Chapter 19 His Magic Wand

229 3 1
                                    

CHAPTER 19 HIS MAGIC WAND

((( LEON POV’s )))

Hingal at pagod ang mga tauhan ni Master Sean ng sabihin sakin na di nila na habol yung babae. Habang si Master Sean naghahantay ng balita sa loob ng sasakyan. Maiingay parin ang mga sasakyan sa line namin na lalong ikininairita niya.
May ilan na bumababa at walang humpay na busina. Pinagtatadyakan ang mga sasakyan namin at dahil pagod na ang mga tauhan namin nabubugbog sila lalo na ang mga pampasaherong jeep na may mga sakay na kalakihan.
Ako na ang humarap sa mga ito na ikinasuntok sa akin ng isang driver.
“Pamamay ari niyo ba itong kalsada! Kung makaparking kayo!” Pati yung MMDA inuulan na din ng batikos. Kung bakit di daw sinisita kami. Tinapik ko lamang yung driver at ibinulong,
“Gusto mo bang sunduin ka ng maaga pare? Alam mo ba kung sino ang nasa loob ng sasakyan?” At may nagsidatingan ngang pulis. Mga tawag ng mga nagrereklamo.
“Kahit presidente pa yan ng bansa, pantay-pantay ang karapatan dito sa kalsada!” Lalong pagyayabang ng Driver dahil sa papalapit na Pulis sa akin.
At nakita ko na may mga pulis na kumatok sa bintana ni Master Sean. Bago pa man makapagsalita yung pulis na lumapit sa akin agad kong pinakita ang ID ko. At napaatras ito.
Napalingon din ng bumukas ang pinto at lumabas si Master Sean na pinagkaguluhan ng mga tao kaya nagsitakbuhan ang mga tauhan niya sa kanya.
“Anong!” Reklamo nang Driver ng talikuran namin siya. Lumapit ako kay Master Sean kinuha nito ang phone niya at may tinawagan .
“I think you need to discipline your people for good.” saka inabot niya sa chief ng police ang phone. 

Nagulat ito kung sino ang kausap niya. Saka bumalik ng sasakyan si Master Sean. Ako na ang pumalit sa harapan ng Chief at magalang nito na ibinalik ang phone ni Master Sean sa akin.
“You can find a better job sooner.” tapik ko sa kawawang Chief officer na parang nanlumo sa nangyari. Sibak siya sa kanyang pwesto. Sinabi ko pa lang na napakaraming connection ni Master Sean. Siya lang naman ang tao dito sa daigdig na nakakagawa ng mga imposibleng bagay dahil sa impluwensya niya. Lahat ng connection niya ay may takot sa kanya.
Ngayon ang mga pulis na mismo ang humaharang sa mga taong nangangalaite na sa inis.

Sumakay na din ako at umalis kami roon.
“Where's the woman.?” tanong ni Master Sean sa akin.
“Nakatakas Master Sean.” direkta kong pahayag sa kanya. Na ikina-ngisi niya.
“A woman? Natakasan kayo? Tss! Mga tauhan ko pa naman kayo.”
“Probably Sir sa paaralan ang tungo niya ngayon.” Yun na lamang ang sinabi ko.

Patungo nga kami sa paaralan ng babae.
Dahil sa nangyari kanina, agad na lumabas sa balita ang biglaang pamamasyal sa bansa ni Master Sean na hindi ito naririto para sa negosyo. Tinakpan nila ang tungkol sa maraming na agrabyadong mga tao kanina. His magical wand magically works by its own.

Nang makita pa lang ng mga tao ang sasakyan namin. Hinabol kami hangang sa paaralan at madaming studyante ang nagulat lalo na ang Presidente ng school. Halos din pagod na ang mga tauhan ni Master Sean. Di ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Napaka agrisibo sa publiko dahil lang sa nangyari kahapon. Lalo na kung bakit kailangan pa niya makilala ng personal ang babaing yun?

Why?

Sena Mangampo Copyright Property

@International_Pen

Votes and Comments are warmly accepted and welcome. Thank you so much! Be top Fans and have a chance to win a HARDCOPY. Sanyonara! Arigato! You may follow the story at Webnovel: The Devilish CEO

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon