Nasaktan si Nico Adrian ng labis sa una niyang pag-ibig.Kaya nagkalamat ang kanyang tiwala sa mga kauri ni Eva.Ngunit nakilala niya si Colette.Na hindi lang yata pangalan ang makulit ngunit ang pagkatao nito.Nakakahawa ang pagiging masiyahin nito at...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"
Grabe ka Collette,hindi ka na naawa sa bata", sita sa kanya ni Marlow nang palabas na sila galing sa clinic ng pediatrician ni Nicollette. Karga nito ang kanyang anak. "Dalawang buwan pa lang siya pinatusukan mo na ng dalawa sa hita?"
"Hey, anong magagawa ko. Iyon ang sabi ni Doc Ellicille?",tukoy niya sa Pinay ding Pediatrician.
"Kahit na, pwede namang hindi ka pumayag!",inis nitong sabi. Saka niyuko ang kanyang anak at kinausap. "Kawawa na naman mamaya baby namin,lalagnatin na naman. Sumbong natin yang nanay mo kay mamita mamaya ha?" Tinutukoy nito ang ina.
Napairap na lang siya sa hangin. Diyata't siya pa ang naging kontrabida sa sarili niyang anak? Ayaw naman sana niyang pagsabayin ang dalawang bakuna pero iginiit ng doctora na isang bakuna lang naman ang pwedeng lagnatin ito. Nakalimutan na niya kung anong bakuna ang sinabi nito dahil kabado din siya dahil tutusukan na naman ito. Ni hindi nga niya sinulyapan nang tusukan na ito kanina.
"Deretso na ba tayo sa bahay o may bibilhin ka pa?", Tanong ng kanyang kasama.
"Deretso na muna tayo para malagyan ng hot compress yang binti niya", aniya saka inilapit ang mukha sa anak para halikan ito sa noo.
"Diba dapat,ilipat mo na siya sa bottle feed?" Pagkuway sabi nito habang nag aabang sila ng taxi na masakyan pauwi.
"Ano ka ba, mas healthy siya sa gatas galing sa akin. At saka,hindi pa nga siya nag- aanim na buwan. Saka na lang kapag babalik na ako sa trabaho", paliwanag niya rito.
"Nakaka-produce paba ng gatas yang dede mo? Sa liit niyan?"
"Bastos ka talaga kahit kailan. Ayan naman ang ebidensya oh, na may gatas to kahit papano",sabay turo sa anak niya. Napapitlag naman si Nicollette dahil sa pagtaas ng kanyang boses. Agad niyang inabot ang binti nito at marahang hinaplos.
"Wag ka kasing magtaas ng boses",inis na sabi nito saka isinayaw-sayaw ang kanyang anak. Natutuwa siyang tingnan ito kapag alagaan nito si Nicollette dahil daig pa siya nito. Kapag wala itong trabaho ito na ang nagpeprisintang mag- alaga. Paminsan-minsan din silang sinisilip ni Tita Malou. Minsan ipagluto siya nito at dinadalhan ng gulay. Wala siyang masabi sa kabaitan ng mga ito sa kanya.
Naalala niya ang mga magulang. Hanggang kailan niya ba ililihim ang kanyang sitwasyon? Hanggang lumaki ang kanyang anak? Alam niyang hindi iyon pwede. Kahit na kinukumbinse siya lagi ni Marlow ay nawawalan siya ng lakas ng loob. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya naduwag.
"Oh ayan na,parahin mo na yan", tukoy nito sa taksing paparating.
_________
Kasalukuyan niyang pinapatulog ang ang anak sa crib nito ng tumawag ang kanyang ina. Nakiusap muna siya kay Marlow na tingnan muna si Nicollette dahil hindi pa ito nahimbing ng tulog. Tumungo siya sa kusina para hindi magising ang anak sa kanyang boses.