Warning: bedscenes ahead(slight lang naman)Pag ayaw sa ganoong scene,skip this chapter😌
Kinakabahan si Collette, ito ang unang gabi na ipinaalam ni Nico na doon matutulog ang kanilang anak. Apat na beses sa isang linggo yun ang naging usapan nila ng lalaki. Mabuti na lang at wala si Tyron at abala ito sa kakasuyo sa asawa. Kung nagkataon malaking problema na naman kapag nakialam ito.
Umaasa rin ang ina ni Nico at ang Tita Agnes niya na maaayos nila ang issue sa pagitan nila ng lalaki. Ngunit pinaintindi nya sa mga ito na hindi nila kailangang makulong sa isang relasyon na walang pagmamahal. Siguro nga ganon na lang yon, ganon na lang sila.
Isa lang ang alam niya, hindi na niya magagawang magmahal pa ng iba higit kay Nico. Kaya lang naman niya piniling lumayo dahil gusto niyang makalimot.Hindi niya kasi maiwasang masaktan sa pagiging civil nito sa kanya. Parang bumalik ang dating Nico na una niyang nakilala noon. Ayaw ngumiti sa kanya. Kahit pagkunwari man lang sana.
Asa ka pa!
Naalala niya ang mga sinabi ni Ticoy nung isang araw. Nakapang abot sila dahil hinatid nito ang motor ni Tyron na ito mismo ang nag-ayos.
Ayon dito hindi naman daw nagkabalikan si Nico at Marie. Hindi rin nito alam ang namagitan sa kanilang dalawa dahil hindi naman daw nabanggit ni Nico.
Kung ganon,kung hindi ito nakipagbalikan noon kay Marie. Bakit siya nito pinapatayan ng tawag? Kaya siya noon napasugod sa bahay ng mga ito dahil bigla-bigla out of reach na ang numero nito.
Siya nga ba ang may mali? Kung bakit sila hindi nagkausap noon?Bumuntung-hininga na lang siya. Nang kausapin niya kanina ang mga kaibigan ay wala siyang nakuhang matinong sagot. Si Alyanna at Marlow ay iisa ang suhestyon. Kailangan niyang itanong kay Nico. At ipagtapat din daw dito ang totoong nararamdaman niya.
Akitin mo bakla! Naalala niyang sabi ni Marlow.
Dahil groupcall silang tatlo,nagkanya-kanyang suhestyon ang mga ito. Ni hindi pumasok sa isip niya ang mga sinasabi ng dalawa. Nawawalan siya ng lakas ng loob.'Kasalanan mo naman kaya dapat ikaw ang magsorry!' ani Alyanna.
Nasa Hawaii ito at hindi nito nakakuha ng leave kaya hindi na nakapunta sa kasal ni Tyron . Isa rin sana ito sa mga abay.
Bumuntung-hininga siya ulit saka inabot ang malaking teddy bear ng anak saka niyakap. Maraming gumugulo sa kanyang isip at hindi niya alam kung ano ang dapat unahin.
Naguguluhan siya sa sitwasyon nila ni Nico at ng anak nila.Napatigil lang siya sa pag -iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabangon siya bigla ng makitang si Nico ang tumatawag at nagrerequest ito ng video call.
Agad niya iyong sinagot dahil alam niyang si Nicollette ang dahilan ng pagtawag nito.Agad na bumungad sa kanya ang umiiyak na anak.
"Baby bakit?" Nababahalang tanong niya. Katabi nito ang ama nito na siyang may hawak ng cellphone.
"Hinahanap ka niya",sagot ni Nico.
"Ihatid mo na lang siya dito", aniya.
"Collette alam mong ngayon ko lang siya makakatabing matulog. Ikaw na lang ang pumunta dito."
"Ano?!" Di makapaniwalang tanong niya. Mas lalong bumulahaw ng iyak ang anak dahil sa pagtaas ng kanyang boses. "Saglit lang magbibihis lang ako. Baby,tama na. Pupunta na diyan si mommy."
"Now na po?"
"Uhm, uhm",sabay tango dito."So stop crying already okay?"
"Iwan ko na lang muna siya kay mommy, susunduin na lang kita diyan. Gabi na para mag isa kang pupunta dito",ani Nico.

BINABASA MO ANG
UNSPOKEN
RomanceNasaktan si Nico Adrian ng labis sa una niyang pag-ibig.Kaya nagkalamat ang kanyang tiwala sa mga kauri ni Eva.Ngunit nakilala niya si Colette.Na hindi lang yata pangalan ang makulit ngunit ang pagkatao nito.Nakakahawa ang pagiging masiyahin nito at...