Kabanata 4

20 5 0
                                    

Feelingero

Buti na lang pagdating ko sa bahay saktong pagdating nung dalawa na hindi talaga maganda ang tingin sa isa't-isa.

Nung bakasyon pa pala nililigawan ni Kuya Sian yung babae, ngayon lang nalaman ni Kuya Sion. Mga abnoy talaga.

Hanggang sa matapos na kami mag dinner wala pa ring pansinan ang dalawa. Ngayon hindi ko alam kung sino ang mag huhugas ng pinggan.

"Sino mag huhugas ng pinggan? May gagawin ako." Sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Si Sian na tutal may kasalanan siya sakin." Sabi ni Kuya Sion habang masama ang tingin kay Kuya Sian.

"Sige ako na, alam ko namang mas lamang ang gwapo ko."  Ang hangin lintek!

"Alam mo Kuya Sian, anong connect? Tsk nbilisan mo maghugas ka na ng pinggan!" Pinaalis ko na siya bago pa masuntok ni Kuya Sion.

Umalis na ako don at gumawa na ng assignment. Unang araw may assignment na agad! Tsk.

Pagkatapos kong makagawa ng assignment ay agad di naman akong nakatulog.

"Walang hiya ka talaga Sian! Naiiyamot na talaga ako sayo!" Nagising ako sa sigaw na yon ni Kuya Sion, Aga-aga nag sisigawan nanaman sila, kita namang natutulog pa ako.

Nakarinig ako ng suntok, Suntok? Sino nag susuntukan.... Agad akong napatayo at umalis sa kinahihigaan ko ng marealize kung ano nanamang nangyayari. Tsk Bwesit.

Naubutan kong kinikwelyuhan na ni Kuya Sian si Kuya Sion, akmang susuntukin na ni Kuya Sian kaya agad akong nagsalita...

"What the hell? Ang Aga-aga nagsusuntukan na agad kayo, come on guys your not a child anymore. Stop it." Malamig kong sabi sa kanila agad naman silang tumigil.

"Mag bati na kayo, kundi palalayasin ko kayong dalawa dito." Pagbabanta ko sa kanila na masama parin ang tingin ko! Bwesit panira ng tulog.

Chineck ko kung anong oras na, Lintek 5:30 A.M pa lang, 8 pa yung klase namin. Talagang nag effort ang dalawang abnoy na to na gumising ng maaga para lang magsuntukan.

"Umayos kayong dalawa, alam niyo namang ayaw kong nag-aaway kayo ng dahil sa babae, madala kayo please." Seryoso ko talagang sabi sa kanila.

Na gulat ako ng biglang Tumawa silang dalawa.
What the? What the hell? Are they making fun of me? Bwesit.

"Lol! HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA." Tawang-tawa ang lokong si Sian Amadeus at Sion Adley.

"Hey baby, don't take it serious. It's a prank!Hahahahahahha." Tawa ng kinginang si Adley.

"Tigilan niyo ako Amadeus! Adley! Lintek ang walang ganti, mga bwesit kayo!" Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko at nahiga na sa kama.   Rinig na rinig ko pa rin ang tawa ng dalawa! Bakit po ba ako nag karoon ng mga kapatid na parang kinulang sa turok? Tsk,Mga loko.
Matutulog na lang ako maaga pa naman.

"Potek nakakasilaw." Agad akong napatayo ng marealize na may araw na! Bwesit.

"Humanda kayo saaking dalawa!!!!!!" Sigaw ko.

Dali-dali akong naligo at nagbihis hindi na ako nakakain kasi nung magising ako 7 na, tapos iniwan pa ko ng dalawa ibig sabihin commute ako.

Wala na akong nagawa kung hindi ang mag taxi na lang, ayoko mag LRT tsaka anong oras na 7:30 na. Agad naman akong nakapara ng taxi at sumakay na agad, bwesit hassel talaga pag babyahe humanda talaga saakin yung dalawang yon.

"Hi Eliza, Good Morning."

Anak nang, ganto na po ba talaga kamalas ang araw ko? At makasabay ko pa talaga ito sa isang sasakyan.

"Nagpalate ka talaga no? Para makasabay mo ako." Sabi niya habang nakatingin sakin dun sa may salamin sa taas. Anak ng di ko siya napansin nasa may unahan siya. At anong sabi niya? Assuming to masyado.

"Feelingero at mayabang ka rin talaga no?" Walang emosyong sabi ko. Ni hindi ko nga matandaan ang pangalan nito.

"Sus, ayaw mo pa umamin na, na love at first sight ka saakin simula ng makita mo ako kahapon."  Natatawang sabi niya.

Eh? Love at ---? Ano? Nasobrahan to sa pagiging Feelingero kaya ganyan! Di ko siya pinansin hanggang sa makarating sa University ay panay tingin siya saakin.

Agad akong nagbayad at tumakbo na papasok. Buti na lang 7:50 pa lang. Agad akong pumasok sa room at nakahinga ng maluwag ng wala pa si  Miss. Bwesit na Kambal na yon muntik na ako.

"Sera!!!!! Na miss kita!!! Namiss ka namin!!!" Sigaw ni Yleena na kasunod si Fhia at niyakap agad nila ako. Yleena Castaner at Andrea Fhia Rodriguez bestfriend ko din. Ngayon lang sila pumasok kasi kahapon lang sila nakauwi galing States.

"You know what Yleena at Fhia may dalawa tayong kaklase na gwapo! Super!!!" Ang harot talaga.

"Talaga? Nasaan?" Hanap ni Fhia, di ko kayo nainform na maharot nga din pala ito.

Saktong pumasok yung Feelingero kasama si Mr. Sanford.

Hindi ko na tiningnan ang reaction nung dalawa kasi alam na alam ko na. Yang si Yleena kunwari walang harot sa katawan pero nananalantay din sa dugo niya.
Pagkapasok nung dalawa ay kasunod na nila si Miss, at may upuan na din sila sa may likudan namin.

"Good Morning!" Bati ni Miss, at bumati na rin kami.

"Again, before we start our discussion let them be part of this section."

"Please come in and introduce yourselfs."

Pumasok namang yung dalawang lalaki at as usual nag tilian uli dahil mga gwapo nanaman.

"Lord! Omay geez! Ang swerte naman ng section na ito at may 4 na sobrang gwapo!" Sigaw ni Zari.

Dahil sa sigaw na yun ni Zari ay nagtawanan ang klase, nakitawa na din ako. Napahiya siya! Buti nga sayo ayan harot pa HAHAHAHAHAHHA.

"Hello, My name is Vince Rivas." Sabi nung may iisang dimple.

"Hi, I'm Khairo Gaiden Martirez." Eto naman dalawa dimple.

"Ay wew ang pangalan pa lang hot na!" Sabi ni Yleena.

"Kaibigan po kami nina Mr. Castillo at Mr. Sanford." Sabi nung may iisang dimple.

Tumango na lang si Miss at umupo na yung dalawa sa tabi ni Feelingero.

"Miss may i go out?" Tumango naman si Miss. Shit yung assignment ko nakalimutan ko anong gagawin ko? Punta na lang ako sa locker ko at gagawa don, drawing lang naman yun.

Agad akong nagdrawing, bwesit sayang yung ginawa ko! Bakit ko ba iniwan yon.

"What are you doing here?"

Give me your love (Mendezell School Series #1)Where stories live. Discover now