CHAPTER 23

8 2 0
                                    

Ha?








Katelyn's POV

Papasok ba ako?

Kayalang makikita ko sya.

Wag na kaya.

Lagot ako kay mama at kuya!pati pa pala si papa!

Baka bumaba yung grade ko at mawalan ng scholarship at...

Hindi ako makapag aral!!

Pero kung papasok ako...

Makikita ko pa rin sya!!

Potek!!

Kanina pa ko pabalikbalik dito sa kwarto ko nakasuot na ako ng uniform hindi ko alam kung papasok ako o hindi

From:eveward
Susunduin kita,magusap tayo please

Kagabi pa sya tawag ng tawag at tinatanong sa text kung bakit hindi ako sumipot.hindi siguro nya alam na nakita ko sila

Kaya wala akong choice kundi pumasok,kailangang makaalis na ako ng bahay bago pa sya dumating

Nauna na si kuyang pumasok kaya ako na ang nag lock ng pintuan ng bahay

Lakad takbo ang ginagawa ko para lang masiguradong mabilis akong makakapunta ng school pero habang naglalakad ay nakita ko yung sasakyan nyang puti.dali dali akong nagtago sa may isang eskinita para hindi nya ako makita

Nakita ko syang dumaan sa harap ng tinataguan kong eskinita pero hindi nya ako nakita

Tumakbo na ako dahil malapit na lang ang gate sa school

"Hoy pusa okay ka lang?"bati ni kian saakin

"Sinong pusa?"tanong ko sa kanya

"Ikaw,kasi kat ka diba"aniya saka tumawa na parang walang bukas

Bored ko syang tinignan

"Anyare sayo?tignan mo yung mukha mo para kang zombie hahahaha!"

Tumawa ka lang,may araw ka rin saakin

"Pwede bang palit tayo ng upuan?"tanong ko kita ko ang gulat sa mukha nya pero binaliwala ko iyon

"S-sige lang"sagot nya at nagpatuloy sa paglalakad

Habang naglalakad kami napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao

"Guys nakita nyo ba yung news?"

"Nakakaawa si ate"

"Sya yung girlfriend hindi ba?"

"Kung ako iyong girlfriend hindi na makakalabas ng buhay sa mall yung babae"

"Nakita mo ba yung news kahapon?"sabi ni kian

"Hindi.hindi naman ako nanonood ng balita e"saad ko ng may pinakita syang article saakin sa phone nya

Nakita ko yung article na mag-kasama kami ni eve sa book signing at yung isa naman ay yung nangyari kahapon

Nag iwas nalang ako ng tingin dahil nararamdaman kong namamasa nanaman yung mata ko

"Obviously hindi ka okay"aniya at pinunasan ang tumulong luha sa mukha ko...pero padabog.para nya akong sinampal ganon.

Punyemas

Tinignan ko sya ng masama at saka nag patuloy sa paglalakad"nag usap na ba kayo?"aniya iling nalang ang naisagot ko"kung ganon dapat pakinggan mo yung paliwanag nya,hindi pwedeng magagalit ka lang sa kanya ng hindi mo nalalaman yung paliwanag nya.huwag kang mag alala mahal ka non"

Napatawa ako ng mapait"kung mahal nya ako,bakit nya hinayaang halikan sya ni hannah?"nakita kong nagulat sya sa sinabi ko,mukhang hindi nya alam ang buong kwento.kilala ko sya hindi sya agad  na naniniwala sa sinasabi ng kung sino lang

Nakarating na kami ng room agad na sumalubong saakin yung malaking noo-este mukha ni frances

"Are you okay?"aniya na may halong pag aalala at galit

Nag kibit balikat nalang ako at dumiretso sa upuan ni kian nilingon ko yung upuan ni hannah.buti nalang at wala sya

"Kung hinahanap mo yung maharot na yon,hindi ko muna sya pinapasok,naaalibadbaran ako sa itsura nya."sagot ni april nang makita nya akong nakatingin ako sa upuan ni hannah

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng may mapansin ako sa sinabi nya

"Kung ganon magulang ka ni hannah?!"agad akong nakatanggap ng batok mula sa kanya

"Gaga!kung ano-ano yang pinag-iisip mo!"aniya at inambaan pa ako ng  batok

"E kung ganon bakit hindi mo sya pinapasok?magulang lang naman nya ang kayang makapag sabi non.maliban sa teacher o kaya sa dean"sagot ko

"Ahmmm.....sinabunutan ko sya at hinila-hila yung buhok nya na parang ganito"aniya saka hinatak yung buhok ni cheska kaya ginantihan nya ito ng sampal,inirapan lang sya ni april at saka nagpatuloy sa kwento"tapos hinatid ko sya doon sa gate ng school palabas ng hila-hila pa rin ang buhok nya at saka tinulak sya sa kalsada gaya nito"sabay tulak kay frances dahilan para matumba ito

"Aww!hoy bakla ka!"sigaw ni frances

"Inaaction ko lang para you know!ma gets nya yung panyayari"paliwanag ni april sa kay frances "and finally"bumaling sya saakin ng akmang sasaktan sya frances,pero hindi naman natuloy"sinabihan ko sya na 'lumayas ka rito!ang kati kati mo etchetera!"

Ukinam kailangang sumigaw?

"Wait hindi ka man lang ba na-guidance or what"tanong ni charie sa kanya

"Oh that...wag na kayong mag alala naayos ko na yon"sagot ni april at saka ngumiti na parang kriminal

"Siguro naman wala kang ginawang krimen no?"saad ko at nagulat ako ng tumawa sya.tawang pang demonyo na

May kaibigan na akong demonyo

"Oh ano na teh kokomprontahin mo na ba yung jowa mo o ano?"tanong ni robert na nagpatahimik saakin

Nag kibit balikat nalang ako dahil wala naman akong maisasagot na matino

"Oh!speaking of the demonyo"sabi ni cheska at sabay sabay silang bumalik sa mga upuan

Hindi ba devil yon?mali ka cheska!!

Wala akong balak na tignan sya kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa notes ko

Nakita ko si eve sa gilid ko pero hindi ko pinansin at nag patuloy lang sa pag babasa

Marahan nyang nilapag ang isang plastic bag na may lamang pagkain galing sa isang fastfood"we'll talk later"aniya saka bumalik na sa upuan nya dahil dumating na ang subject teacher

Mas lalo akong napa-yuko ng maramdaman kong lahat ng mata sa room ay nakatingin saakin

Dumaan ang ilang oras hanggang sa mag uwian na

"U-una na ako"paalam ko sa kanila at tango nalang ang isinagot nila

Hindi ko pa sya kayang kausapin.

Pero mali ako,naunahan nya ako nakita ko syang nakapamulsa at nakasandal sa gate.nakangisi at mukhang ako ang hinihintay dahil nakatitig saakin



































Hastronaut

~💙

fangirl'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon