CHAPTER 18

11 2 0
                                    

A/N:ito ho yung flashback nung ate mo girl na si kakat at ni kian the great.

Enjoy.............

Third person's point of view

"Tignan mo may bago akong kaibigan"sabi ng batang babae habang pinapakita sa kaibigan nya ang bagong laruan.agad namang nainis ang kanyang kaibigan

"Ano?may bago ka nang kaibigan?kung ganon itapon mo na yan ako lang dapat ang kaibigan mo."sabi ng batang lalaki

Tumawa naman ang batang babae saka itinago sa bag ang laruan at inakbayan sya"syempre ikaw parin ang bespren ko"sabi nito at hinatak ang kaibigan papunta sa school

"Ako ang bespren mo at pagkatapos non boyfriend hehe"bulong  nito at tumawa na parang kinikilig

Inosente namang tumingin sa kanya ang kaibigan"anong boyfriend kian?"

"Uhmmm..lalaking kaibigan..parang ako"sabi nito at hinatak na ang kaibigan papuntang clasroom

"Dito ako sa kanan at ikaw sa kaliwa"sabi ng batang babae

"Mali..grade 2 ka palang tapos ako grade 3 kaya sa kanan ako.hindi na kita maihahatid dahil late na ako,ingat ka besfriend"sabi ng batang lalaki at umalis na ganon din ang ginawa ng kanyang kaibigan

Matapos ang ilang taon nilang pagkakaibigan ay kinailangang unalis ni kian para mag aral sa ibang bansa

"Wag ka mag-alala kat babalik ako para sayo"sabi nya sa kaibigan at pinipigilang umiyak

"Alam ko namang babalikan mo ako at tsaka pasalubong ko ah chocolate yung malaki"sabi nito at nginitian ang kaibigan

At tuluyan na nga syang iniwan ng kaibigan at nagtagal ay hindi parin bumabalik ang bata kaya hindi na sya umasa pa.

"Siguro masaya ka na jan at kung may nahanap ka nang bagong bestfriend mo sana hindi mo ako kailan man makalimutan"sabi ng batang babae at humiga na para matulog

Katelyn's POV

Sya iyon yung bestfriend kong akala ko kinalimutan na ako.

Kusang bumagsak ang luha ko na kahit anong pigil ay pilit na kumakawala

Teka?

Bakit nga ba ako umiiyak?

Dapat masaya akong nandito sya..

Pinunasan ko ang luha ko at tsaka huminga ng malalim"oh?nasan yung chocolate ko?"sabi ko kaya napangiti sya at nabigla ako nang yakapin nya ako

"Akala ko galit ka"aniya

"Medyo lang,kasi ang tagal mong hindi nagparamdam saakin"sabi ko at niyakap sya pero hindi nagtagal iyon dahil may humatak sa akin

"Sorry bro find yours"sabi ni eveward at tinignan si kian deretso sa mata at ganon din ang ginawa ni kian na kulang nalang magkaroon ng laser sa mata nila at mapatay ang isat isa

Okay...ang oa na nang nasasabi ko

"Ahhmm..kian ito si eveward---"pinutol na nya ang sasabihin ko kaya napatingin ako sa kanya

Buset

"Her boyfriend"sabi ni eveward kahit halata naman dahil hawak nya ang kamay ko

"Hey"may nagsalitang lalaki sa likod namin at paglingon hindi lang sila lalaki kundi mga gwapo........ dalawang gwapo

Shet napapaligiran ako ng mga gwapo

Tawagan ko kaya si april?

"Uhmm kat may pupuntahan lang kami ni daiane nandyan naman si eveward at kian"sabi nya at bumaling kay kian at tumango ganon din ang ginawa nitong at tuluyan na silang umalis

fangirl'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon