Chapter 13 It Just Nightmare

226 10 2
                                    


CHAPTER 13 It Just a Nightmare



((( Zhia POV’s )))

Namalayan ko na lamang tinawid ni Leon ang distansya namin at hinuli ang mga kamay ko. Pinusasan saka magsasalita sana ulit ako…

“Shut her mouth!” Pinakain sakin ni Leon yung panyo nang di ako makapagsalita. Ang bilis ng pangyayari at nasa sala na naman kami ulit.

Inalis niya ang isang botones ng damit niya. 

Nagwala sa galit. Parang si Huk.
Tawagin ko na din ba si King Kong?

Tila naubos ko ang pasensya ng lalaking to. Nakakuha siya ng baseball bat at inisa-isa basagin yung mga furniture. Sa situation na ito, natatakot na ako. Kahit hindi ako pumikit, dumaloy na sa aking mga mata ang luha.

Ito yung situation nang may naghanap sa mga magulang ko. Binasag nila lahat ng kagamitan namin. Hinila ako ni Mama sa pagsilip ko at matapang niyang inutos kay Kuya na lumayo muna kami sa bahay.

Na sa sobrang sakit ng puso ko napasubsub ako sa dibdib ng secretarya ng mayabang. Na kung dati rati sa aking kapatid.

Basag, tapon, halos dagungdong nang kulog ang naririnig ng akong mga tenga.

Narinig kong biglang tumigil ang pagbabasag niya. At hinawakan ako sa magkabilang balikat ng Secretarya niya na inangat ko ang paningin ko. Hinila niya yung buhok ko na di ko kinayanan.

Napasunod na lamang ako sa kanya.
Marahas niya akong itinulak sa kama. Nakakatakot ang kanyang mga mata.

Titig na titig sa akin habang isa-isa niyang inalis ang mga butones ng kanyang damit. Napaurong ako malayo sa kanya at malakas na kamay ang humila ng mga kamay ko. Upang mapasubsub ako sa kanyang dibdib nito. Saka dinaganan ako.

“Ahhhh!”

“Zhia!.” Napamulat ako. Titig na titig sakin si Doc saka yung batang pasyente.

Huh? Nanaginip lang ba ako? Bakit parang totoo?

“Bakit ka ba sumisigaw! Halos mabasag na ang mga salamin dito.” Reklamo ni Dra. Evenarte.

Napa-peace sign na lamang ako sa kanya.

PEACE DOC na may kasamang ngiti. At malakas na buntong hininga. Kung ganoon panaginip nga ang lahat..

Nakakatakot ang mga taong yun sa panaginip ko. Wow! Dalang-dala ako ng emosyon.

“Hehehe. Sorry.” Dahil gamit na gamit yung hinanakit ko sa mundong to.

“Ginagawa mo nang tulugan tong Clinic ko.”

“Do you have a nightmare with the owner of Sweet Truck Candy?” yung bata na napasunod din ata kay Doctora dahil curious. Hahaha. Di naman yun, pero sa tingin ko parang may mukha na yung Devil na yun. Haist, ano bang panaginip yun. Tinutruma ako.

“Oo, isa daw ako sa nabiktima. Kaya wag ka nang kakain ng matamis. Wrahhh.” pananakot ko sa bata nang tumayo ako kasi narinig ko yung pinto na may pumasok ngang Customer.

Natakot yung bata at agad na sumunod kay doktora. Tinapunan na lamang ako ng masamang titig ng Yaya nito. 

Tinignan ko yung ID Cord ko, yun ang di panaginip! Napabuntong hininga na lamang ako.

Natigilan ako dahil,  hindi kaya ang  tunog ng pintong yun ay sisimulan naang pangitahin na napanaginipan ko kanina? At hindi kaya katulad ito sa Final Destination na mapapanaginipan muna ang mangyayari. 

Oh no! Please wag! Ayoko mamatay ng dahil sa lalaking yun at dahil lang sa ID ko.

At nakahinga ako ng makita ko yung kapatid ko kasama yung pamangkin ko.

“Ipagpaalam mo na lang ako kay doktora, kailangan ko lang pumasok ngayong gabi kaya iwan ko muna sayo.”

“Ehhh...” Iniwan nga sa akin, bago ako makaangal.  Pinandilatan ko si Tolits. Behave.



Sena Mangampo Copyright Property

@International_Pen

Votes and Comments are warmly accepted and welcome.
Thank you so much!

Be top Fans and have a chance to win a hardcopy.
Sanyonara! Arigato!

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon