tumango sya bilang pagsagot

Hinatid namin sya sa gate at pumara ng trycicle

Nang makaalis si mama saka lang nag sink-in lahat pero....hindi ako umiyak at Hindi ko din alam kung bakit

Pagkapasok namin ni kuya sa bahay naramdaman ko din ang lungkot at katahimikan.

Siguro dahil hindi nila naririnig yung boses ni mama na sobrang lakas na talo pa ng speaker ng kapit bahay

"Pansamantala lang naman si mana doon.huwag ka ng malungkot ako muna yung mama mo permanently.....diba?!"ginaya nya ang sigaw ni mama kaya sabay kaming nagtawanan pero natigil iyon dahil may sumigaw na kapit-bahay

"Kung ayaw nyong matulog--"sigaw ng isang lalaki mula sa kabilang bahay

"Magpatulog kayo"sabat ng kapatid ko at nag-make face kaya napatawa ako sa kanya dahil sa inaasta nya

Matapos maligo ay ni-lock ko na ang pintuan at tsaka bumalik sa kwarto ko para matulog pero may unregistered na number ang nag text saakin

From:unknown number
Its me,kian.kinuha ko kay tita yung phone number mo kay tita at narinig ko rin na umalis sya at pumuntang ibang bansa kung nasaan si tito

Hindi ko alam na may pagka tsismoso sya

To:kian
Sige

Wala na akong matinong maisagot. dahil yung mga itatanong ko sana ay nasagot nya na

From:eveward
Tara vc?

Eh?

Kelan  pa nagyaya ang isang tao na maging busy?

To:eveward
Hindi naman ako busy..

From:eveward
What i mean is video call

Ay....

From:kian
Mag video call tayo.hindi pa siguro sapat nung makita kita kanina

Isa pa to

Kaya nag reply nalang ako sa kanila na ayoko munang makipag video call

Hindi dahil tinatamad ako

Kindi dahil hindi ako marunong

Matapos kong mag good night sa kanila ay natulog na ako dahil may pasok pa bukas

Matapos kong mag handa para sa pagpasok ay ni-lock ko na ang bahay at umalis

At tulad ng inaasahan nakita may nakita akong nakaparadang sasakyan sa tapat ng gate namin

"Good morning,my girl"bati saakin ni eve at inalalayan akong pumasok sa kotse nya

My girl daw......

"Nakapag almusal ka na ba?"tanong nya"i mean.....gaano kadami yung inalmusal mo?"patuloy nya

Maka 'gaano kadami yung inalmusal mo?'ano ako baboy?

"Onti lang tatlong ulit ng fried rice tatlong itlog tatlong hotdog,onti lang talaga dahil kadalasan tiglima o kaya tig-anim kaso tipid muna ngayon"paliwanag nya mukhang hindi naman sya nagulat sa pagda-diet ko.tinawag ko syang diet dahil ang konti lang ng kinain ko kailangan namin tipirin yung budget namin

"At bakit naman tig-tatlo lang?"tanong nya at hindi ko alam kung saang lupalop nya iyon nakuha kahit alam nyang nag da-diet ako

"Para i love you"sabi ko at kinindatan sya pabalik-balik naman yung tingin nya saakin at sa daanan nanlalaki pa yung mata nya at pati yung ilong at sa sobrang gulat nya naapakan nga yung preno kaya muntik na akong mauntog sa harapan

Salamat kay mr.seatbelt

Hindi ko na siguro uulitin nabasa ko lang naman yun sa wattpad kaya ni-try kong gawin.ang akala ko kikiligin sya katulad ng nababasa ko pero yung mukha nya ngayon

Mukhang unggoy

Nanlalaki na mata,nanlalaki na ilong,at namumula na tenga

"Para i love you"narinig kong tunog ng phone nya

"Na record ko hahahah"sabi nya at tumawa saka nagpatuloy mag drive

Papalapit na kami sa room pero hindi parin mawala yung ngiti nya

"Para i love you"

"Para i love you"

"Para i love you"

Paulit ulit nya iyong pinapatunog hanggang sa makarating kami sa classroom namin lumapit agad ako sa upuan ko ng mapansin kong may bakanteng upuan sa likod ko,sa pagkakatanda ko ako yung nakaupo sa pinaka likod

"Good morning"pasigaw na sabi ng teacher namin kaya umupo na ako

"May bago kayong kaklase ngayon!"sigaw ulit ng teacher namin

Hindi sya galit

Pumasok ang isang pamilyar na lalaki maputi ang balat nya at hindi ko maitatanging gwapo din sya

"Hi im kian salazar nice to meet you"pakilala ng childhood friend ko

"Okay mr.salazar please take your seat"utos ng teacher namin kaya naglakad sya papunta sa likuran ko kung nasaan ang bakanteng upuan

"Hello kat"sabi nya nang makaupo sya

Kinawayan ko sya at saka nilingon itong katabi ko

Nakita kong namumula ang tenga nya na senyales na naiinis sya

"Problema mo?"tanong ko

"I really..........hate that guy"sabi nya at nagbuntong hininga

Hindi ko alam kung sino iyon kaya nanahimik nalang ako,baka suntukin ako nito pag tanong ako ng tanong













A/N:wala lang nasanay lang akong mag author's note pagkatapos.anyways keep, safe💜

~💙

fangirl'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon