The encounter

17 23 1
                                    


Mitch P.O.V.

Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o ano. Paano ba naman kasi, itong nalipatan kong paaralan eh ang bu-bully nila. Kawawa naman talaga yung babae kanina, kung ipahiya sa mga feeling magaganda akala mo kung sinong reyna. Gusto ko sanang tulungan yung babae kanina sa canteen kaso hindi ako makasingit sa mga chismoso't chismosa.

Papauwi na ako ngayon ngunit nakita ko si sir Chavez, may itatanong dapat ako kanina sa kanya kaso ang daldal kaya hindi tuloy ako nakasingit. Sinusundan ko siya pero nagtataka ako, hindi naman ito ang daanan papunta sa sakayan ah. Pumasok siya sa lumang bahay. Hala kinakabahan ako, baka kung ano ang nasa loob ng bahay nayun. Tago kasi ito at dumidilim na, gusto kong umalis pero nanaig ang curiosity sakin kaya pumasok narin ako.

"Mitch hindi kaba natatakot?" tanong ko sa sarili ko. Parang may nararamdaman akong kakaiba.

"Huwag po, maawa na po kayo." Napalingon ako sa kwartong pinanggalingan ng tinig.

Parang pamilyar ang boses. Sumilip ako at grabe, ano tong kagaguhan na ito? Si sir Chavez at yung schoolmate na classmate ko, si Vinece, hindi ko ma explain yung nangyayari basta ang alam ko lang rape na ang tawag sa ginagawa ni sir Chavez.

"Nag-iinarte ka pang bruha ka!" nanginginig ang kamay ko dahil sa nakikita, napaawang ng malaki ang bibig ko, masyadong SPG!

Hindi ko na natiis at pumasok ako kaya nagulat si sir Chavez at natumba, nahulog siya sa kama ng walang saplot sa katawan (yuckk ang tanda-tanda na, ang manyak, hindi na nahiya). Kinumutan ko si Vinece para matakpan ang katawan niya.

"Anong ginagawa mo dito Ms.Valdez? Gusto mo bang sumali sa ginagawa namin?" Nakangising tanong sa akin ni sir Chavez. Nasusuka tuloy ako.

"Hindi po ba kayo nahihiya sir Chavez? Akala ko pa naman ay mabuti kayong tao." Hindi ko natago ang galit sa tinig ko.

Nagbihis naman si Vinece kahit na nanginginig pa sya.

"Hayop kang Valdez ka, binitin mo ako." Ngumisi sya at lumapit sa akin. "Kaya ikaw naman ngayon ang pagsasamantalahan ko."

Akala niya siguro na wala akong laban, hindi ko ipapahamak ang sarili ko kung wala akong alam sa pakikipaglaban.

Tinadyakan ko ng malakas ang pinakamamahal niyang alaga.

"Shit ang sakit." Sigaw ni sir Chavez. Naka tiyempo ako para sinyasan si Vinece na umalis na ngunit umiiling lang sya.

"Ano ba Vinece, umalis ka na!" sigaw ko. Natauhan naman siya at umalis agad sa kama, tumakbo agad siya paalis ng silid.

"Gusto mo talagang sumali sa amin ah!" Peste talaga tong matandang gurang na ito, ang manyak.

Nang masiguro kong wala na si Vinece, sinapak ko natong nasa harapan ko. Hindi lang yun tinadyakan ko ulit ang mukhang namamagang alaga niya hahaha.

"Kung gusto mong maglabas ng libog sa katawan mo sir, doon ka dapat sa misis mo at hindi sa mga estudyanteng walang kalaban-laban."

Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya, paalis na sana ako ng may makita akong cellphone sa gilid ng kama. Kinuha ko iyon at umalis na sa silid.

The Story Of Us✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon