Classmates
Tsk! Napaka yabang niya kala mo naman kung sino, e bago pa lang naman siya dito,tss.
"Sera! Come on samahan mo ako sa canteen!" Hindi ko siya pinansin, kasi napaka ingay niya. Magpapasama na nga lang ang ingay-ingay pa tch.
"Huy! Ano ba Sera?! Dali na nandun yong dalawang gwapo nating classmate omg!" Sobrang saya na sabi ni Zari, kahit kelan talaga napaka harot neto takot naman sa commitment.
"Ayoko" simpleng sabi ko at sinuot ang earphones ko na wala namang tugtog.
"Ang bitter-bitter mo talaga Sera!!! Bakit kasi ang tagal nung dalawa arghhhh!" Rinig kong sigaw niya saakin at umalis na.
Tinanggal ko ang earphones ko nang bigla kong maalala yung kanina, bwesit talaga. Bwesit.
****FLASHBACK*****
Agad na napa nganga ang mga kaklase ko ng makita ang dalwang lalaki, as in lahat sila except sakin."Please introduce yourself" nakangiting sabi ni Miss.
"Hi, My name is Riley Ian Sanford" sabi nung lalaking nakangiti at agad na nagtilian ang mga mahaharot kong kaklase syempre papahuli ba si Zari, e halos mabingi na ako sa tili niya.
"Andrix Kai Castillo"simpleng sabi nung lalaking mukhang masungit at mayabang, lalo pang nag tilian ang mga kaklase ko!
"Okey, Thankyou Mr. Castillo and Mr. Sanford, you may sea-- Ang available na upuan pala ay sa tabi nina Ms. Mendesell at Ms. Mariano." Nagulat naman si Zari.
"Uhm Ms? Para po to kina Fhia at Yleena." Sabi ko naman.
"Uy, Sera hayaan mo na wala pa naman yung dalawa." Bulong sakin ni Zari.
"Sorry Mr, kumuha na lang kayo don sa may kabilang room." Sabi ko don sa dalawa na nakatingin saakin. Yung isa naka ngiti,yung isa salubong ang kilay. Tss.
"Miss, wala pa dito yung sinasabi mo kaya bakit di mo kami paupuin dyan? Tsk ikaw ba bumili ng upuan na yan?." Sabi nung masungit at umupo na sa tabi ko.
Yabang nito ah."Hindi. Pero may nagmamay-ari na niyan." Masungit ding sagot ko.
"Come on Ms. Mendesell ayaw mo non gwapo ang katabi mo?" Tanong niya na ikinagalit ko.
"Sera,w-wag mo ng patulan." Sabi sakin ni Zari, pero sinaman ko pa din ng tingin yung lalaki,galit ako.
"Ahm, pasensya na kayo sa kaibigan ko ganyan talaga yan, By the way I'm Riley Ian just call me Riley." Sabi naman nung lalaking pala ngiti. Kita kong nagulat si Zari kasi katabi na niya yung lalaki at malapit sila sa isa't-isa. Tss kahit kelan ang harot talaga. Lumayo ako masyado sa lalaking katabi ko.
"Ahmm, Z-zari Anne Mariano, bestfriend ko si Seraphine Elizabeth Mendesell. A-ah o-okey lang yung kanina hehe." Sabi ni Zari.
"Aalis din naman kami dito bukas sa pwesto niyo kasi bukas pa papasok yung dalawa pa naming kaibigan." Aba ang daldal naman nito bagay nga sila ni Zari, tss.
Tinanguan ko na lang yung lalaki at nakinig na kay Miss.****END OF FLASHBACK****
Bwesit na lalaki yon, nakakayamot katabi di ko tuloy na intindihan yung discussion kasi parang lagi may kumukulbit saakin at feel ko siya yon kasi tumatawa siya,kala mo naman papansinin ko."Hi Ms. Mendesell, iniintay mo ba ako?" Bwesit, ang kapal talaga.
Hindi ko siya pinansin at isusuot na sana ang earphones ng bigla niya itong hinigit. Ano bang problema nito? Lintek!"Ano ba?!" Galit na sigaw ko sa kanya at tumayo at hinarap siya.
"Kinakausap kasi kita Ms. Eliza." Sabi niya at nag smirk. Teka! Ano Eliza? Ginigigil talaga ako nito!
"Pwes Mr, ayaw kitang kausap, and please give me my earphones." Simpleng sabi ko. Pero itinaas niya ang earphones ko.
"Ayaw ko nga, Abutin mo muna Eliza,tingnan natin kung hanggang saan ang sungit mo."
"Stop calling me Eliza."
"Sa gusto ko e, tsaka kasama naman yun sa pangalan mo ah? Pangiiyamot pa niya.
"Pwede ba, bago ka lang dito bakit ganyan ka na agad umasta?" Iyamot na talaga ako.
"Yan na naiiyamot na siya, mahaba na ang sinasabi." Natatawa niya pang bulong pero rinig na rinig ko! Lintek na lalaking to.
"Masama ba?" Parang nang aasar yung tanong niya at ngiti!
"Come on, Eliza! Abutin mo na, ngawit na ako." Aba ako may kasalanan? Pwede naman niyang ibaba ang kamay niya loko.
"Bakit di mo abutin? O ayaw mo lang akong mahawakan kasi takot ka sa lalaki? Ayaw mo sa lalaki?" Lintek talaga, bago lang tapos ganto na agad to?
Agad ko namang tinalon yung earphones ko at sinipa siya sa tuhod, kaya napa upo siya! Buti nga. Tatalikod na sana ako ng hinigit niya ang braso ko at isinandal ako sa pader.
"Loko ka ah! Bakit mo ako sinipa?!" Galit na tanong niya, ang lapit niya saakin kaya tumungo ako.
"Bwesit,Bitawan mo ako!" Sabi ko ng may pag babanta. Pero di siya natinag! Lalo niya pang inilapit ang mukha niya saakin!
Jusko Lord! Ilayo niyo po siya baka kung anong magawa at masipa ko yung nasa gitna niya. Panalangin ko sa isip ko, pero kala ko katapusan ko na pero binitawan niya na ako at umalis na pero bago siya tuluyang makalabas ay may sinabi pa sya...
"Nice meeting you again Eliza." Kinabahan ako sa narinig at sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit.
YOU ARE READING
Give me your love (Mendezell School Series #1)
RomanceWhat if hindi ikaw yung mahal pero hulog na hulog ka na?