13| Talk

11 2 0
                                    

Rico and I became close friends after that incident. Pero sa kanyang personality, pakiramdam ko ay marami talaga siyang kaibigan. Patuloy parin ang pagbisita niya sa kwarto ko. My wounds are healing well and fast. Pati si Rico ay nagugulat sa kung gano ako kabilis makarecover, lalo na't apat na bala ang natamo ko.

My four bullet wounds are healing fast, but not the one in my finger.. Napabaling ako sa aking daliri at hinaplos ang sugat. It's small, pero ramdam iyon pag hinawakan. Hindi masakit pero parang hindi nagaling.

Weird.

"Huh? May sugat ka pala dyan?" Napatingin din si Rico sa daliri ko. Sabay kaming napatingin don. "San to galing? Dito lang?" Hindi ko masagot ang tanong. I wonder if I should tell him.

"Maliit lang naman. Malayo sa bituka. Masakit ba?" tanong niya ulit. Binawi ko na ang kamay ko at umiwas na lamang ng tingin, "Hindi naman. Gagaling din to." Sabay hawak ko sa kamay ko.

Kumunot ang noo niya saakin at tinitigan pa ako saglit bago marahang tumango.

Umubo ubo pa sia ng OA. Kumunot naman noo ko sakanya. Umubo pa siya ng kaunti bago hinila ang upuan na palagi niang inuupuan at nilapit ito sa kama ko.

"Wag ka magagalit ha?" Sinamaan ko na agad sia ng tingin.. "Sabing wag ka magagalit eh! Wala pa nga." Natawa naman ako. I was just kidding him.

"Hmm."

"So, ayaw naman kita pangunahan, pero kalian mo kakausapin si Dathan?" tinignan ni Rico ang reaction ko. Natigilan naman ako.

"Di naman kagalit galit ang tanong mo." tanging sabi ko.

I busied my hands with a pillow. I look outside the window as I think. To be honest, I really want to talk to him.. I've been thinking a lot about the bullet he took for me.

Paulit ulit rin ang alaala ko sa huli kong trato sakanya at yung huli ko pang kita sakanya bago iyon.

"Di naman sa minamadali kita ha? Pero... kelan nga?" pangungulit niya. Yung unan na hawak ko ay hinagis ko sa kanya na nasambot naman niya nang natatawa.

"To talaga! Sarap mong.." nung bumaling ako sakanya, mukha siang nanggigigil habang ginagalaw galaw yung dalawa niyang daliri sa banda ko na parang may pinipisil. "ibalibag." Tas binalibag niya yung unan.

Tawang tawa naman siya pagkatapos non. Napangiti na rin ako sa kakulitan niya. Umiling ako at mas lalo siyang pinagmasdan.

Tumingin ako sa orasan. Mag-aalas dos na. Napatingin na rin siya doon, kaya pinulot narin niya yung unan at binato ito sakin, "Alis na ako. Balik ulit ako bukas."

That afternoon, I was itching to go out of the room.. Hindi na ako itinatali pabalik ni Rico sa kadahilanang mukhang alam naman niya na hindi ako lalabas sa kwarto na iyon.

I'm scared of what's out there.. or maybe, I'm not yet ready.

Di ko talaga alam. Ang gulo gulo. Para akong nasa hibernation period pa. Di ko pa talaga alam gagawin ko. For the first time ever, di ko alam gagawin ko.

Kusang lumandas ang isip ko sa librong kinasanayan kong sundin. Napapikit ako at umiling.

Tumayo ako para iiwas ang isip sa mga kumakatok na alaala at mga nakasanayan. Sa tabi ng bintana ay ang hallway na tahimik.

Bihira lang ang mga tao sa lugar na ito. Pero may mga dumadaan naman kahit paano paminsan-minsan. Minsan may mga sisilip, tas tatakbo.

Pero ang di ko inaasahan ngayong hapon, si Rico. Dalawang oras pagkatapos niya umalis sa kwarto ko, nakita ko ulit siya. Si Rico akay-akay ng isang matandang lalaki, ngumingiwi habang paika-ika yung lakad at duguan ang mukha.

The Fire IgnitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon