Chapter 15 To Work Because of The Money

217 7 0
                                    

CHAPTER 15 To Work because of the Money


((( Leon POV’s )))


Muntik na yun. Batang yun. Masesesante ako ng dahil sa kanya.
Di ko alam kung bakit nakahiligan ng mga bata malaman ang kwento na obviously was banned. Kagagawan ito ng kapangyarihan ng HMB upang mawala sa market ang librong yun. Anonymous ang sumulat at lihim na pina-paimbestigahan ni Master Sean.
Ako mismo ang kuma-usap sa kanya sa harapan ng mga tauhan ni Master Sean nang maibalik si Tobby sa aking harapan. Umiiyak na ito at nilinaw ko na hindi yun totoo.
“It just a fiction Story. Walang katotohanan.”

Nalaman namin na nangaling ang kwentong yun, sa isang Dental Clinic. Pang mamay ari ng isang Dentista na malapit sa Herald Residential. Di nga natapos yung araw agad namin na file yung kasong libel at hinuli ang matandang dentista. Alam ko kabilang na ang Doctora sa papa-inbestigahan tungkol sa kumakalat na kwentong ito. Bukas ko siya makakaharap tungkol sa kaso at hindi lang ako ang haharap kundi ang dalawang dosenang magagaling na abogado dito sa boung mundo na humaharap lang naman ng mga kaso laban kay Master Sean.

At bago matapos ang maghapon nakalimutan ko ang tungkol sa babaeng pinapahanap din ni Master Sean. Dahil naging abala pa ako sa pag uwi niya sa Mansion na ipinatayo niya nung nakaraan na anim na buwan. Kapag pera talaga ang gumalaw ang bilis ng lahat.
Pera na parang magic wand na sa isang iglap, kung ano man ang hilingin mo nariyan na.

Madaming galamay si Master Sean sa mundong ito na halos di mo mabilang at makilala kung sino nga ba sila. Dahil dito napakalakas ng impluwensya niya.

Bago pa man matapos ang araw nagulat ako sa tawag ni Master Sean para sa akin.
“I want to face, personally the owner of that Identification Card. Tomorrow, wherever she is.” At bakit nagka-interest na makilala ni Master Sean ang babaeng ito? 
Napabuntong hininga ulit ako, malaking trabaho na naman ito para sa akin.
Agad kong tinawagan ang management ng paaralan kung saan pumapasok ang may ari ng ID. At nagulat sila na pupunta doon si Master Sean.  Idinahilan ko na lamang ang pagbigay nito ng donation para sa ikaka unlad lalo ng paaralan nila.
Isang Private College na di naman gaano kalakihan. At sumakit ang ulo ko dahil, parang di namin maiiwasan ang trapik bukas. Wala na naman akong tulog nito. Kung maari lang gumamit ng chopper para pumunta doon.

Sena Mangampo Copyright Property

@International_Pen

Votes and Comments are warmly accepted and welcome. Thank you so much! Be top Fans and have a chance to win a HARDCOPY. Sanyonara! Arigato! You may follow the story at Webnovel: The Devilish CEO

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon