"Pare", kuha ni Ticoy sa kanyang pansin.Kasalukuyan silang nakatambay sa gitna ng runway sa hindi pa natatapos na airport sa Central Mindanao."Nakita mo ba yung bagong chics?Bago yata sa tropa natin.Pinsan daw ni Tyron"
"Tropa,tapos chics?Baka naman tomboy yan", sagot niya.
"Ang ganda namang tomboy yun", natatawang sabi nito."At ang lupet ng motor pre' naka Suzuki Hayabusa."
"Tigilan mo nga ako Ticoy, imagination mo lang yan.Magandang babae tapos naka Suzuki Hayabusa?"
"Naku Nico,pag eto nakita mo.Baka aayawan mo na ang pagiging single."
"Baliw,masaya na ako sa buhay ko."
"Saan?Kapiling ang mga koleksyon mong motor?"
"Tumahimik ka nga,may paparating",
May naka motor na papunta sa direksyon nila.Malayo pa lang ay agaw pansin na ang Suzuki Hayabusa.
Bahagya siyang siniko ng kasama."Sabi sayo e."
Dalawang motor ang paparating at isa don si Tyron.Ito siguro ang tinutukoy ni Ticoy kanina lang.Pawang naka helmet kasi ang dalawa kaya hindi kita kung sino.Maliban kay Tyron na alam na niya ang motor nitong ginagamit.Isang Suzuki GSX 750.
Pareho silang nakasandig sa kani kanilang motorsiklo habang hinintay ang dalawa.Tumigil sa tapat nila ang mga ito at unang nagtanggal nang helmet si Tyron kasunod ang kasama nito.
Saglit siyang napanganga sa babaeng kasama nito ngunit agad ding sinaway ang sarili.Sigurado siyang galing sa Maynila ang babae dahil sa ayos ng kilay at kulay ng buhok nito.
"Mga pre',kumusta?" Bati ni Tyron sa kanila.Ang babaeng kasama nito ay nakangiti lang na nakatingin sa kanila.
"Si Colette pala pinsan ko,Colette si Ticoy at si Nico Adrian mga kaibigan ko", pakilala agad nito sa kasama."Hello sa inyo", nakangiting bati nito."Ticoy ba talaga pangalan mo?"
Nakangiting tanong nito sa kanyang katabi.Napakamot naman ng batok si Ticoy dahil sa sinabi ng babae.Hindi naman nakaka offend ang tanong nito dahil napaka friendly ng ngiti nito.
"Palayaw ko lang yan,Miss Colette.Miss ka pa ba?" ganting biro din ng isa.
Humalakhak ang babae."Naghahanap pa lang ako nang mapapangasawa Ticoy."
Napatawa na rin siya sa biruan ng dalawa."Pero Trix talaga totoo kong pangalan Colette,ito kasing si Tyron hindi inaaayos ang pagpapakilala sa akin".
"Sinisi mo pa ako",sagot ni Tyron."Bakit,maayos ka ba?"
"Grabe basag agad, pero Colette single ka pa ba?"
"Bakit manliligaw ka ba?",natatawang sabi ng dalaga.
Malakas na napatawa si Tyron at si Ticoy sa banat ng dalaga.Nakagaanan agad nito ng loob nang kaibigan dahil sa mga banat nito.
Inabutan na sila ng takip silim doon at hindi man lang sila nakaramdam nang pagkainip dahil sa presensiya ng dalaga.Madali itong kausap at nakakahawa ang mga biro nito.Nakakabilib din ang mga positibong pananaw nito sa buhay.
Ah,marahil hindi pa nakaranas ng pagkabigo ang dalaga.Dahil ang taong nakaranas na ng sakit, nagiging iba ang pananaw sa buhay at hirap nang magtiwala sa kanino man. Lalo pa kung dahil sa pag ibig.Lihim siyang bumuntung hininga at pinigilan ang isip na bumalik tanaw sa nakaraan.Okay na siya,hindi na dapat niya iisipin pa ang lahat nang nangyari.
"Ba't ang tahimik mo? Hindi ka rin masyadong ngumingiti", napalingon siya sa dalagang lumapit sa kinaroroonan niya.Ang dalawa nilang kasama ay kanya kanya ding pinagkakaabalahan.
"Ganyan ba talaga kayong mga taga-Maynila?Napaka straight forward?" wala sa loob na natanong niya.Gusto niya sanang bawiin ang sinabi dahil baka maoffend ang dalaga.Ngunit iba ang naging sagot nito.
"taga-Maynila lang?Bakit yung kapitbahay nila Tyron na hindi naman taga-Maynila e napaka straight forward din magsalita."
"Bakit anong sinabi?"
"Makiri daw ako dahil taga-Maynila ako".
"Makiri?", kunot-noong tanong niya.Anong salita yun.
"Makiri like malandi or flirt in english,pwede ring pokpok para clear".
"Bakit ka naman nasabihan nang ganon?"takang tanong niya."Tumili kasi ako nang malakas."
Pinukol niya ito ng nagtatanong na tingin."Eh kasi yung palaka ,nasa halamanan ni Tita Agnes.Nagulat ako kaya ako napatili."
"At sinabihan ka kaagad ng ganon?Okay lang yun sayo?"
"Anong magagawa ko,kung dito sa probinsya ang pagtili ay gawain ng makiring babae?Bakit ako magagalit?Hindi naman niya ako kilala."
"Ganon ba yun?Hindi mo man lang ba ipinagtanggol ang sarili mo para ma tuwid ang tingin niya sayo?"
"Hindi na,para ano pa.Hindi naman kasi importante sa akin ang sasabihin ng ibang tao",para balewala lang na sabi nito.Pag sa iba nangyari ang ganon tiyak na nakapost na agad sa facebook at twitter.
"At saka naniniwala akong may magandang dahilan kung bakit minsan may mga bagay na hindi magandang nangyayari sa atin."
"Tulad nang?"
"Nakilala kita", nakangiting sagot niya.
"Feeling close ka,anong konek dun sa nangyari sayo?" Salubong ang kilay na sabi niya sa babae.
Tumunog agad ang warning bell sa kanyang isip.Pa fall ang babae,tiyak niya.At delikado siya."Grabe to,binibiro ka lang.Mahal ba talaga ang ngiti mo?"
"Ano ngang konek?",tanong niya ulit.
"Uyyy curious,interesadong malaman", nanunuksong sabi nito.
"Ngayon alam ko na kung bakit Colette ang pangalan mo.Para kang bata", seryosong sabi niya.Kahit kating kati na ang bibig niyang ngumiti ay tiniis niya.Hindi niya kayang ipakita na natutuwa siya sa inasal nito."Ano ba kasing ginagawa mo dito sa probinsya?Nagrebelde ka ba tapos itinakwil ka nang mga magulang mo?"
"Grabe ka,ang judgemental mo.Kaya ka nagmumukhang matanda dahil napakaseryoso mo sa buhay.Eh sa pagkakaalam ko wala ka pang asawa."
"Ako matanda?Bente otso pa lang ako.At wala akong balak mag asawa."
"Sayang naman ang lahi mo", mahinang sabi nito ngunit umabot pa rin sa kanyang pandinig.
'"Anong sabi mo?"
"Wala!"
"Wala? May sinasabi ka e", pigil ang ngiting tiningnan niya ito.
"Alam mo,hindi naman masama na ilabas mo yang ngiti mo.Kanina mo pa yan pinipigilan e."
Iniwas niya agad ang tingin at ibinaling sa kabila ang atensyon.Makulit nga ang babae, parang wala lang dito ang pagsusungit niya.
"Uy kayong dalawa",tawag ni Ticoy sa kanila."Uuwi na tayo.O ano Colette,napangiti mo ba itong kaibigan kong laging mukhang mahal na araw?"
"Hindi nga e,pinaglihi yata sa sama ng loob",pabirong sabi ng babae.
Balewalang tinalikuran niya ang mga ito at umangkas sa kanyang motorsiklo.
"Colette,pasubok naman nang alaga mo bukas?",ani Ticoy.
"Gusto mo ngayon na,palit tayo.Ty,okay lang ba?",baling nito sa pinsan.Nagthumbs up lang ang lalaki bilang sagot.
"Yan ang gusto ko,madaling kausap",ani Ticoy.Saka nagpalitan nang susi ang dalawa.Siya naman walang lingon likod na pinaharurot niya ang kanyang motorsiklo.
Ewan ba niya,nainis siya sa ngitian at biruan nang dalawa.Parang wala itong pinagkaiba sa ibang babae.
Tsk,ano bang pakialam niya.Hindi naman niya ito gusto.Oo maganda ito pero hindi niya gusto ang pagiging palangiti nito kahit kanino.
Nakakainis ang mga mapanuksong ngiti nito.Pa fall!Dapat iniiwasan ang mga katulad nito
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN
RomanceNasaktan si Nico Adrian ng labis sa una niyang pag-ibig.Kaya nagkalamat ang kanyang tiwala sa mga kauri ni Eva.Ngunit nakilala niya si Colette.Na hindi lang yata pangalan ang makulit ngunit ang pagkatao nito.Nakakahawa ang pagiging masiyahin nito at...