Chapter 4

582 24 1
                                    

                     

Maya't maya ang tingin niya ng oras sa kanyang cellphone.Ang usapan nila ni Nico alas nuebe nang umaga siya nito susunduin ngunit mag iisang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ito.

Naisip niya baka ginu-goodtime lang siya nang lalaki.Pero hindi naman siguro nito magagawa ang bagay na iyon dahil seryoso ito kagabi.

Hindi rin niya ito mai chat dahil hanggang ngayon hindi pa rin nito tinatanggap ang friend at message request  niya.
Hindi naman niya matanong si Tyron kasi maaga itong umalis kanina.

Napaisip siya bigla.Hindi kaya pinaasa lang siya nang lalaki dahil naiinis pa rin ito sa kanya?Umasa pa kasi siyang makipagkaibigan ito sa kanya.Akala niya okay na sila kagabi dahil maayos naman itong sumasagot sa mga tanong niya.

Dahil sa nangyari hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa kanya.Malamang alam na nang mga kaibigan nito ang nakaraan nila ni Justine.Maigi nga at hindi sila nakapang abot kanina nang pinsan dahil ayaw niyang pag usapan ang nangyari Siguradong nagkita ito at si Justine.Ayaw na niyang pakaisipin.

Malalim siyang bumuntung-hininga at nagpasyang hindi na hihintayin ang lalaking wala yatang isang salita.Bakit pa ito nagyaya kung hindi din pala sisipot?Hinayaan na lamang niya at baka may importante din itong lakad.

Pagkuway hinubad niya ang kanyang sneekers at pinatong sa sofa ang mga paa saka nagbukas ng facebook.Napangiti siya nang mag update ng status ang pinsan.Magkasama siguro ito at si Ticoy.Natigilan siya nang pindutin ang larawan.Kinusot niya pa ang kanyang mga mata dahil baka namamalikmata lang siya.Ngunit hindi,yon talaga ang nakikita niya.

Si Tyron kasama ang mga dating kaklase nito nasa isang batis sa gitna ng gubat.Nagpipicnic.Naningkit ang mga mata niya nang  makita ang lalaking hinihintay kanina pa.Ganda pa nang ngiti nang loko.

Tama nga siya nang hinala.Ginu-goodtime lang siya nito kagabi.Siya naman itong tanga,tuwang-tuwa pa dahil inaya siya.Siguro pinagtatawanan na siya nang lalaki sa mga oras na iyon.

Hindi siya galit pero naiinis siya.Ano bang kasalanan niya dito at umabot ito sa puntong ganon?Kung naiinis ito sa kanya dapat hindi na lang siya nito kinausap para hindi siya magmukhang tanga.Ito ba ang paraan nito para itaboy siya at tigilan na ang pakikipaglapit rito?

"Bakit nga ba mapilit akong makipagkaibigan sa lalaking iyon?", nasabi na lang niya.Napabuga na lang siya ng hangin at madaling tumayo para hanapin ang tiyahin.Naabutan niya itong naglalaba.

"Tita,lalabas lang ako saglit",paalam niya."Mag ikot-ikot lang ako."

"Sige,basta mag ingat ka ha.Umuwi ka bago magtanghalian.At wag kang masyadong lalayo."

"Opo,Tita.Alis na po ako"

"Sige,mag ingat ka",paalala nito ulit.

"Opo", nakangiting sagot niya.Saka tumalikod na at tinungo ang kwarto para magpalit nang komportableng damit at kinuha ang kanyang helmet.

----------

NICO's POV

Hindi alam ni Nico kung sasabihin ba niya kay Tyron ang naging usapan nila nang pinsan nito kagabi.Nakokonsensya siya at hindi niya ito nasipot.Hindi naman niya sinasadya.Paalis na siya nang bahay nang maabutan siya nang dating mga kaklase may plano palang magpicnic ang mga ito.Gusto niya sanang tumanggi ngunit hinila na siya nang mga ito at hindi na siya binigyan pa nang pagkakataong tumanggi.Kaya wala siyang nagawa at napabuga na lang siya nang hangin.

Kakausapin na lang niya ang dalaga mamaya.Hindi naman siguro ito magagalit.

-------

Ang  planong mag-ikot ikot lang sana ay hindi nangyari. Bagkus tinalunton ng kanyang paa ang daan patungo sa runway. Pakiramdam niya kasi parang inisahan lang siya kaya bahagya siyang nakaramdam nang pagrerebelde.
Sana sinabi na lang nitong hindi siya nito gustong makasama para hindi na siya makaramdam ng embarrassment.

UNSPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon