Chapter 2

623 24 1
                                    


"Huy,Ticoy...!"tawag ni Colette sa lalaki.Kasalukuyan silang nasa bahay ng pinsan at nasa garahe sila.Kinukumpuni ni Tyron ang motorsiklo nito.

"Bakit?"

"Bakit hindi ko na nakikita yung isa niyong kaibigan?"

"Sino?"

"Si Nico.Hindi na siya sumasama sa runway pag pumupunta tayo don."

Dalawang linggo na silang pabalik balik don ngunit hindi niya man lang nasilayan ang anino nito.

"Bakit mo siya hinahanap eh nandito naman ako?"
Basag trip talaga ang mokong.Kaya magkasundo sila sa biruan dahil ang galing din nito mambasag minsan.

"Tanga,bakit pa kita hahanapin kung nandito ka rin naman?",ganti niya.
"May girlfriend ba yun kaya walang time sa bonding ninyo?"

Natawa ng malakas ang lalaki dahil sa tanong niya.

Si Tyron  ang sumagot sa tanong niya."Maraming girlfriend yun,sina Harley Davidson, Super Hawk,Katana at si Varadero."

Napanganga siya.Seryoso?Kaya pala ang sungit ng lalaki,bitter siguro.Motorsiklo ang kaulayaw nito.

"Baka naman gwapo din ang gusto?", walang prenong sabi niya.

"Hindi ako bakla!",bigla siyang napalingon sa nagsalita.Patay!Matiim itong nakatitig sa kanya habang papalapit sa kinatatayuan niya."Iniisip mong bakla ako?"

Bigla siyang natahimik.Kailan ba siya nawalan ng irarason?Bakit kasi ang gwapo nito ngayon?Mas lalo yata itong gumwapo ngayon kesa nung huli niya itong nakita.Kung hindi pa ito tumikhim ay hindi niya maiiaalis ang titig dito.

"May sinabi ba ako?",saka matamis itong nginitian.Iisipin na nitong nagpapacute siya pero hindi niya kasi alam kung paano lusutan ang nasambit ng matabil niyang dila.

Umangat lang ang gilid ng bibig nito at saka siya nilampasan.Napasunod na lang ang tingin niya sa likod nito.Dumiretso ito sa pwesto ng pinsan niya at tinulungan ang huli sa pagkumpuni ng motor nito.

Si Ticoy naman hindi na rin nagtagal at nagpaalam na mauuna na.Silang tatlo na lang ang nasa garahe.Dahil naiinip siya at wala siyang makausap nag offer siyang igawa ng meryenda ang dalawa.

Habang nasa kusina at gumagawa ng inumin ng mga ito,bigla siyang napaisip.Parang mailap sa kanya si Nico.Bakit kaya?Nakikipagkaibigan lang naman siya sa mga ito katulad ni Ticoy na parang tropa ang turing sa kanya.Itong si Nico parang ang mahal ng ngiti pagdating sa kanya.Sigurado siya,na mas gwapo ang lalaki pag nakangiti.Dahil sa ganda ng hugis ng bibig nito.Naalala niya tuloy ang bibig ni Bright,isang Thai actor.Ganon na ganon ang hugis ng labi ng lalaki.

Kuu self,wag muna!Pambihira ka!  Sita niya agad sa sarili.
Saka lumabas at hinatid ang ginawang juice and sandwich sa dalawa.

"Magmeryenda muna kayo",sabi niya sa dalawa.Tumigil naman agad si Ronron sa ginagawa at agad na naghugas nang kamay.Saka sumunod dito si Nico.Nagtataka siya sa inasal ng lalaki.Lagi itong seryoso.Pero kapag kausap nito ang mga kaibigan nito ay nagagawa  nitong makipag biruan.
Iniwan muna sila saglit ni Ronron at may kinuha lang ito sa loob.Kaya sila na lang dalawa ng lalaki ang naiwan doon.Malaya niya itong napagmasdan habang ngumunguya.

"May gayuma yan",bigla niyang sabi na binawi rin niya kaagad."Joke lang".
Dahil nagsalubong agad ang kilay nito.
Wala itong imik habang patuloy na kumakain.

"Bakit ang seryoso mo pag ako ang kaharap mo?"

Nanatili itong walang imik.Patuloy lang sa pag-nguya.
"May galit ka ba sa magagandang dilag na kagaya ko?"

UNSPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon