Ikalimang Kabanata: Ethan

23 0 0
                                    


"Hindi ka ba talaga sasama sa amin ngayon?" Tanong ko sa kanya habang naghihilamos ito. Dito na kasi siya natulog sa bahay. Hindi na siya pinayagan ni Nanay Ella umuwi kagabi dahil sa kalasingan. He hasn't told me what's bothering him yet. Ayoko naman siyang kulutin na mag kwento. Baka ayaw pa niyang pag-usapan.

"I'm sorry I can't come with you there, first day kase ng renovation and kailangan ako don. Alam mo naman yan diba?" I smiled at him. Lumapit naman siya sa akin. He lay his eyes to my eyes for seconds and run his fingers through my hair. Napalunok naman ako at umiwas.

"Yeah, that's okay Lucas." I uttered.

"You'll be okay there, kasama mo mga kaibigan natin. They're going to take care you while I'm not around. I can assure that." He kissed my forehead and held my hand as we head downstairs. To be honest, I'm quite nervous about this High Ridge visit. I've changed a lot I'm not mean anymore ayoko na ng away.

Sabay kaming bumaba ni Lucas. Nakapagbihis na rin ako dahil nag message na si Paige sa group chat na kailangan na naming magready kung ayaw maiwan. Napag-usapan ng lahat na sasakyan nalang ni Peter ang gagamitin dahil kasya kaming lahat don.

Nang makarating sa kitchen ay binitiwan ko kaagad ang kamay ni Lucas nang makita si Nanay Ella. Phew. Binati niya kami ng matamis na ngiti. Nilapitan niya Lucas at pinisil-pisil ang pisngi nito. It seems like she miss him so much.

"Ikaw bata ka, magpapakita ka dito tapos nakainom ka pa. Jusko." Kinurot niya naman si Lucas at napaaray na lamang ito.

I laughed.

"Sorry po." Paghingi naman ni Lucas ng tawad sabay yakap kay Nanay Ella. Galit na galit kase si Nanay Ella kagabi dahil sa sobrang lasing ni Lucas. Kahit na unconscious na si Lucas kagabi ay pinapagalitan pa rin niya ito. Typical Filipino Mom.

"Wag ka na maglasing-lasing di yan mabuti sa katawan mo. Nanganganib atay mo nyan anak." Paliwanag nito.

"Opo opo Nay, hindi na po." Hinalikan niya naman sa pisngi si Nanay Ella. Sweet.

Maya-maya pa ay nakarinig kami nang busina ng sasakyan. I think sila Paige na 'yon. Nagmadali na kaming kumain ni Lucas. Pinapasok naman ni Nanay Ella sina Paige upang imbitahin sa almusal.

"Pancakes." Sigaw ni Jea at kumuha ng pancakes para kainin. Parang bata talaga.

"Hoy hinay-hinay lang, lamon ka na naman nang lamon." Saway ni Peter sa kanya habang umiinom ng tubig.

Aga-aga ang iingay ng mga taong 'to.

"Ano ba yan, tagal niyo kumain. Bilisan niyo naman." Giit ni Paige na nakabusangot na. I guarantee you maaga yang gumising para sa lakad namin ngayon.

We positioned ourselves inside the car. Si Peter ang magmamaneho, dahil siya lang naman ang may mapapagkatiwalaang driving skills dito. Nakaalis na rin si Lucas, wala ata sa mood. He seems strange. And, I don't want to bother him about his own problems. That might be uncomfortable for him. I hope when he's ready, I'll be the first one to hear about it.

I just hope you're okay, Lucas. You mean a lot to me.

"Here we go." Peter said while starting the engine.

Kinalabit naman ni Jea ang car stereo.

Now Playing Jet Lag by Simple Plan

What time is it where you are?

I miss you more than anything

And back at home you feel so far

"Wooh our jam." Jea shouted while making moves put of the music.

Hear the UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon