Hospital
Nagising ako sa hindi ko kilalang silid, iginala ko ang mata ko.
Malaki ang kwarto, puti at walang tao.
Napatingin ako sa kamay ko ng makitang may dextrose ako.Nasa Ospital ako. Agad akong nakaramdam ng matinding kaba ng mag umpisang maalala ang napanaginipan.
Hindi ko mawari kung ano ba yon, gulong-gulo ako.
Hindi ko na namalayang may pumasok sa pinto at pumasok ang kambal.
"Sera! Kamusta ka na? Okey ka na na?" Tanong ni Kuya Sian.
"Okey na ako Kuya."
"Alam mo bang alalang-alala kami sayo!" Kuya Sion.
"Tss."
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumayo.
"Ay oo nga okey na yan."
"Oo ayos na yan, masungit na ulit e."
Sabay nilang sabi.
"Uuwi na ako, may pasok pa bukas." Simpleng sabi ko sa dalawa.
"Anong uuwi? Kakagising mo pa nga lang." Kuya Sian said while glaring at me.
"But Kuy---" he cut me off.
"No buts Sera." Seryosong sabi nung dalawa.
Ano pa nga bang magagawa ko, pero kasi may pasok bukas e.
Sure ka bang yung pasok or may gusto ka lang makita?
Ano ba! Syempre yung pasok ko ang hirap kayang mag habol ng mga activities.
Duh, wala kaya akong gustong makita. Sawang-sawa na nga ako sa mga mukha ng tao sa University e.
Teka... tss malala na nga ako! Bakit ko ba tinatanong ang sarili ko?!
"Nga pala Kuya's bakit nga pala sobrang sakit ng ulo ko at bakit ako nahimatay?" I asked to them.
Nagkatinginan yung kambal, Actually hindi sila yung kambal na magkamukhang-magkamukha may different features pa rin sila. In short magkaiba sila ng itsura.
Napatingin ako sa dalawa kasi nag tutulakam sila. Para silang mga tanga.
"Ano ba ikaw na kasi magsabi!" Kuya Sian.
"Hoy Sian! ako parin mas matanda sayo kaya sundin mo ako, ikaw na!" Kuya Sion.
"Hoy ka rin Sion! minutes lang yung tanda mo sakin gago." si Kuya Sian na mukhang iyamot na.
Mga abnoy talaga. Para silang mga batang nagtuturuan kung sino ang mauunang magpatuli."Ano ba?! Para kayong mga tanga alam nyo yon?" Sabi ko sa kanila.
"Ay, hala kelan pa ako naging tanga? Ngayon ko lang nalaman." Kuya Sian habang may pagtatanong sa mukha.
"Hala, ako den ba't di ko alam yun?" Kuya Sion looking confused.
Argggggghhh, walangya tong dalawang to parang mga tanga talaga.
Binato ko silang dalawa ng unan ko, mga bwesit.
"Lumayas nga kayo! Pinapasakit nyo lang lalo ang ulo ko!" I yelled.
Bigla silang naging seryoso.
"Wala, siguro pagod ka lang daw sa nakaraang araw kaya nanakit ang ulo mo." Kuya Sion answered not looking at me.
YOU ARE READING
Give me your love (Mendezell School Series #1)
RomanceWhat if hindi ikaw yung mahal pero hulog na hulog ka na?