I don't know how many people rushed to me. Basta ang alam ko pilit nila akong pinapakalma sa pag-iyak at pinapabalik sa paghiga. I keep on brushing them away and shouting at them.
They tried making me wear that oxygen shit again pero padabog ko iyon kinuha at binato sa kung saan.
"Liana, you have to calm down." Bigla akong natigilan nang marinig ang boses na yon. Kilalang kilala ko yung boses na yon and I hate that voice. Ang huling boses na narinig ko bago ako mamatay at ang unang boses na makikilala ko pagka-gising ko? Is the universe shitting me? I was seething with bitterness and rage as I jumped from the bed to stand and attack him.
"Tangina mo!"
Iilang sigaw ng gulat ang pumalibot sa paligid. Bago ko pa siya malapitan ay sapilitan na akong inilayo sakanya. I was so close on hurting him! Patuloy ang pagmura ko sakanya sa matinding galit. "How dare you! Patayin mo nalang ako!"
Nagwawala na ako sa loob ng kwarto na iyon.. Sapilitan nila akong hiniga sa kama hanggang sa nakaramdam ako ng panghihina at antok. Pero hindi nito pinababa ang galit ko, "Patayin niyo nalang ako.."
Gamit ang natitirang lakas, hinila ko ang buhok ng kung sino ang nasa gilid ko, "Anong ginawa niyo...s-sakin? Pa..tayin niyo..nalang ak..o."
The last scene I saw is the eyes of the guy I grabbed...
I don't know how many hours passed.. I woke up a mess. I am back to screaming, but this time, I can't sit or stand. They chained me on the bed!
"Argh!!" Inis na sigaw ko sa hangin. I tried using my strength to move my hands but a cloth chaining my hand and the steel sides of the bed restricts me from doing so.
I was expecting a lot of people to come in once the alarm starts blaring, but I was wrong. A guy in a protective gear usually used in clinics and hospital went inside the room.
"Pakawalan mo ko." Hindi siya sumagot. Sumama ang tingin ko sakanya.
"Sabing pakawalan mo ako." He checked my vitals. He wrote something in his paper pad.
Iginalaw ko ng iginalaw ang katawan sa kama nang hindi ako nakakuha ng kahit anong reaction. Pilit kong kumakawala sa nakatali saakin pero hindi talaga kaya. Nakaramdam ako ng sakit sa iba't ibang parte ng aking katawan. Sumakit ang aking tyan, binti, balikat at sa bandang parte sa tabi ng puso.
Mabilis na dumalo saakin ang attending staff.. or nurse.. He doesn't look like a nurse.
"Wag kang gumalaw. Di pa magaling ang mga sugat mo." Sabi niya. Padabog kong ihiniga ang ulo ko sa unan at malalim na huminga. Ang sakit.. ang sakit.
Kinontrol ko ang paghinga ko sa sobrang sakit. "Anong ginawa niyo saakin?" hinihingal kong tanong pero hindi ako pinansin.
"Tsk! Ang kulit mo kasi. Wala na kaming Morphine. Bilang lang ang stocks namin, tapos inubos mo pa dahil sa kakulitan mo." Pagalit niya saakin. This guy sounds like my age. Umirap naman ako.
I can't think straight because of pain. Umungol ako sa sakit at namasa ang mga mata ko.
"Osiya, tiisin mo muna. Wag ka makulit, okay?" Naghalungkat siya sa mga cabinet na nasa kwarto, naghahanap ng kung ano.
"Pwede kaya paracetamol? Tylenol?" Tanong niya. This guy... is definitely not a nurse. "Luh, di ko alam. Sige mag paracetamol ka nalang."
"Hindi ka nurse?" nahihirapang tanong ko sakanya.
"Walang nurse dito. Mga mahihilig lang mag-aral ng medisina." Corden? Walang nurse? Imposible!
Unless... I'm not in Corden City.
BINABASA MO ANG
The Fire Ignites
FantasyCorden City has their prodigy in the making named Liana Julianne Andrada. Liana has it all, brains, beauty, fame, and money. Now that her best friend, Cienna was killed in Corden City because of a plague, she knew she's next. Can she trust a strange...