CHAPTER 26

9 2 0
                                    

enjoy reading!

Katelyn's POV

"I hate this"inis na sabi ni eve habang naglalakad kami papuwi samin.

Inabot na kami ng hapon dahil ang dami nya pang prosisyong ginagawa---at nag make up pa nga!--buti nalang pinaalahanan ko sya na sa bahay lang ang punta namin hindi tv show!ayan tuloy naiwan kami ng driver nya.emergency daw na pinapasabi ng 'mom' nya

"thankgod!"sigaw nya habang nag pupunas ng pawis.nasa harapan na kami ngayon ng gate namin

Kinuha ko ang panyo ko sa bag at magpupunas na sana pero may gumawa na non.taka ko syang tinignan at handa na sana syang sabihan ng 'may kamay ako' pero naunahan na nya ako magsalita

"I like taking care of you"aniya habang pinupunasan yung mukha ko

Boom!keleg!

Tsk.tsk.tsk

Dapat dito nilalagyan ng tape yung bibig.yung dikit na dikit tapos biglang tatanggalin para solid yung sakit.

Kung ano ano yung lumalabas sa bibig e

Matapos nyang punasan yung mukha kong mamantika--charot.hinawakan nya yung kamay ko bago kumatok

"Ganto ikaw yung kakatok.malakas dapat para rinig tapos takbo na tayo"sabi ko bago pa nya katukin yung gate.

Agad syang napatawa sa sinasabi ko"alam kong pinapakalma mo ko,pero hindi naman akong kinakabahan"mayabang nyang saad kaya napatawa ako.

"Hindi ka nga kinakabahan,actually sobrang init nga ng kamay mo tulad ng sa patay--este sa buhay"sarcastic na sabi ko sa kanya kahit damang-dama ko na yung panyeyelo at panginginig ng kamay nya.

"Andito na pala kayo"bungad saamin ni mama sa pinto

"Goodafternoonmadameiamevewardcharlesgonzalesi'msogladtomeetyou"dere-daretso nyang sabi.

Wala akong naintindihan.

"Ano ka ba.parang hindi mo na ako kilala"saad ni mama at saka tumawa habang nagkakamot ng batok.may suot syang apron at may hawak hawak na sandok

"Ma"suminghot akong ilang beses hanggang sa mapagtanto ang naaamoy ko"amoy sunog"agad syang tumakbo pabalik sa kusina."pasok ka"aya ko sa kanya pero wala na sya sa tabi ko.nasa sala na sya,nakaupo habang hawak hawak ang isang picture frame

Tumabi ako sa kanya.hindi na ako nagulat ng malamang ako yon.lagi nya kasing tinitignan yung litrato ko nung bata pa ako tuwing pupunta sya rito.

Nakita kong lumabas si kuya mula sa kwarto nya."ano yun!?ma!amoy sunog!"sigaw nya.pero napatigil sa paglalakad papuntang kusina nang makita nya si eveward."uy!"bati nya at saka ipinagpagpatuloy ang pagpunta sa kusina.pagbalik nya sa sala ay may hawak-hawak na syang hita ng manok sa magkabilang kamay.mukang sinigang na manok yung niluto ni mama--ano yung amoy sunog? .tumutulo pa nga yung sabaw sa siko nya na galing sa manok

Ang salaula naman.

"Ang linis mong kumain"honest talaga ako sa sinasabi ko sa kanya

"Naman."proud nyang sabi

"Kakain na!"sigaw ni mama.saktong pagkatayo namin ay lumabas sya doon at lumapit kay eveward at hinawakan ang braso nito"tara kain"

Wao....pagsaamin isigaw tapos pag sa kanya pupuntahan pa?!

Sino bang anak dito!?

Iiling-iling si kuya habang pumupunta sa kusina

"Hindi ka ba nahihilo"tanong ko.literal na umiling talaga sya habang pumupunta sa kusina.

Liling lang din ang naisagot nya kaya tumahimik na ako bago ko pa sya mabigwasan

Papansin!

Papasin si eveward!nung dumating kasi ako sa kusina ay tumayo pa sya para alalayan akong umupo.

Pa goodshot ka boi?

Nakaupo na kaming lahat at sinimulan na ang pag-kain.

Nakakabinging katahimikan.sa sobrang tahimik feeling ko mababasag ang eardrums ko.

Tumikhim muna si papa bago mag salita"surname?"seryosong tanong nya kay eveward.

"Gonzales po."agad na nagpalitan ng makahulugang tingin si mama at papa.

"Nga pala,nahulog yung mga asawa mo doon sa kwarto mo"sabi ni mama bago sumubo ng kanin

ay hala!

Agad akong napatayo."pero dinikit ko na ulit sila"sabi ni mama kaya naupo na ulit ako.natanggal nanaman kasi yung kaisa-isang poster ng bts doon sa kwarto ko.ang dugyot na nga ng likuran non e may mga double-sided tape na hindi ko na matanggal at tsaka mga nakadikit na glue stick.

Sa susunod super glue na yung gagamitin ko.

Nagpatuloy sila sa pag-kain.naguusap si papa at eve tungkol bussiness.hindi nako nakisali sa usapan nila dahil wala naman akong alam tungkol don.

"So ikaw ang magmamana ng kumpanya ninyo?"tanong ni papa kay eveward

"Exactly po."

Natapos ang hapunan namin ng matiwasay.

"Sama ka samin maanonood kami ng movie"sabi ko sa kay eveward.dati kasi ito lang yung family bonding namin.aalis ulit sila mama at papa may emergency daw kasi sa trabaho nila.

"Sure"sagot nya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

fangirl'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon