CHAPTER 12

23 4 0
                                    

A/N:mahigit 5,000 na ang cases ng covid19.stay at home and always wash your hands,take vitamins and eat nutricious food.keep safe💜

Katelyn's POV

Tinago ko sa isang box yung mga chocolate at nag baon ng ilang piraso para sa mga kaibigan ko

Nakatulog ako kagabi kaka-kain  at itong si food stealer tawag ng tawag naiistorbo ako sa pagkain kaya pinatay ko muna yung cellphone ko istorbo e kumakain yung tao

Pero pag bukas ko kanina 98 messages at 90 calls

Wew

Ang dami nyang load ah...

Binasa ko yung mga text nya

From:eveward
Yung chocolate

From:eveward
Saakin galing yon..

Ay ganon?

From:eveward
Nagtatampo ka pa ba?

Nagtatampo?

From:eveward
Sorry na

From:eveward
Hey,answer my calls

From:eveward
Why are you doing this to me?

From:eveward
after reading wattpad go to bed okay i will pick you up tommorow i love you

Wew...

Bakit ba ganyan sya letche

Hindi ba sya aware na nakakakilig yon?

Baka hinde

Nagpaalam na ako pagkatapos ng almusal at paglabas ko ay nakita ko kaagad yung service ko

Oo service

Hanahatid nya ako e

Nang makalapit ako sa kanya nakita ko agad yung pagmumuka nya

Malalim ang eyebags mukhang puyat at

Gutom

"Mukha kang bangag"sabi ko at pinipigilang tumawa

"Pinapatawad mo na ba ako?"

Pinapatawad

Ahhh..tungkol siguro yon sa chocolate ko

"Teka kumain ka na ba?"tanong ko at lumapit sa kanya

"H-hindi pa e"sabi nya tsaka sumakay ng kotse

"Oh"abot ko sa kanya nung chocolate mukhang hindi pa sya nag aalmusal eto lang naman pagkain ko sa bag

"S-salamat"pagkatapos nya kainin,uminom agad sya ng tubig at pinaandar na ang kotse

Napansin ko ding medyo nahihilo sya dahil napapahawak sya sa sintodo nya at medyo namumutla na sya

Pagkababa namin ay hinila ko kaagad sya papuntang clinic

"May klase pa tayo"sabi nya habang hatak ko parin sya

"Bibigyan nalang kita ng lecture kailangan mo ng pahinga"sabi ko ng makapunta kami sa tapat ng clinic at lumapit agad ako sa nurse"nahihilo po sya at namumutla medyo mainit din po sya mukha pong kailangan nga ng pahinga"sabi ko at agad namang inalalayan si eveward papalapit sa isang higaan at binigyan ng gamot"babalik ako  ng lunch"sabi ko at ginulo ang buhol nya

Ang lambot hehe

Alagang parlor...sana lahat

Yung akin  kasi pang kuskos ng pwet ng kaldero e

Kahit gustio kong mag stay doon kailangan ko paring pumasok at i maintain ang grades ko

Kasabay ko lang pumasok ang teacher kaya hindi naman siguro ako late

"Oy te,asan si papa eveward"sabi ni april habang pinag mamasdan yung katabi kong upuan

"Mamaya ko nalang ikukwento"sabi ko kaya bumalik na sya sa upuan nya

Natapos ang na ang lahat ng subject sa umaga kaya lunch time na

Sinamahan ako ng mga tukmol kong kaibigan sa paghatid ng pag kain kay eveward

"Okay na ba itong nabili ko para sa kanya?"tanong ni april matapos bumili ng napakaraming pagkain mga limang plastic din yung hawak namin
Naikwento ko na din sa kanya yung nangyari kay eveward kanina

Napairap nalang ako sa kaartehan nya

Pero okay lang yon.....nakatisod naman tayo ng libre

Pagpasok namin sa clinic ay wala yung nurse at nakita ko naman si eveward na gising at nakatingin sa kawalan

"Huy"tawag ko sa kanya at mukang nakuha ko naman yung atensyon nya
"Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya at tumango naman sya

Pipi ba to?

"Nagdala kami ng pagkain"sabi ko at sinimulan ko nang ayusin ang kakainin nya at nagsimula na rin kaming kumain ng sabay sabay

Chibog na!

"May naging sakit ka ba dati?"tanong ko sa kanya habang kumakain parang pamilyar  saakin yung sintomas dahil nagkaroon na din ng ganon si kuya glenn,hindi ko nga lang matandaan yung tawag doon sa sakit dahil medyo matagal na yon

"W-wala naman"sagot nya

Natapos na ang klase kaya uwian na sinabayan ko si eveward hanggang parking lot para masigurong okay sya

"Pwede bang ikaw nalang gumawa ng assignment ko.....alam mo na wala naman ako kanina kaya hindi ko alam yung gagawin"sabi nga sabay ngiti ng matamis

"Sige ingat ka"ang eneexpect ko ay ihahatid nya ako pero pinaharurot na nya ang sasakyan nya paalis ang naiwan lang kasama ko ay yung usok mula sa kotse nya

Ang galing....

Parang kanina lang ang saya-saya ko tapos parang nasasaktan ako,ewan ko naiinis ako sa kanya,hindi naman sya ganon yung bigla bigla nalang akong iiwan dito.sa susunod hindi na ako magiging masaya,kasi may lungkot pagkatapos ng saya

Ang lalim ah?

Umuwi nalang ako kesa mag drama hindi ko makakain naman makakain yon

*****************

April 26,2020

Ilang linggo na ang lumipas matapos yung tagpuang iniwan nya ako sa parking lot kemerut ang today is not the day dahil bukas pa yon! masyado lang akong egzayted

Well ang ganap bukas ay sasagutin ko na ang lolo nyo sa tingin ko naman ay tama na yung mahigit isang buwan na panliligaw nya saakin at na-aapriciate ko naman yon.

Hatinggabi na ako nakatulog dahil sa excitement

Kinabukasan

Eto na!eto na!eto na!

Sinabi ko na kay mama kagabi yung plano at pumayag si mother earth kaya ang saya saya ko ngayon!!!

Maaga ako nagising kaya ako na ang naghanda ng agahan nila kuya at mama

Nang makalabas ako ng bahay ay sya agad ang sumalubong saakin

"Good morning beautiful"taena ang aga aga

Mwehehehhe

"Good morning handsome"kala mo ikaw lang a

Agad kong nakita ang pamumula ng muka nya

Sana maging masaya ako sa desisyon ko---hindi.magiging masaya ako dito..sa kanya

Mweheheheh


A/N:pasensya na at yan muna hindi ako masyadong makagawa dahil nagiging baby sitter ang peg ko Bwahahaha

Keep safe💜

~💙

fangirl'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon