Ikaapat na Kabanata: Alipin

32 0 0
                                    

Nasa office na ako ngayon. I decided to go to work dahil pinagalitan ako ni Mama kagabi. Instead of resting ay kung saan-saan daw ako nagpupunta. Tama naman siya sa sinabi niya. Plano ko lang naman mag withdraw ng pera kahapon pero tumawag si Lucas kaya pinuntahan ko na muna siya at gabi na ako nakauwi dahil sa kalokohan namin.

"Miss Zoe, may naghahanap po saiyo sa labas." I was busy working on some papers when my secretary approached me. Kumunot naman ang noo ko, sino naman maghahanap sa akin, working hours pa naman. Nagpaalam ako sa secretary ko na pupuntahan ko lang kung sino man yung nasa labas. Nag offer naman siya na siya na daw bahala.

I walk towards the room intended for visitors nang pumasok ako ay nagulat ako nang makita kung sino ang nasa loob ito. It was the guy at the coffee shop. Di ba talaga ako lulubayan ng taong 'to, araw-araw ko na siyang nakikita ha. Nakakapagpabagabag na.

I tried to compose myself as I enter the room. Wag kang papahalata Zoe. Baka ano isipin ng taong 'yan. I cough a bit para mapansin niya ako. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. Damn it, bakit ang cute ng ngiti niya. I smiled at him too kahit na sa di malamang dahilan ay kinilig ako sa smile niya. Ewan ko ba.

"Hey, Zoe right?" Tumango naman ako. Iba ang awra niya ngayon, from that mysterious guy at the coffee shop and cold man wearing shirt in the other coffee shop, his presence today is radiant. Iba talaga kapag nakangiti ang tao. He looks joyful and sweet. "U-uhm Lucas told me to hand this over to you." Iniabot niya sa akin ang isang paper bag na hindi ko mawari ang laman dahil nakaselyo ito. "He's out of town may inasikaso lang sila ng dad niya." Dagdag nito.

"Dumating na pala si Tito?" Nasa States kase parents ni Lucas sa ngayon kasama ang mga kapatid niya. Siya nalang ang nagpaiwan dito para may kasama ang Lola niya. Hindi niya naman nasabi sa akin kahapon na umuwi na yung Papa niya.

"Ah oo, urgent daw." Sagot niya sabay kamot ng ulo. What's with him?

"Oh, I see. Thank you for this, you may go." Tanging sambit ko na lamang. Nang akmang aalis na sana ako ay bigla siyang nagsalita. "Wala ka bang gagawin ngayon?"

"Why did you ask?" I look at him. He seemed nervous dahil hindi siya makatingin ng diritso sa akin. What's with you...wait what's his name again. Damn nakalimutan ko na naman.

"U-uhm nevermind, just don't think about that. Wala, wala yon." Giit naman nito. "I gotta go, Zoe. Yun lang talaga, pinapabigay yan ni Lucas."

Tumango na lamang ako. Hinatid ko siya palabas ng company para makabawi sa ginawa niyang pabor kay Lucas. Nang makaalis siya ay napailing nalang ako. I didn't expect to see him again today.

And, he's kinda weird.

"Paige, what if we add a little bit of softness sa interior." I suggested. Nasa bahay na ako ngayon kasama si Paige. We're brainstorming regarding the future resto bar since busy si Lucas sa hindi ko malaman na dahilan kasama ang Daddy niya.

"Like what do you mean by that?" Tanong niya.

"I still want her grandmother to feel na yun pa rin yung coffee shop na pinatayo niya kahit malaki ang pinagbago nito." I affirm. Dugo't pawis rin ang nilaan ng Lola niya para maitayo ang coffee shop na yun.

"Okay may idea na ako. Give me time to redo some things first." She said while eating a slice of pizza. Paige and I were besties. We're friends since high school, at sa hindi malamang dahilan ay marami kaming parallelism. It's like she's the other half of my soul. At some point despite having lots of similarities, we're also opposites of one's soul. She's a woman filled with passion while I'm the dreamer. She's an artist and I don't even know how to be one. She's preserved while I'm the one whose confident enough to take risks, to be a daredevil in everything. She's my twin-flame to be exact.

Hear the UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon