CHAPTER 17 The Owner of ID

186 7 0
                                    

CHAPTER 17 The Owner of Identification Card

((( LEON POV’s )))

“Wala na bang ibang daanan?” tanong ko sa driver.
Tss. Traffic nga. Sige damay-damay tayo lalo na sa mga driver na wala man talagang disiplina.
“Negative Sir.”
Halata kong nababagot na si Master Sean. Trapik at napaka-ingay ng mga sasakyan. Pilipinas nga naman di madisiplina ng maayos. Nakita kong nakatitig si Master Sean sa labas. Sinundan ko ang titig niya.
Isang babae na kinakaladkad palabas ng jeep na sinundan ng dalawang batang babae. Agad nito dinala sa isang MMDA at doon nagsimulang nagrereklamo.
Teka ang babaeng yun? Binuksan ko yung folder. Nakangiting babae at di nga ako nagkamali dahil walang pinagbago sa hitsura niya sa nakikita ko ngayong larawan.
Umusad na yung mga sasakyan.
“Stop the car!” nagulat kong narinig na utos ni Master Sean. Nilingon ko siya.
“Is she’s not familiar with you?” tanong niya sa akin.
Bigla kaming binusinahan siguro dahil tumigil kami. Limang sasakyan pa naman ang huminto dahil sasakyan yun ng mga tauhan ni Master Sean.
“Yes Master Sean. I recognize her.” saka bumaling sa driver.
“Get her.” Utos niya sa akin. Tumango ako. Wala akong  magagawa kundi sundin si Master Sean.

Lumabas naman mga tauhan ni Master Sean para ayusin ang nagawa naming trapik. Yun na nga lang trabaho nila. Sa dami nila. Yung iba sumunod sakin at yung iba kanya-kanya position sa may sasakyan kung nasaan si Master Sean.
Lumapit kami kung nasaan yung babaeng halatang may pinuprotesta..
“Magsisinungaling ka pa! Eh kitang kita ko na hinihipuan ka ng mga manyak na ito!”
“Oy, babae paano naman namin hihipuan eh, pinsan namin ang dalawang yan.”
“Ah ganun? Ako itong nagmamagandang tulungan kayo, ako pa itong nagsisinungaling.”
“Ate, hindi po talaga. Mamang pulis hindi po talaga.” Naabutan naming sagutan.
“Excuse me.” Napalingon silang lahat sa amin. “I think ayusin na lang natin yan sa prisinto.” At ipinakita ko yung ID ko na isang abogado.
“See. Itong mamang ito, yung katabi ko kanina.” Inakbayan niya ako. “At witness ko. Kaya kayong dalawa wag kayong magsisinungaling! Wag kayong matakot sa kanila! Wag niyong ipakita na mahina ang babae. Lumaban kayo.” At hinarap niya ako. “Ikaw yung katabi ko kanina? At nakita mo din yung panghihipo ng mga lokong to!” sabay upak niya sa dalawang lalaki nang biglang binuhat ng lalaki ang kamay nito at pahampas na din sa kanya ng pigilan ko.
“Pare, babae to.” Saad ko ng pigilan ko. At pinilipit ko ang kamay nito na napa-aray saka ko kinuha ang posas ng MMDA.
“Wow, bilis mo na man tumawag ng back up. Wala kasing magawa itong Police na'to. Haist... pwede ikaw na lang ang pumunta sa prisinto, late na kasi ako.” sabi niya sa akin. Tukoy niya sa mga kasama kong bodyguards.
“Actually they can handle that thing.” Yung kasama ko kinuha na yung dalawang lalaki at isinama na din yung dalawang batang babae.
“Ah ganun. Thank you ha. Alam mo madaming kailangan ng ng mga tulad natin sa mundong to! Sige, una na ako.”
“Wait.” lumingon siya sa akin. Kinuha ko yung Id niya. “Is this yours?” Napalapit siya sa akin at napangiti.
“Akin nga ito! Diyos ko naman, sa jeep mo ba ito nakuha. Thank you Kuya.” At kinuha nga niya. Kumpirmado nga na siya. “Kala ko pa naman ID ko yung dahilan kung bakit bumagsak at baha ng kahihiyan sa taong nadapa. Thank you talaga. Permit ko, makakapag-exam ako.”
“About that thing. Di ko yan nakuha sa Jeep.” pigil ko sa kanya ng tumalikod siya sa akin.
“Ha?”
“In the front of Herald Residence Building. Nakuha namin yan. And you know about the accident right?” Namilog ang bibig niya saka binawi ang sinabi niya.
“Haha. Kuya naman di ko pala ito! Tignan mo ang ganda niya, ako? Ang pangit ko pa sa kanya. Sayo na yan.” Inabot niya sakin yung ID nang bigla siyang tumakbo dala dala ito.
“Hey!” Ang bilis niyang tumakbo. Nakita ako ng mga tauhan ni Master Sean.  “Habulin niyo ang babaeng yun!” utos ko na di ito maganda sa paningin ni Master Sean.


Sena Mangampo Copyright Property

@International_Pen

Votes and Comments are warmly accepted and welcome. Thank you so much! Be top Fans and have a chance to win a HARDCOPY. Sanyonara! Arigato! You may follow the story at Webnovel: The Devilish CEO

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon