Kabanata 3

27 4 0
                                    

Back

Kilala niya ba ako? Tss, baka niloloko lang ako non. Pero pamilyar sakin yung pag tawag niya ng Eliza.

"Hoy Sera! Kumain ka na ba? Tara na lunch na!" Ngiting-ngiting sabi ni Zari. Aba ang saya naman nito halos umabot na sa tenga ang ngiti niya.

Buti na lang nakapag focus ako kanina sa discussion kahit may iniisip. Tsk.
Bumaba na kami at dumiretso na sa canteen.

"Hi kapatid!" Sigaw ng kambal saakin, walangya lagi na lang nangugulat. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Bakit di ka nag recess kanina?"  Tanong ni Kuya Sion.
"Bakit di ka bumaba kanina?" Tanong ni Kuya Sian.
"Anong nangyare sayo?"
"May sakit ka?"
"Masama lasa mo?"
"Ayos ka lang?"

Paano ba ako makakasagot sa mga ito e sunod-sunod ang tanong!

"Kuya Sian! Kuya Sion! Ano ba? Chill lang, ayos lang ako." Umupo na kami.

"Pero---" pinutol ko ang sasabihin ni Kuya Sian.

"Kuya, please umorder na muna kayo gutom na ako."

"Per----" si Kuya Sion naman.

"Pretty please kuya, please" sabi ko habang nag papuppy eyes. Hahahaha! Bahala kayo.
Pagkarinig at pagkakita nila sa sinabi ko ay tumakbo na agad sila sa line ng nag uunahan pa. Hindi kasi nila kayang hindian pag nagpapacute ako sa kanila minsan lang kasi.

"Ang cute naman ng mga Kuya mo Sera! Nakakatuwa HAHAHAHAHAHHAHA!" Tawa ni Zari.

"Hayaan mo sila, di kana nasanay sa mga yon."

"Alam mo Sera napaka swerte mo! Sana all may Kuya!" Maingay nanaman niyang sabi.

"Ano ba! Bat ka ba sigaw ng sigaw."

"Di ka na nasanay saakin!" Tsk napakadaldal mo!

Magsasalita pa sana siya ng dumating na ang dalawa kong Kuya.

"Sera Baby, eto o favorite mo to." Tiningnan ko yung dala ni Kuya Sian, hmmm Bulalo,Adobo,Kanin at Halo-halo aba ayos to ah!

"No Sera Baby, eto kainin mo inorder ko yan from the button of my heart." Ano? Pinagsasabi nito ni Kuya. Cheese cake, Carbonara, Doughnut, Lasagna.

"Zari, tara kain na." Tawag ko kay Zari kasi may katawagan siya.

"Ano mga Kuya di pa kayo kakain?" Pagkasabi ko noon agad silang kumain.

"Bakit ba kasi ang dami nyong inorder? Tsk."

"Alam mo namang ayaw ka naming nagugutom." Sabay nilang sabi at nag samaan pa ng tingin.

"Ano ba! Kanina pa kayong parang magsusuntukan, ano nang problema niyong dalawa?" Kanina pa tong dalawa e! Nako pag nag suntukan pa naman tong dalwang to parang di mag kambal. Tsk.

"Eto kasing si Sian! Alam ng gusto ko si Caily yun pa yung niligawan niya!" Sabi na e, tsk lagi namang babae ang pinagaawayan nila kala mo naman talaga mga siniseryoso nila.

"Ako ang na-una Bro, kaya mapapasaakin din siya." Naka ngisi pa talagang sabi ng walangya kong Kuya.

Agad na umalis si Kuya Sion, dahil sa sinabing yon ni Kuya Sian.

"Ano nanamang nangyayari sa inyong dalawa ha?" Tanong ko kay Kuya Sian, pero di niya ako sinagot!

"Tss, hayaan mo siya."

Hindi na ako nag salita hanggang sa matapos na kaming kumain, agad din namang umalis si Kuya Sian ng walang paalam. Tsk masama talaga ang topak ng dalawa.

"Tara na Zari, Ano ba kanina ka pa tulala diyan." Isa pa to, hindi na nakakain pagkatapos nung tawag sakanya basta lang siyang nakatulala diyan.

"Huy, ano ba nangyari sayo?" Tanong ko sakanya pero di parin niya ako naririnig.

Hinila ko ang buhok niya, kaya bigla siyang napatalon at napasigaw. Ang OA nito ha.

"Ano ba Sera! Bakit ka ba nanghihila ng buhok?! Ano nangyari?!" OA talaga amp.

"Loko ka ah, kanina ka pang tulala dyan anong problema mo?" Tanong ko, bigla namang lumungkot ang mukha niya.

Hinila niya ako papunta sa may bench sa labas ng canteen.

"Sera, si Dad kasi." Ma lungkot na sabi niya.

"Ano? Ano meron kay Tito?"

"Malapit na daw bumagsak ang Kompanya namin."

"Tapos?"

"Para daw maisalba papakasal niya daw ako sa anak ng kaibigan niyang mayaman." Malungkot na talagang sabi niya.

"Tss, yan lang ba problema mo?" Mayabang kong tanong sakanya.

"Ano? Yan lang?! Alam mo namang ayaw ko ng commitment tapos papakasal ako sa di ko kilala!" Sigaw niya saakin. Loko siya na nga tutulungan tapos siya pang maninigaw.

"Nakalimutan mo na ba kung anong kaya ko?" Tanong ko sa kanya, at bigla naman siyang napangiti ng sobra.

"Shet!!!!! Omg!! Buti na lang kaibigan kita!! Sasabihin ko agad to kay Dad!!" Tili niya. Well kaya ko lang namang isalba ang kompanya nila, basta ako bahala konting pa cute ko lang kina Mom and Dad ayos na yon.

"Tsk, oo na." Niyapos niya ako dahil don.
Pumasok na kami sa classroom at nakinig sa Discussion. Buti last subject na to.

***DISMISSAL***

"Tara Sera libre kita!" Masayang sabi ni Zari, madaldal na uli to.

"Pass muna ako, mag- kaaway yung Kambal baka pag dating ko don mamaya mga putok nanaman ang labi." Sabi ko habang nagliligpit ng gamit, pero kuluhanin ko na sana yung libro ko ng kinuha to nung lalaking mayabang.

"Hi Eliza!" Tsk walangya. Ibinigay niya saakin yung libro ko at umalis na agad ako.

"Eliza?! Omgggggg!" Tiling kinikilig talaga si Zari. Tss.

"Nga pala bukas na dating nina Fhia at Yleena! Grabe namiss ko sila!"

"Tsk, alam ko alis na ako." Sabi ko at sumakay na agad sa kotse.

Give me your love (Mendezell School Series #1)Where stories live. Discover now