Chapter 20 Surrender

621 19 14
                                    


CHAPTER 20 Surrender

((( ZHIA POV’s )))

Malayo pa ako sa school namin.
Sobrang hingal at isinuot ko na ang blackshoes ko na bagong lapat ko pa lang ng shoeglue. Nakabili ng dis-oras. Di ko inaasahan na napakaraming tao ang nasa labas ng gate. Di makakapasok ang sasakyan at sa labas ng campus yung mga parking Area. Karamihan kasi ng mga lalaki samin may kanya-kanyang motor…
Yun ang pinagyayabang ng mga lalaki sa amin para makadami ng chicks.
Hehe. Naalala ko tuloy yung crush ko. May motor din siya. Kulay red at yung plate nos. (XH7675)
At kapag nasa school na ako niyan. Hinahanap ko ang motor niya at kumpirmado na pumasok siya!
Kapag present na present ang motor nito sa parking lot. Blush na naman si ako.

Sana one day maka-angkas ako sa likuran at nakahawak sa bewang niya habang yung mukha ko nakadikit sa likuran at inaamoy ang kanyang pawis. Ahahahaha. Landi mo Zhia. Isa-lugar mo!
Di ako malandi, kaya nga hangang lihim na crush na lang ang peg ng Zhia niyo. 
No relationship first. Mahirap I-handle.
Personality ko pa nga lang nahihirapan na ako? Dagdagan ko pa? Hangang pangarap ng gising na muna ako. Saka na lang, kapag nahulugan na talaga ni Crush motor niya. Ahaha.

Wait. Bakit nga maraming tao sa labas? Di ako makaraan. Anong meron?
“Manang papasok po ako, pakiraan po.” Ay aba lalong di ako pinagbigyan.
Nagsisumiksik. Sarap itulak ng mga to!  Yung parang domino.
Nag-eenjoy ako sa domino. Yung scrabble board nga, yung mga letter pinapatayo ko yun lahat kapag recess dahil wala akong baon sa library lang ako at yun ginagawa ko. Lahat ko naman napatayo kaya lang ang mga umag kong kaklase sila yung nagpatumba nung una. Yung pakiramdam na nagpagod ka tapos iba yung nanginabang!

Haist kanina pang umaga ang wiwierd ng mga tao. Ay este kahapon pa. Simula nang dumating yang bisita na yan. Na pakiramdam ko papansin sa akin. Laging may mga commotion na di mo maintindihan. Lalo na napaka weird nung mga humabol sakin. Kala mo naman nawalan ng lamang loob yung bisita ng Pilipinas. Haist. Sino nga yun? Sean Herald. Right Google?
Buti nga nakuha ko na ID ko.

Napatitig bigla ako sa isang daang piso na wristwatch ko, pero ang brand Omega. 
Napasinghap ako. Super late na ako. Ano ba! May exam kami ngayon! Saka ko napansin, hindi lang pala ako ang di makapasok may mga studyante din na nasa gilid na lang ng likod. Di ko sila kilala. Pero lumapit na din ako para itong mga chismosang ‘to, mapansin nila na di na kami nakakapasok ng dahil sa mga pinag gagawa nila.

“Meron kasing bisita sa loob. Mahalagang tao daw.” Yan na namang mahalagang taong yan.
Pero natigilan ako.
Hindi kaya? Yung .. yung naghahabol sakin?!  Oh no! ... ay andito ngayon sa School!

Napansin ko nga yung mga lalaking humabol sa akin nakapaligid sa school. Tinakpan ko na yung mukha ko at tumalikod na ako sa school namin. Mag special exam na lang ako. Anong gagawin natin Zhia. Next semester OJT mo na! O tapos tatakas ka?
One day lang promise. Baka bukas wala nang oras yung taong yun.
Kakabadtrip! EDI SORRY NA NGA!

Saka nagmartsa na ako paalis. Tumunog yung phone ko. Unregister number, hindi kaya? 
Ayyy… no no no Zhia! Pinatay ko yung phone ko at inalisan ng battery.
Hmph! Baka matrace pa ako nila. Kailangan ko ba talaga mamatay ng dahil sa ID na ito? Hala ang OA ko naman.


Sena Mangampo Copyright Property

@International_Pen

Votes and Comments are warmly accepted and welcome. Thank you so much! Be top Fans and have a chance to win a HARDCOPY. Sanyonara! Arigato! You may follow the story at Webnovel: The Devilish CEO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon