Justice

14 23 1
                                    


Venice P.O.V

Natatakot ako. Buong buhay ko nabuhay ako sa takot ngunit nung tinulungan ako ni Mitch parang nagliwanag ang buhay ko dahil sa wakas may taong handa akong iligtas.

Bago kami pumunta sa Dep Ed, oo Dep Ed nga! Ideya iyon ni Mitch para wala ng kawala si sir Chavez. Sinabi ko lahat-lahat, kung paano ako napunta sa ganoong sitwasyon, paano ako binubully ng mga estudyante at marami pa.

Ngayon lang ako naglabas ng nararamdaman sa isang tao, ngayon lang ako nagtiwala at si Mitch iyon.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ng nag-iinterview sa akin. Humigpit ang paghawak ko sa kamay ni Mitch.

"Vinece Jane Zamonte po."

"Paano at kailan nagsimula ang ganitong pangyayari sa buhay mo?" Tanong noong isa pang nag-iinterview.

"Noong nasa grade 9 po ako sir. Pinagbantaan po ako ni sir Chavez na itatapon niya po ako. Idadamay po daw niya ang nanay ko." Umiiyak kong pahayag, nag flashback sa akin lahat-lahat.

Flashback 1 year ago

"Ms. Zamonte, alam mo bang napapabayaan mo na ang pag-aaral mo?" tanong sa akin ni sir Chavez.

"Pasensya na po sir pero kailangan lang po talaga ako ng nanay ko kaya hindi na ako nakakapasok sa mga klase ko." Nakayuko kong sagot.

"Well wala na pala akong magagawa dahil ikaw pala ang pumili nito." Hindi ko alam kung bakit nakangisi si sir Chavez ngayon.

"Sasabihin ko ba sa ibang mga guro mo na ibagsak ka nalang?"

"Sir Chavez maawa naman po kayo, kailangan ko pong maka tapos ng high school."Nagmamakaawa kong sagot.

"Talaga? Pwede naman nating pag-usapan iyan."

Napaatras ako, iba ang tingin ni sir. Nagpalinga-linga ako, baka sakaling may taong nandito kaso opisina pala ito ni sir Chavez at walang pwedeng pumasok kung walang pahintulot niya.

"Anong ibig mo pong sabihin sir?" Kinakabahan kong tanong.

"Alam mo kasi, kailangan ko ng bagong alam mo na hahahahahha. So payag ka?" Mala demonyo niyang sabi.

"Hindi ko po maintindihan sir." Pero alam ko na, ayaw ko lang talagang maintindihan.

"Mauuna na po ako sir." Paalam ko.

"Huwag na huwag kang tatalikod Ms. Zamonte."Tumayo sya at lumapit sa akin.

Hinablot niya ang panga ko.

"Anong akala mo? Palalayain kita kahit alam mo na ang gawain ko?" Binitawan niya ako at umupo sa malapit na upuan. "Gusto kong mahinahon lang itong pag-uusap natin ms.Zamonte pero ayoko ng mga taong pinipilit ko pa."

"S-sir."

"Alam mo ang kaya kong gawin, huwag na huwag kang magtangkang tatakas dahil kaya kitang ipatapon, kayang kaya kong durugin ang nanay mo."

Hindi ko namalayang nanginginig na pala ako. Anong nagawa ko at nararanasan ko ito?

"Kaya kong pumatay ms.Zamonte." Nakangising sabi nya sa akin, sumeryoso sya.

"Gusto mong subukan ko?"

End of Flashback

"Sir pwede po bang ako nalang ang sasagot sa mga tanong niyo? Nagiging sensitive po kasi siya kapag ikweni-kwento niya." Napatingin ako kay Mitch. Bakit ang bait niya? Tumango naman ang mga nag-iinterview sa akin na parang naiintindihan nila si Mitch.

"Nagsumbong ba siya?" Tanong nila.

"Opo sir, kaso dahil wala siyang ibedinsya, wala pong naniwala sa kaniya." Sagot ni Mitch

"Base sa sinabi ni Venice kanina, mga 1 year na palang ginagawa iyon ng guro niya at nagsumbong naman sya, kaso walang ibedinsya." Tumingin siya sa amin at nagpatuloy sa pagsasalita. "So ngayon ba may ibedinsya na kayo?"

"Opo, narito po sa cellphone ni Sir Chavez ang mga kahalayan niya, nagpapatunay na totoo ang mga sinasabi namin." Binigay ni Mitch ang cellphone at tinanggap naman iyon ng mga interviewer. Tinignan nila ang laman ng cellphone. Maya-maya ay nag-iba ang templa ng kanilang mga mukha.

"Kailangan pong maparusahan si sir Chavez dahil marami na siyang nabiktima, hindi lang si Venice." Pumikit ako at nagdasal na sana matupad na ang dati ko pang hinihiling.

"Huwag kayong mag-alala, ipro-proseso naming ang kasong ito at nangangako kami sa inyo na ipakukulong namin ang gurong iyon." Mas lalo akong napaiyak sa narinig ko. Niyakap naman ako ni Mitch.

"Narinig mo iyon Vinece? Huwag kang mag-alala hindi kita iiwan ano man ang mangyari." May humaplos sa puso ko. Salamat sa Diyos at dumating si Mitch sa buhay ko.

"Saa-lamat sa inyo." God, noon hindi ako naniniwala sa inyo. Ngayon pinatunayan niyo na nandiyan talaga kayo.

"Hindi na muna kayo papasok sa paaralan dahil siguradong hinahanap kayo ng gurong iyon. Dito na muna kayo hanggang maipakulong naming ang gurong iyon." Ngumiti ang lalaki.

"Ako nga pala si Richard Garzon at ito namang kasama ko ay si misis ko este si si Mrs. Pianna Garzon."

"Kami ang in charge sa mga ganitong case at nasasabi kong bilib ako sa inyo." Nakangiting sabi ni Mrs. Garzon.

"Bakit po Mrs. Garzon?" Nagtatakang tanong ni Mitch.

"Sa lahat ng pumunta dito para magsumbong sa amin, kayo pa lang ang pumunta dito ng walang kasamang mga magulang. At bilid na ako sa tapang at paniniwala ninyong dalawa."

"Kaya huwag kayong mag-alala because Justice will came into our lives." Napangiti ako sa sinabi ni Mr. Garzon. Ngayon ko lang na appreciate ang buhay.

"Marami pong salamat Mr. and Mrs. Garzon."

Sabay naming pasalamat ni Mitch.

The Story Of Us✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon