Chapter 2 The Cause of Trouble

484 10 7
                                    

@International_Pen

((( ZHIA POV’s )))

Then biglang may nag live patrol na broadcaster. Sa likuran kami. Kaya pa cute na din ang peg ko. Hahaha. Hmph! May problema ako! Yung ID ko nawawala.

Kaya sa likuran, pinakita ko yung Cord na walang ID. Nag sign ako sa likuran na in case makita nila, ibalik sakin. Please. I need it. Kahit di na nila ibalik yung ID ko basta yung permit lang. No Permit, No Exam, No Graduation Day. Ok na, na-advertise ko na ang nawawalang ID ko.

Sana naman respetuhin nila ang picture ko sa ID. Dahil alam niyo ang pinak-pangit na government Id? Yung Voter’s ID lang naman. Yung comelec kasi di man lang naghire ng photographer at mag-aayos ng pagmumukha ng mga mamayanan nila. Webcam pa yung ginamit na pang-picture.

Biglang nagkagulo lalo ng may sunod sunod na kulay itim na sasakyan ang nagsidatingan. Kulang pa yung may JS Prom? Nagsilabasan ang mga nakakulay itim pang mga bodyguards. At sagad na hinarang ang mga tao at taga Media. Wala silang paki-alam kung may masaktan na sa ginagawa nila. Sabagay, bakit sila nagkakagulo?  

Nagulat ako ng makita ko sa may entrance yung Presidente ng Pilipinas. Kaya ba talaga nagkakagulo ang mga taong to’ na di pa sapat ang mga pulis at militar na tumutulong na nga para lang sa darating na kung sino? Tao lang naman diba siya? Bakit napapapraning ang mga taong to? Parang hinahantay lumabas sa sasakyan kung sino man ang inaasahang bisita.

At ng bumukas ang limosine. Ay teka, artista?! May Artista ba? Napatiptoe ako na di ko nga namalayan napapatong ako ng kamay ko sa balikat ni Dra. Evenarte. Sa view ko na halos hinahanap ko ang taong gustong pagkaguluhan ng mga tao.

Isang foreigner na lalaki, matangkad at matikas ang tindig at lakad. Di ko makita ang mukha dahil tinatakpan ng mga bodyguard niyang na naka 4 line barrier. Kawawa lagi yung nasa front row syempre.

Kung sino man ang lalaking yun, ang OA ng Pilipinas para ganito ka salubungin no? Kala naman ng mga taong to, magpapaulan ka nang pera. Napabuntong hininga na lamang ako.

“Ay sorry po. Curious lang din Doktora.” At wag niyo naman sa akin ububuhos galit niyo. Peace po tayo. Kasi may pagkasensitive din si Doktora.

Biglang natahimik ang lahat ng marinig namin ang kalabog. I mean yung singhap ng mga tao na parang may maling nangyari? Lahat na lang kami di makapagsalita at ako na parang ako yung may kasalanan, napalunok na ewan. Ako ba?

Napatitig kaming lahat sa lalaking napahandusay sa sahig. Na di nga kaagad nakakilos ang mga tao dahil sa Epic Fail na nangyari. Yun na sana eh, perfect na pero, nadulas pa.

Hindi bakas sa mukha niya ang hiya, ngunit gusto nitong pumatay dahil sa nangyari. Di ba siya sanay mapahiya sa maraming tao? Yan kasi pabibo masyado. Very wrong my dear visitor. Tuso ang ang mga Pinoy. Mapride sila kaya, wag big deal sa nangyari sayo dito.

Halos nga di kami makagalaw lahat at yung Presidente, gulat na gulat kung bakit nga ba siya nadulas.

Namumula na ang pisngi ko di ko alam talaga ang rason. Siguro yung araw lang, pinapakilig ako.

Agad siyang itinayo ng tauhan niya at alalang lumapit ang Presidente. Biglang bumalik sa pagkatao ang mga tao at halos flash ng Camera rason kung bakit sumakit mata ko o sadyang takot lang talaga ako sa kulog at kidlat.

Kinakabahan ako na di ko alam. Truman a ata ito.

Pinagpapawisan na ako. Di na effective ngayon yung Ice cream na kinain ko kanina.

Mga taong 'to. sila naman ang gumagawa ng rason kung bakit nagiging demand ang isang situation or bagay. Sarap bigyan ng tig iisang upak! Dapat maging concern kami sa Nature, hindi ng dahil sa tao. Napa-cross arm na lamang ako at napailing.

“Ano ba yan. Di na ba tayo makakaalis dito Zhia?” tanong sa akin ni Dra. Evenarte.

Ngunit nanlaki ang mata ko na parang tarsier. Napasinghap ako na parang ten minutes mawawalan ng supply ng Oxygen. Nang makita ko ngang itinaas ng isang lalaki na kabilang sa tauhan nila ang ID ko!

Yun ba ang dahilan kung bakit siya nadapa?!

Oh my ghad, Shit! ID ka! Bakit ako pa ang naging dahilan ng kaguluhang to?!

Halos mahihimatay ako. Kilala ko ang School ID cord namin eh, Neon Green. Kaya pansin na pansin.

Pero ang sumiksik sa isipan ko, tungkol nga sa Permit na nakasiksik sa ID ko. Ibalik niyo sa akin Please! Ang hirap humingi ng pera sa kapatid ko! Maawa kayo sa akin!

Ngunit. Shit Zhia! Yung ID mo may nabiktima. Bisita pa ata ng bansa ninyo! Anong gagawin mo ngayon? Napakagat kuko na lamang ako.

“Ano ba yan, di ba nila alam na nadadamay nila ang ilang negosyo sa mga pa-engrandeng welcome nila dyan sa isang tao lang naman. Ano naman ngayon kung siya yung pinakamayaman sa boung mundo, bakit magbibigay ba siya ng pera sa oras na makita siya?” reklamo ni Dra.Evenarte. Oo nga naman, pero nanginginig na ang mga kamay ko. Diyos ko po, sino ba siya para manginig ang isang kagaya ko?

@International_Pen

Votes and Comments are warmly accepted and welcome. Thank you so much!

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon