Chapter 6 Hard Headed

295 8 0
                                    


CHAPTER 6 Hard-Headed



((( Zhia POV’s )))


Yung kulay… yung amoy na parang gusto ko nang magsuka. Napapikit na lamang ako at parang nalantang bulaklak na napahandusay sa sahig, dahil ito na lang ang pagkakataon ko para makatakas sa panaginip na ito.

Magkunwaring nahimatay sa panaginip.

Nakita kong parang nainis yung lalaki sa nangyari sa akin.

Yuck naman, nagswimming ang buhok ko sa dugo. At pakiramdam ko talagang masusuka ako! Tipong ako yung baboy na binebenta sa palengke.

Ngunit nakonsensya lang ako dahil walang humpay niyang pinaghahampas yung lalaking walang hiya na tinuhod ako. Saka ito yung nawalan ng malay, pareho na kaming nakahiga sa sahig.

Hi! Nagkukunwari ka din ba?
Si Kuya di na makakilos.
Totoo ba din yung kanya?
O kunwari lang?

At hinagis sa paanan ko yung Golf bat…

“Kill them all.” Bigla akong nagkamalay ng marinig ko yun! As in yung bumangon ako bigla na marealize ko na may pasok ngayon at bawal malate!

At pinigilan ang binti ng lalaking demonyo, bago pa man ito makapaglakad palayo sa amin.

“Aba naman! Tigil!” Eh meron ako ngayon.

Kala ko mapapakalma ko ang lahat kung mag kunwari akong nahimatay.
Jusko, Kill them all?!

Nasa laro ba kami ng Counter Strike!
Go Pokemon? 
Zombie apocalypse?!
Mobile Legends?!


Nagsilapitan sakin ang mga bodyguard ng demonyo at bago pa ako damputin nila. Itinaas niya ang kamay niya. Hudyat na tumigil sila.

Humarap siya sa akin. At saka ako tumayo.

Duguan na yung damit ko, para akong yucks. Pero hindi eh.

Kailangan makatikim ang lalaking to. Bago pa man niya ako matitigan, ang kamay ko na kanina pang naka yukom ang sumalubong sa mukha niya. 

“Yan, nababagay yan saiyo. Sadista ka. Grabe ka!”

Kikilos na sana yung mga tauhan niya. Pero muli niyang itinaas ang kamay niya.

“Papatay ka dahil napahiya ka kanina. Para kang bata. Nakikita mo yang mga ginawa mo! Parang di ka tao! Demonyo ka!”

Nakatitig lang siya sakin habang hinihimas yung pisngi niya.

“Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo. Sadista ba din sila?! Sa tingin mo ba masaya silang makita kang ganyan! Asaan tatay mo! Asaan Nanay mo-------.” At naramdaman ko sa pisngi ang sampal na sapat na para magising ako sa panaginip na ito. Pero hindi.

Whoa! Nasampal ako?!

Lalong kumulo yung dugo ko sa inis! Bakit di man lang ako nagising?!

“Wow naman, ganyan ba ang sampal ng lalaki? Wow.” Paghahamon ko sa kanya. Kung di ito panaginip.

Sige, ibubuhos ko ang buhay ko para may matutunan ang lalaking to!

Bahala ka na Mr.President kung matagpuan mo akong patay at na-aagnas nang bangkay kapag tinapon nila ako sa ilog.

Sa naalibarbaran ako sa kayabangan ng foreigner na ito na kala mo kung sinong alien dito sa mundo na di alam ang utos na: THOU SHALL NOT KILL!

“Sa tingin mo matatakot ako! Sadista ka lang!” Tinignan lang niya ako mula ulo hangang paa.

Kaya naman isang malakas na sipa, sa gitna niya. Ngunit pinigilan ng malalakas niyang kamay ang binti ko. Ngumisi siya sakin. At sa isang galawang paikot ng binti ko, muli akong bumagsak sa sahig.

Arayyy... Ouch... Masakit na.

Sabi kasi ng Mama ko, yun lagi ang puntirya kapag lalaki ang kalaban. Itong lalaking to, napaka-aware naman.

Awww!

“Let us be alone.” Utos niya na di man lang inaalis ang titig sakin.

Nagsilabasan na nga sila pero biglang lumuhod si Kuya sa harapan ng demonyong to?

“Boss...kapatid ko po siya. Ako na lang po ang parusahan ninyo.”

“Kuya!” pahiya ka naman sa Pride ng Family natin!

Ngunit hinila na siya ng mga kasamahan niya habang patuloy na nagmamakaawa. Naiwan nga kaming dalawa.

Pssh.

Mayabang talaga ang isang to. Siya nakatayo, ako papatayo pa lang. Hmph, gusto ata nito ng away talaga.

Bakit kasi may mga taong gustong gusto manakit?!
Mga mapanakit kayo!
Dapat sa inyo dinadala sa pluto!
Pwes di ko siya uurungan!



@International_Pen

Votes and Comments are warmly accepted and welcome. Thank you so much!

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon