Ikalawang Kabanata: Tagpo

21 0 0
                                    

Zoella

I woke up feeling heavy, ang sakit ng ulo ko. It must be a hangover. Ugh! I didn't drink that much last night, why am I experiencing this shit. Nilingon ko ang alarm clock sa side table. It's already 11:30am. Shit late na ako sa part-time ko. Sabado kase ngayon. Pinagtrabaho ako ni Mama sa firm namin para magkaexperience daw ako before graduating. Last year na kase namin sa college ngayon.

 I didn't bother to get up instead, I messaged my mom that I can't work today because my body aches.

Madaling araw na ako nakauwi kahapon, sinigurado ko munang maayos ang lagay ni Lucas sa condo niya. That guy was dead drunk last night. And as a concern friend, it's my responsibility to take care of him. Kahit na malaki ang kasalanan niya sa akin ay hindi ko pa rin siya kayang pabayaan. Nangako ako sa kanya, tutulungan ko siyang abutin ang pangarap niya. He's almost there konting tiis nalang.

My phone beeped. It's Lucas.

'Thank you.' Binalewala ko lang to.

Maya-maya pa ay bumangon na ako para maligo at maghanda. Bumaba na ako para kumain.

"Good morning hija! Eto kumain kana. Sabi ng mama mo may hangover ka daw." Bati ni Nanay Ella sakin, bata pa lang ako siya na yung tumutulong saamin dito sa bahay. "I made you a soup."

"Finally, good morning rin Nana sabayan mo na po ako. Kilala mo naman ako ayokong kumain mag-isa." Umupo na ako sa harapan ng mesa, habang inihahanda ni Nanay Ella yung ulam.

"Oh, kamusta naman yung concert ni Lucas kahapon? Tanong nito at umupo sa harapan ko.

I smiled.

"It was good. The crowd was wild, nagcelebrate kami after at sobrang saya ni Lucas." Kwento ko.

"Buti naman, pangalawang concert niya na yan diba? Abot langit siguro ang saya ng batang yon. Alam kong bukang bibig niya palagi yan noong dumadalaw pa siya ngare." Giit ni Nanay Ella na halatang proud na proud kay Lucas dahil sa expresyon niya.

"Kaya nga po. Pero Nana, I lost my pouch. Sa sobrang aliw ko po yata kahapon ay hindi na napansin na wala na pala akong pouch na dala. Swerte na rin siguro na hindi ko nilagay yung mga mahalagang cards ko don." I pouted. The moment I got home last night, doon ko na namalayan na wala na pala yung dala-dala kung pouch na naglalaman ng pera ko.

"Aba, saan mo ba nilagay?" Tanong nito. Sesermon na naman 'to.

"I don't know hindi ko na napansin Nana. But sa pagkaka-alala ko talaga nakapagbayad pa ako sa coffee shop kahapon. Impossible naman na maiwan ko don diba."

"Well, we never know the possibilities anak." Sagot niya. Napaisip rin ako, possible nga ba na naiwan ko sa coffee shop? Ugh, hindi ko na maalala. The only thing I remembered is that I seated with a guy, a stranger to be exact. And, I hate to admit it but to be honest I kept myself busy looking at him, scrutinizing every inch of his features. Napaka-mysterious naman kase ng lalaking yon. Sulat lang ng sulat habang hinihigop ang espresso niya. Di kaya..no he can't be a thief Zoe. Kung ano-ano nalang iniisip mo.

Nagpaalam ako kay Nanay Ella na mag-wiwithdraw lang ako nang pera. As much as I want to lay in my bed all day and rest this hangover, kailangan ko ng pera na malalagay sa pitaka ko.

Napag-isipan kong gamitin nang sasakyan ngayon, tirik na tirik kase ang araw, naawa ako sa balat ko. I started the engine and drive my way to Downtown, wala kasing malapit na ATM machine dito sa subdivision namin. Makalipas ang ilang sandali ay mabilis akong nakarating sa Downtown. Hindi naman kalayuan ang mga ATM machine dito, nasa first floor lang naman kaya tantya ko ay madali lang ako dito.

Hear the UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon