CHAPTER 25

7 2 0
                                    

A/N:yung haikyu may kasalanan kung bakit hindi ako nakapag ud!


Pasinsya na~yeah~

Katelyn's POV

"So here's the plan,aabangan natin sya sa kanto medyo malapit dito sa school,i know na dadaan sya don and then i-cocorner natin sya.i will buy maraming scissors so we can kill her hahaha!" Demonyong tawa ni frances.pero syempre sinisigurado naming kami lang ang makakarinig sa sinasabi namin dahil baka may makarinig at may magsumbong hindi ko kakayanin kapag may suspention na magaganap

nandito kami sa cafeteria kaming pito lang at kasama pa pala si kian wala daw si eve dahil may interview daw sya babalik din daw sya pagkatapos ng lunch dahil saglit lang daw yon.

Pinagpaplanuhan daw nilang abangan si hannah sa kanto.bakit?ginulo nya kasi yung performance namin sa acapella muntik pa kaming hindi makapag-peform dahil sa kanya.hindi sya kumakanta at tinignan lang ang kuko nya kaya pinaalis sya ng teacher kaya kami lang ang nag perform.nabawasan pa nga yung score namin dahil kulang kami sa myembro

"Let's say na napatay natin sya anong gagawin natin sa body nya?"tanong ni robert"may idea ka ba jan janela?,uso magsalita,baka hindi namin alam na magkadikit na pala yung mga labi mo jan sa sobrang tagal na panahong hindi ka nagsalita"medyo OA na tanong nya.

Medyo palang.hindi pa yan sa sagad.

Lahat kami napaangat ang balikat nang magsalita si janela"may alam ako kung pano"aniya at nakataas ng kaunti ang kamay.alam kong nabubwisit sya kay hannah pero hindi halata sa mukha nya,mukhang sinasakyan nya rin yung kalokohan ng mga to.

Sinong hindi magugulat sa kanya e,ang dalang lang nyang magsalita.nung nag perform nga kami ng acapella ay sya yung nag beatbox nagulat kami ng sabihin nya yon nung unang practice namin

"Spill it"saad ni cheska na kanina pa inaabangan ang sinasabi nya

"Kalbuhin sya,putulin ang mga daliri,tanggalin ang mata para walang pagkakakilanlan-----"

"Eeww"sabay sabay nilang sabi at ako naman ay nag aabang pa ng sasabihin nya.medyo natatawa ako dahil nagmumuka kaming mga kriminal dito at sya yung mastermind

"Then,ilibing natin yung body nya sa may mga bulate para ma decompo---"natigil naman ang pagpapaliwanag nya ng may sumingit nanaman

"Ang hassle naman,wala ba yung madali lang?"tanong ni charie bago humikab.

"Akala ko gagawa kayo ng krimen bat tinatamad kayo?"natatawang tanong ko

Tinignan nila ako na para bang may sinabi akong masama

"Anong kami?ano teh hindi ka na galit kay hannah yung ginawa nya?jusko lord halika rito babatukan kita para maka-alala ka animal ka"sabi ni april at akmang lalapit sakin pero pinigilan nalang ni charie

"Okay na kami ni eve"ngayon naman ay mas lalo silang nagulat.yung tipong may nakita silang kriminal na nasa watchlist ng barangay

"Ang rupok amp."

"Pakatok jan sa ulo mo,tignan ko kung may laman"

"Tignan nyo yung paligid baka nahulog yung utak nya"

"Wala rito"

"Baka wala naman talagang nahulog kasi wala naman talagang mahuhulog"

Lahat sila nagtawanan sa huling komento ni cheska.alam naman nilang hindi kasalanan ni eve yung nangyari.

"Ba't bumigay ka kaagad napaka rupok mo!!"saad ni robert at tinuro pa ako

"Nag explain naman no!at tsaka alam nyo naman na hindi nya kasalanan yon diba"sagot ko kaya naman natahimik sila

"Okay back to topic."lahat kami natahimik at napaisip nang pagkatapos magsalita ni kian

Mukhang sineseryoso nila itong biruan pero alam ko namang hindi nila tototohanin

"Aha!"sabay sabay kaming napalingon nang magsalita si cheska"sodium hydroxide!"

"A drain cleaner?"tanong ni kian

"Yap!"

"What sodium hydroxide does?"tanong din ni frances

"Ang alam ko"lalo syang lumapit saamin at saka bumulong"kaya nyang magtunaw ng katawan......katawan ng tao"nakataas pa ang hintuturo nya na parang nagbibigay ng trivia"except sa ngipin at kuko na hindi nya kayang tunawin..eto po si kuya kim.MATANGLAWIN"

gandang trivia.....

Unti-unti silang napasandal sa kanikanilang upuan habang ang mukha nila ay nakangiwi

"You know?wag nalang nating gawin nakakapagod"halata sa mukha ni cheska na tinatamad sya"kasi pag katapos nating gawin yung..something na yon.....syempre pag hahanapin tayo ng pulis kasi hindi natin alam na may cctv pala na nakakabit doon sa poste sa kanto kung saan natin aabangan si....ano!... tapos tayo naman tago lang ng tago hanggang sa maghirap tayo at mangholdap nalang dahil sa kahirapan!!"nakahawak sya sa magkabila nyang pisngi

Wut?

Napailing ako at nagpatuloy nalang sa pag kain.ganon din ang ginawa nila

Maya maya ay may naglapag ng libro sa tabi ng kinakainan ko

'My fangirl dream by blue_maiden'

Literal na napapanga ako sa librong nasa lamesa

Vro!libro nanaman!!

Yes!

Lumipat frances ng upuan na syang katabi ko kanina kaya si eve na ang pumalit

"Miss me?"aniya.nakasuot pa sya ng polo at jeans nakaayos din ang buhok nya

Hindi ko sya sinagot at ibinalik ang tingin ko sa libro.nakabalot pa iyon ng plastic kaya agad kong tinanggal at tinignan ang loob

Ang bango!

"Salamat!"sagot ko ng hindi parin tumitingin sa kanya

Ngumiti sya at hinalikan ako sa buhok saka sya tumayo,mag-oorder ng pagkain

Tinigil ko na yung pagsipat sa libro at tinuloy ang kinakain.

Baka ma-spoil ako!

Bumalik na sya na may dalang pagkain at sinimulan naring kumain

"Nga pala,gusto ka daw makita ni papa"tumingin sya sakin na may nanglalaking mga mata--at ilong-- habang nakasubo yung kutsara sa bibig nya.

Nginuya muna nya ang kinakain bago tumingin sakin"anong oras?"

"Uwian."tipid kong sagot dahil busy ako sa pagkain.tango nalang ang sinagot nya,mukhang gutom rin sya dahil sunod sunod ang pag subo nya,kinuha ko ang bote ng tubig at binuksan yon--dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

Hindi na ako nagulat ng bigla nalang syang umubo.

At....nabulunan na nga sya

fangirl'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon