Kabanata 8

13 4 0
                                    

Unknown Number

Sino to? Bakit tinatanong ako nito kung ayos na ako? Si Zari kaya to or si Yleena o si Fhia, yeah baka nag palit ng number kung sino man sa kanilang tatlo.

To: Unknown Number

Zariyah is this you?

Agad namang nagreply.

From: Unknown Number

No.

No? So sino to?

To: Unknown Number

So sino to? Are you a girl or guy?

From: Unknown Number

Just call me Rix, Miss Eliza.

Eliza? Isa lang ang tumatawag saakin niyan walang iba kundi si Feelingero. Rix?

Hindi na ako nagreply at nagpatuloy na lang sa pagbabasa.

"Sera." Tawag saakin ni Kuya Sian.

Nandito na pala tong kumag na ito, nasaan kaya yung kakambal niya.

"Oh?" I answered remaining my eyes on the book.

"May tatanong ako.." Di mapakaling sabi ni Kuya Sian kaya napatingin ako sakanya.
At ayon siya pagala-gala sa harap ko.

Parang tanga kamo ang itsura niya! Para siyang natatae na ewan. Sinasabunutan niya pa ang buhok niya.

"Problema mo?" Tanong ko kasi hilong-hilo na ako sakanya!

"Hoy! Kuya! Ano ba? Nahihilo ako!" Sigaw ko na parang nakapag-pagising sakanya.

"Tangina naman oh, nakakahiya tong itatanong ko." Bulong niya.

"Ano bang kailangan mo?"

"P-paano ba m-manligaw sa babae Sera?"

Halos maubo ako sa narinig

"Hahahahahahahaha."

"Hoy! Anong nakakatawa? Potcha naman oh! Sabi na pagtatawanan mo lang ako! Hoy Sera!" Nagmamaktol si Kuya na parang bata.

Patuloy pa rin ako sa pagtawa, si Kuya Sian manliligaw? Pfffftttt tangina wag ako, o baka mali lang ako ng narinig.

Kinalma ko ang sarili ko pagkatapos ng matindi kong tawa. Naka pout ang kumag kong kapatid akala mo naman cute siya!

"What did you say Kuya? Can you repeat it?" I asked to Him but he looked annoyed to me.

"No."

"Fine, then I would not help y--"

"Sabi ko kung paano manligaw?!" Sigaw niya saakin.

"Loko ba't ka naninigaw?!" He's so annoying.

"Ikaw e! Tumawa ka pa kasi!" Inirapan niya ako.
Bading amp. Nangiirap.

"Ikaw manliligaw? Wag ako Sian."

"Gago, oo nga manliligaw nga ako Sera!" He looked really annoyed.

"Sino ba kasi yung liligawan mo? Aba first time manliligaw ang Sian Amadeus." I teased him.

"Tss! Makaalis na nga dito!" Nagmamaktol kala mo bata.

"Kung gusto mo talaga siya, just express your feelings for her."

Agad naman siyang bumalik sa pagkakaupo sa kama ko at humarap agad saakin.

"Hindi ko alam kung gusto ko na ba talaga siya, basta ayaw ko siya mawala sa paningin ko at gusto ko siyang laging kasama."

Binatukan ko siya. Gago pala to e, anong hindi alam?! Tsk ewan bahala siya!

Give me your love (Mendezell School Series #1)Where stories live. Discover now