Kabanata 1

41 4 0
                                    

Seraphine Elizabeth Mendesell

"Bilis-bilisan mo namang kumilos dyan Sera!" Sigaw nanaman saakin ni Kuya Sian.

Lagi na lang kala mo naman maiiwan siya ng school e. Tsk, kung pwede ngang wag ng pumasok di na talaga ako papasok.

"Sera! Bilis na gising na dyan! Malapit na tayo malate!" Pati ba tong si Kuya Sion, well kambal nga pala sila parehas ayaw maiwan ng school, kala mo naman talaga nag-aaral puro mga harot lang naman.

"Ano ba Kuya! Ang aga-aga pa oh!" Kasi naman 7 am pa lang, 8 pa naman ang time namin.

"Sige mag paiwan ka bahala kang mag byahe!" Agad akong napatayo at dali-daling nagpunta sa banyo. Bwesit! Pasalamat sila ayaw ko ng bumabyahe!

"Buti naman nag madali ka!" Sigaw nanaman ng Kuya kong mukhang unggoy!

"Ano ba ba't ba kayo sigaw ng sigaw? Tsk ang ingay-ingay." Agad naman akong nilapitan ng dalawa at hinalikan sa pisnge.

"Ito talagang prinsesa natin nag dadalaga na! Laging mainit ang ulo baka namomroblema sa dami ng manliligaw!" Pang uuto nanaman sakin si Kuya Sian.

"Tsk tigilan niyo ko mga abnoy" bahala kayo dyan ang ingay-ingay talaga ng dalwang to. Nagsimula na akong kumain at ganon din ang mga Kuya ko. Pagkatapos kong kumain ay tumakbo agad ako pabalik sa kwarto, ayokong maghugas ng pinggan bahala sila. Tss.
Buti naman at wala silang anggal hanggang sa nakarating na kami sa school.

--Mendezelle Internatonal School

"Omg! Ang gwapo ni Sian"
"Look si Sion! Ang gwapo"
"O my ghod! Ang hot nilang dalawa!"

Tsk lagi nalang mukha namang mga unggoy to. Hindi ko na lang pinansin at pumasok sa classroom namin. Matagal na kami sa International School na ito kaya sana'y na sana'y na ako. Grade 10 na ako at Grade 11 naman yung kambal.

"Sera! Omg Imissyou!" Tili ni Zari habang tatakbong niyakap ako. Zari Anne Mariano, one of my bestfriend. Isa lang sasabihin ko sakanya sobrang ingay at daldal niya.

"Seraphine! We miss you! Payakap din!" Tawa ng mga kaklase ko, mga loko.

"Zari bitawan mo nga ako, nag kita lang tayo kahapon kaya wag ka dyang mag drama." Agad naman siyang bumitaw at nag pout.

"Ikaw talaga Sera wala ka pa ring pinag babago! Napaka bitter at cold mo pa di---
Magsasalita pa sana siya ng dumating na ang bago naming Adviser, dinilaan ko na lang siya at halatang naiyamot naman.

"Good Morning Class! I'm Dina Mendoza, ako ang bago niyong adviser, hindi niyo nanaman kailangang mag pakilala pa kasi kilalang-kilala ko na ang section na ito!" Adviser namin siya nung Grade 7 kami pero napalipat siya dito, mabait naman si Miss Dina at dalaga pa.

"But first, ipapakilala ko muna ang bago niyong mga kaklase, Please Come in both of you."

------------
Hmmm, sino kaya ang bago nilang kaklase?

Thankyou Guys! See you in next kabanata!
Ps. Mabagal po ako mag update hahaha.

Give me your love (Mendezell School Series #1)Where stories live. Discover now