Ilang araw nang pabalik balik si Nico sa bahay nila Tita Agnes ngunit hindi ito nagawang makalapit sa kanya dahil laging nandoon si Tyron na nakaharang. Ipinagliban talaga nito ang honeymoon sana nito at ng asawa sa Maldives dahil wala daw itong tiwala kay Nico.
Isang gabi habang naghahapunan sila ay nagulantang sila sa malakas na sigaw mula sa labas. Sabay-sabay silang sumilip. Nang makitang si Nico iyon at nagsisigaw at mukhang lasing ay agad niyang hinila palayo ang anak mula sa bintana. Pinakuha niya ito sa kanyang Tita Agnes. Wala kasi ang kanyang magulang dahil mas nauna na itong bumalik ng Maynila kasama si Marlow. Pinakiusapan lang sila ni Tita Agnes na manatili muna.
"Collette!" Sigaw mula sa labas. Sabay-sabay silang lumabas na apat kasama ang tatay ni Tyron. Tanging ang naiwan sa loob ay ang anak niya at si Tita Agnes. "Collette, nakikiusap ako! Huwag mo namang ipagkait sa akin ang anak ko!"
Hahakbang sana siya palabas ng gate ngunit agad siyang pinigilan ni Tyron. "Hindi ka lalapit sa kanya,Collette!" Matigas na wika nito.
"Hindi ka talaga titigil ha,Nico?""Bakit pare?",ganting sigaw ni Nico. "Bakit ka ganyan? Nung nakiusap kang tulungan kita kay Loiza hindi naman ako tumanggi! Tinulungan kita para magkabalikan kayo!"
"Nanunumbat ka?" Sigaw rin ni Tyron. Nakakakuha na sila ng atensyon mula sa kapitbahay. Kahit anong pigil ni Loiza sa asawa ay hindi ito nakikinig.
"Oo! Nanunumbat ako! Tang*na pare, anak ko yan! Pinagkakait ninyo sa akin!"
Tingin niya hindi ito gaanong lasing dahil maayos naman ang pagsasalita nito. Marahil ay nahihirapan na ito sa nararamdaman at nagawang itulak ng alak para palabasin nito lahat ng sama ng loob.
"Ikaw Collette?" Baling nito sa kanya. Napapitlag siya sa kinatatayuan. "Ano bang naging kasalanan ko sayo ha? Umalis ka na lang bigla ng walang pasabi? Bakit ngayon ako ang lumalabas na masama? Bakit Collette? Semilya ko lang ba talaga ang kailangan mo?Ha?""Nico!?" Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na lalabas ang mga salitang iyon mula sa bibig nito.
"Gago ka talaga Nico! Irespeto mo ang pinsan ko!" Si Tyron.
"Nics",ani Loiza. "Saka ka na lang bumalik dito kapag hindi ka lasing."
"Mas mabuti nga Hijo", sang ayon ni Tito Arman.
"Yang pinsan mo ang walang respeto sa akin Tyron! Kaharap ko mismo ang anak ko nung pinuntahan ko siya sa Thailand. Pero anong ginawa niya? Anong ginawa mo Collette? Ha?"
Nagtatanong ang tinging ipinukol sa kanya ng pinsan.
"Hindi ko na sinabi dahil.... Dahil kasama mo si Pia noon", nagawa niyang isagot."Bullshit!" Sabay hagis ng hawak nitong bote ng beer. "Napaka immature ng dahilan mo Collette."
"Hindi ka talaga titigil Nico? Sinasagad mo talaga ang pasensya ko?
Loiza,saan mo nilagay yung kuwarentay singko mo?" Sabay baling sa asawa."Bakit anong gagawin mo?" Singhal ng babae. "Hindi mo ba nakikita yung tao,lasing---- hoy Tyron saan ka pupunta?"
Bigla siyang kinabahan nang nagmamadaling pumasok ito sa loob.
"Tito...." Baling niya sa tiyuhin.
Si Loiza naman ay tarantang sinundan ang asawa."Mabuti pa sigurong kumbinsihin mo siyang umalis Hija. Hindi ko kasi masyadong maigalaw itong isang binti dahil sinusumpong na naman ako ng rayuma ko", anang lalaki.
Agad naman siyang lumabas ng gate at lumapit kay Nico.
"Saan ang anak ko Collette?" Garalgal ang boses nito. Gusto niyang mahabag sa itsura nito dahil sa walang ayos na pagkakabutones ng damit nito at ang nanlalalim na mga mata.
"Nico,saka na lang wag ngayon", pakiusap niya. Kinakabahan siya dahil naririnig din niya ang pagtatalo ng mag asawa sa loob.
"Kailan Collette? Kapag umalis ka na naman ng walang pasabi? Kahit ang anak ko na lang. Nakikiusap ako sayo....!"

BINABASA MO ANG
UNSPOKEN
Roman d'amourNasaktan si Nico Adrian ng labis sa una niyang pag-ibig.Kaya nagkalamat ang kanyang tiwala sa mga kauri ni Eva.Ngunit nakilala niya si Colette.Na hindi lang yata pangalan ang makulit ngunit ang pagkatao nito.Nakakahawa ang pagiging masiyahin nito at...