Mariing napapikit ang mga mata ni Nico dahil sa sakit nang ulo dahil kay Marie. Kakarating lang niya sa bahay mula sa paghatid rito. Kahit ayaw ng babae,wala itong nagawa nang siya na ang nagpumilit na ihatid ito sa bahay ng mga ito sa kabilang bayan.
Hindi na pwede ang hinihiling nito.
Lalo pa at may Collette na gumugulo sa kanyang isipan."Nana Irma",,tawag niya sa katulong ng bahay. Agad namang lumapit sa kanya ang may edad na babae.
"Nakita niyo po ba kung saan ko nailagay ang cellphone ko? Ilang araw ko na hong hinahanap. Wala po ba sa bulsa ng mga pantalon ko?""Aba Hijo,hindi ko napansin. Pero wala akong nakita sa mga pantalon mo. Baka kung saan-saan mo lang naiwan",anang matandang babae.
"Hindi ho,naalala ko dinala ko pa dito sa bahay. Diba nga ho ba doon tumawag si Marie para magpasundo sa airport?"
Napaisip din ito bigla.
"Hayaan niyo na lang po. Baka makita ko rin mamaya", aniya.
"Nga pala Nana, kayo na po muna magpakain ng mga isda ko. Pagod po ako galing sa biyahe e",pakisuyo niya sa matanda.
Nasa kalagitnaan siya ng pag akyat nang mapatili ang matanda. Agad siyang napalingon.
"Bakit ho?", takang tanong niya .
Napakunot ang kanyang noo nang may kinukuha ito mula sa loob ng aquarium.Daig pa niya si flash sa bilis nang kanyang kilos pababa. Gusto niyang mapamura nang malakas dahil sa kinahinatnan ng kanyang cellphone.
"Sino sa tingin mo Hijo ang may gawa nito?"tanong ng matanda habang matamang nakatitig sa kanya. Tingin niya ilang araw na ring nandun ang kanyang cellphone kaya hindi na siya umaasang gagana pa iyon.
"Si Marie", tiim bagang niyang sagot. Saka dali-dali niyang tinungo ang pinto at nagmadaling nagmaneho papunta sa bayan para bumili ng bagong cellphone.
_________
"Nico!"
Napalingon siya sa tumawag. Si Leo,kasamahan din nila sa pagmomotor. Nasa loob siya ng isang mall,doon niya naisipang bumili. Naabutan siya nitong inaabot ng tindera sa kanya ang naturang gadget.
"Ano,yan bagong cellphone?""Oo pare", maikling sagot niya. "Sira na yung luma e."
"Ang ganda pala nung pinsan ni Tyron ano?",lihis nito ng kanilang usapan.
Agad na nagsalubong ang kanyang kilay. "Sayang lang kasi at umuwi na""Anong ibig mong sabihin?", Kinakabahang tanong niya.
"Nagkapang-abot kami kanina sa airport nang ihatid ko si ate e. Hinatid siya ni Tyron. Alam mo ba FB non' Nics?"
"Hindi! Mauna na ako sayo!" Bigla niyang paalam.
"Saglit lang Nics! Anong pangalan niya?" Habol nito sa kanya.
"Taken na yon,kaya wag mo nang alamin!"
At saka walang lingon likod na iniwan niya ito. Gusto niyang makauwi agad para makumpirma ang tinutukoy nito.
Ngunit hindi na niya kailangan pang kumpirmahin dahil pagdating niya sa bahay ay nandoon na si Tyron at Ticoy. Magkasama pala ang mga itong naghatid kay Collette sa airport.Lihim lang siyang humugot ng malalim na hininga. Ganon lang ba yon? Pagkatapos nitong ipagkaloob ang sarili sa kanya aalis na lang ito basta? At wow ha,hindi man lang nagsabi sa kanya.
[' Bakit may kayo ba? Diba nga ilang araw hindi mo nakita ang cellphone mo,pano ka nakakasiguradong hindi nga siya nagsabi?']
Lihim niyang tinuktukan ang sarili dahil sa naisip. Ngayon ang kailangan niyang gawin ay kontakin ulit ito.
"Bakit hindi ka makontak nitong nakaraang araw pare?" Sita ni Ticoy. Nasa sala sila at nagkayayaang uminom. Kasalukuyan niyang kinokontak ang numero ni Collette na sa awa ng Diyos ay memoryado niya.
Ngunit nadismaya siya nang unattended ito.

BINABASA MO ANG
UNSPOKEN
RomanceNasaktan si Nico Adrian ng labis sa una niyang pag-ibig.Kaya nagkalamat ang kanyang tiwala sa mga kauri ni Eva.Ngunit nakilala niya si Colette.Na hindi lang yata pangalan ang makulit ngunit ang pagkatao nito.Nakakahawa ang pagiging masiyahin nito at...