The bright sun peaking at my window made my eyes open. I grunted and pulled my comforter to cover my head.
What time is it?
"Liana! Gising na!" Ilang kalabog ng paa ang narinig ko sa labas hudyat na may paakyat sa second floor. There's only one person who have that kind of heavy steps. I grunted more behind my comforter.
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Kaluskos ang narinig ko sa aking kwarto. At iilang pagbukas ng cabinet o tukador.
"Nasan na yung pinahiram ko sayong libro last week?" Ibinaba ko ang comforter ko para tignan si Cienna. Bigla akong natigilan.
For a moment, I was confused. Nanatili akong nakatingin kay Cienna, wondering if I'm dreaming again.
"Why are you here?" Napabalikwas ako ng bangon at hinawakan ang mukha, buhok, braso. It feels real. I'm alive?
"Duh? Saan ba ako dapat?" Nagtataka niyang tanong saakin. "So? Binasa mo ba yung libro?"
Am I dead?
Napakamot ako sa ulo ko, still confused. "Andito sa cabinet ng side table."
Lumapit sia sa kama at binuksan ang cabinet ng side table ko. She saw the book and flipped the pages. Umirap siya sa hangin at binalingan ako. "You didn't read it!" Padabog siyang umupo sa kama.
Napatingin ako sa lubog sa kama sa pwestong inuupuan niya. Binato niya saakin yung libro at tumama iyon sa mukha ko.
"Aray!" Napahawak ako sa noo ko. It hurts.. magkakabukol pa yata.
"Sabi sayo basahin mo yan at nakakakilig yan! Pag di mo binasa yan.." pagbabanta niya.
It was all just a nightmare! Boy, that was a very detailed, long, and scary nightmare.. Nakangiti na ako ngayon. Pinuno ng ginhawa ang aking sistema. I can't believe I died in my dream. It was a really bad one though, but I'm glad everything is normal.
Natawa ako habang kaharap si Cienna.. I jumped into my knees and hugged Cienna. She's alive! I can't explain my joy as I hugged her tighter. She hugged me back, "Anyare sayo? Weird mo! Need mo na ng jowa."
Mas lalo akong natawa.
Inabot niya muli yung libro, "Huy basahin mo to ha? Ang gwapo gwapo ng character ni Conrad dito..." nagsimula na siyang magkwento at nakangiti akong nakinig..
Everything went back to normal.
The days went by and I don't think I've ever been happier. Cienna and I are bonding a lot more than usual these days. I feel like I'm forgetting something. Something important, something part of my whole being.
"Bilisan mo! Pipila pa tayo doon." Bungad saakin ni Cienna pagkabukas ng pintuan ng bahay namin. Dire-diretso ang lakad niya papunta sa kusina. "Hi lola." Bati niya kay lola na nanonood ng tv sa sala.
"Enjoy kayo mga apo."
Pupunta kaming concert sa The Lost Boys ngayon, our favourite band.
When we arrived in the arena, di ko ineexpect na maraming tao parin pala ang sumusuporta sakanila. I guess, they're really famous huh?
"Napakabagal mo kasi! Ang tagal tuloy natin pipila." Sabi saakin ni Cienna pero nakangiti niyang inikot ang paningin sa venue.
"Oh my gosh! May mga artista rin. Sa tingin mo, sa VIP section rin sila? May backstage pass sila siguro no?" Binalingan ko ang banda kung saan siya nakatingin. Tuloy tuloy ang pasok nito sa entrance, ni hindi na kailangan pumila. May iilan-ilan din nakapuslit na magpapicture.
BINABASA MO ANG
The Fire Ignites
FantasyCorden City has their prodigy in the making named Liana Julianne Andrada. Liana has it all, brains, beauty, fame, and money. Now that her best friend, Cienna was killed in Corden City because of a plague, she knew she's next. Can she trust a strange...