chapter 7

701 37 17
                                    

5years later....

5years later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"

"Anak, tingin sa lalakaran ha", aniya sa anak. Nasa labas na sila ng simbahan at inaayos ang mga hanay ng mga ito kasama pa ang iba pang flower girl.
Araw iyon ng kasal ng kanyang pinsan na si Tyron sa nobya nitong pulis na si Loiza.
Hindi magkandaugaga ang lahat lalo pa at nasa loob na ang groom. Bride na lang ang hinihintay.

"Tigilan mo na nga yan",sita niya kay Marlow na maya't maya ang pagkuha nito ng larawan ni Nicollette. "Naduduling na yung bata sa flash ng camera mo!"

"Hayaan mo na anak", saway ng kanyang inang si Cory. Na maya't maya din ay inaayos ang bulaklak sa buhok ng kanyang anak.

"Seryoso? Bakit feeling ko parang yung anak ko ang ikakasal? Maya't maya niyo ginagalaw yung damit at buhok niya."

Natawa na pati ang Tita Agnes niya. "Ang gand-ganda naman kasi ng apo namin"

Naipikit na lang niya ang mata ng matamaan ng flash ng camera. "Tanggalin mo kasi yang flash niyan!"

Natawa lang ang bakla at maarteng inayos ang buhok ni Nicollette.
Napapasimangot na lang ang bata dahil maya't maya rin ang halik ng mga lolo't lola nito. Napakamot na lang siya ng batok. Masyado ding agaw pansin ang kanyang anak. Hindi maitatago ang pagkagiliw sa mga nakakakita rito.

Nasa unahan na rin ang mga abay. Narinig niyang isa si Nico sa abay ngunit malabo yatang makakarating ang lalaki dahil nasa New Zealand umano ito. Mas pabor iyon sa kanya.

Siguro doon na ito nanirahan kasama ang naging asawa nito. Wala siyang naririnig na kwento sa pinsan dahil pati ito ay nawalan na rin ng balita sa lalaki.
Nitong bago lang ito nagkaron ng komunikasyon sa lalaki dahil sa pagpilit ni Tyron na maging abay ito sa kasal.
At saka wala na siyang pakialam, ilang taon na ang nakalipas. Masaya na ito,masaya na rin siya sa piling ng kanyang anak.

Napatigil lang siya sa pag-iisip ng ianunsyo ang pagdating ng bride.
Agad silang sinabihang magsipasok na sa loob.
Inayos muna niya ang buhok ng kanyang anak at binilinan itong umayos ng lakad.

Hinampas naman ni Marlow ang kanyang kamay. Hayaan na lang daw dahil nandoon naman ang mga staff na nag coordinate ng kasal.

Nang magsimula na ang paglalakad ng mga abay ay hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Nagkandahaba ang leeg niya sa pagtingin sa pinto dahil excited siyang makita si Nicollette. Nag aalala din siya dahil minsan may pagka lampa ang kanyang anak. Sinisiko siya ni Marlow ngunit pumipiksi lang siya at hindi ito pinapansin.

Nang flowers girls na ang maglalakad sa aisle ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Gusto niyang magmalaki dahil sa kacutan ng anak. Maraming napapatingin dito at napapangiti.

Nang mapatingin ito sa kanyang gawi ay hindi na siya nito hiniwalayan ng tingin. Kahit nasa tapat na ito ng mga abay ay todo lingon pa rin ito sa kanya.

UNSPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon